Three and A Half Hours

Chapter 1

 

Physics: 94 over 100.
Math: 90 over 100.
English: 98 over 100.
Social Studies: 92 over 100.

Matataas lagi ang scores na nakukuha ko. But guess what? Never akong nakakuha ng perfect score. Sabi nila, almost perfect na daw ako. Pero kita mo nga, asaan ang 100 out of 100 sa exams ko? Hindi ako perfect, at never akong magiging perfect. Pero…gusto ko.

My name is Jino Anthony Mendez. 15 years old. Malinis akong tao. Ayaw ko sa madumi. Ayaw ko sa mababahong lugar. Marami akong ayaw. Minsan nga, mga classmates at friends ko, naartehan na sa akin eh. Madalas din akong mag isa, nagbabasa ng libro at nag-aaral. Pilit kong ginagawang perpekto ang pag aaral ko. Malay niyo, one of these days, maging perfect ang scores ko. Hay, how I wish talaga na mangyari na yun.

3rd year high school. Wow. Isang taon nalang, 4th year na. Next year, college na. Nakakatuwa. Excited na ako. Sabi pa sa akin ng classmates ko, tyak daw hindi daw ako mahihirapan sa college kasi ngayong high school palang daw, parang college na ako umasta dahil sobrang seryoso akong mag-aral. Candidate kasi ako for Valedictorian.

Pero may mga bagay talaga na hindi inaasahan..at may mga tao kang makikilala…

Habang papunta ako sa classroom pagkatapos kong kunin ang mga test papers ko sa Faculty, may nakasalubong akong isang lalaki. Ang tangkad nya, mga 5’9 siya (5’7 lang kasi ako. Nakakahiya). Tapos bigla nya ako kinausap.

“Hey, ikaw ba yung best candidate for Valedictorian? Si Jino Mendez?”

Huh? Best candidate?

“Uhm…ako nga si Jino Mendez pero hindi ako ang best candidate for Valedictorian. Perhaps you were referring to someone else…”

Natawa yung lalaki.

“Eh diba sinabi ko yung name mo? Eh di ikaw nga ‘yon”

Medyo pilosopo ka dong ha. Nginitian ko nalang.

“Okay. Yes, what’s your concern?”

“Uhm…kasi, you’re from the cream section, right? So, adviser mo si Mrs. Rodriguez. Kasi, bagsak ako sa 1st grading exam nya sa English, so baka pwede mo akong…”

“Ano gagawin ko?” sambit ko naman.

“Pwede mo akong…tulungan?”

Tama ba ang narinig ko? Kaka-meet palang, parang ang laki na ng pabor na hinihingi sa akin?

“Huh? B-bakit…Bakit ako?”

“Eh kasi…matalino ka, syempre dapat dumikit ako sa matalino. At for sure, matutulungan mo ako. Favorite student ka ata nun…teka, ano ba ginagawa mo sa kanya? Sinisip-sipan mo ba? Hahaha” sabi nya sa akin.

Medyo…nainsulto ang ego ko dun ha.

“Look, Mr. Whoeveryouare, go find someone else. I’m not sip-sip cause I’m not a straw, okay? So, before I punch you, umalis ka sa harapan ko, okay?”

Nag-walk out ako. Tawa sya ng tawa sa akin.

“Hoy! Ganyan ba mga valedictorian? Masusungit? At hindi ako si Mr. Whateveryayayoursuchaloser! Darryl ang pangalan ko…DARRYL!”

Sinigaw pa nya ang name nya ha. Sige, nice meeting you Darryl. Sana, di na mag cross ang landas naten. Nakakasira siya ng araw.

Chapter 2

Bumalik na ako sa classroom, at umupo sa desk ko. Napansin kong nakatingin sa akin si Alex, ang isa kong kaibigan na parang laging lutang, pero hindi, mabait ito. Alexandro Dizon ang tunay nyang name, kaso ayaw nyang binabangit ang buo nyang pangalan. Hindi ko alam kung ano ang tunay na rason pero sabi nya “basta”.

“Nakabusangot ka na naman, tikboy!” sabi sa akin ni Alex.

“Oo nga, napansin ko din kanina yun pagpasok nya” dagdag naman ni Daphne, or Daph.

Si Daphne Barrios ang maituturing kong best friend dito sa school. Matalino siya, sa katunayan isa rin siya sa mga candidates for Valedictorian sa batch namin. Sya ang lagi kong sinasabihan ng mga problema ko.

“Ah wala naman…”

“Kalimutan mo na nga muna yan Jino. Itsura mo, “wala naman”. Asus, mamaya, manlilibre ako!” sabi ni Alex sa akin, halatang pinapagaan ang mood ko, gaya ng parati nyang ginagawa.

“Wow, sosyal ka ha. Sige ha”

Nuong lunch break, akalain mong ang daming binili sa amin ni Alex. Pizza, burgers, Fit N’ Right tapos Caesar Salad. Wow.

“Thanks Alex ha. Gusto mo ata kaming patabain” sabi ni Daph. Natawa nalang ako dahil masaya kaming kumakain. Ang kulit ni Alex, may kinukwento siya about duon sa pinsan nya na 10 years-old na, umiihi pa sa kama. Tapos ang dami pa nyang kinukwento kagay nung mabahong paa daw nung ex-girlfriend nya, kung paano siya mangodigo minsan at iba pa. Tawa kami ng tawa ni Daph.

Habang kumakain ay nakita ko nanaman ang isang pamilyar na mukha. Yung mukha na nakita ko kanina lang. Si…Darryl? Yes, Darryl nga ata yun. Natatandaan ko dahil siya lang ata ang taong may pinaka-brown na kulay na mata na nakilala ko. Naglalakad siya papunta sa table duon sa may likuran. Malayo ang table ko sa kanya, kaya hindi rin nya ako napansin.

“Daph, kaya medyo mainit ang ulo ko kanina, kasi dahil may bumati sa akin kanina” sabi ko kay Daph, na naka upo sa kaliwa ko.

“Sino?” sagot naman nya sa akin. Nakinig na din si Alex.

“Yung Darryl ba yun”

“Ay talaga?” singit naman ni Alex.

“Si Darryl Alfonso, yung taga Section IV”

“So, kilala mo siya?” sagot ko naman kay Alex.

“Abay oo naman. Wala ka kasing alam sa mga underground section dito sa atin eh. Yang si Darryl, madalas ko yang makitang nagyo-yosi sa labas at madalas mahulihan ng kodigo sa exams. Suki siya ng guidance office” explain naman ni Alex.

“Yuck. Naninigarilyo pala siya” sabi ko naman.

“Interesting yung character nya ha. Asaan ba siya?” tanong sa akin ni Daph. Tinuro ko si Darryl sa kanya.

“Ayun oh. Yung nakaupo sa may kanan. Yung nakaharap…dito?”

Patay. Nakita ako ni Darryl na nakaturo sa kanya. Tumayo siya sa kanyang upuan…at naglakad…papunta sa table namin.

“I..I..I need to pee” sabi ko sabay tayo at lakad ng mabilis. Nagulat nalang sina Daph at Alex sa akin.

Mabilis akong naglakad, hindi papunta ng banyo pero palabas ng canteen. Napahiya ako duon ah. Ngayong nalaman ko na underground pala itong si Darryl, I’m in trouble. As in.

Sa bawat hakbang ko, ramdam kong may sumusunod.
Sa bawat lingon ko, may nakikita akong sumusunod.
Malapit sa akin.
Sige parin ang sunod kahit na mabilis na ang lakad ko.
Hangga’t ako ay lumingon.

Sinundan ako ni Darryl.

Chapter 3

“Bakit mo ako tinuturo?” sabi niya sa akin. Halata sa tono ng boses nya na medyo galit siya. Ako naman ay anduon lang, nakatingin sa kanya, gulat at tahimik.

“Hoy, bakit ka nga tumitingin?” tanong nya ulit. Wala parin akong imik.

“Pipi ka ba? Kanina lang nagsasalita ka ha” sabi nya ulit. Sumagot na ako.

“Wa…wala. Na ikwento ko kasi na nakausap kita kanina, kaya ayun, tinuro kita” Medyo ninenerbyos ako dito. After nung nalaman ko na medyo bad boy pala itong si Darryl, mahirap na.

“Ah…akala ko naman kung ano na” sabi nya sa akin. Nakahinga din ako ng maluwag.

“Anyway, ano bang class mo mamaya?” dugtong nya. Nagulat naman ako sa tanong nya.

“Ha…uhm, Home Economics nalang atsaka Arts…bakit?”

“Wala lang natanong ko lang.”

Natahimik din siya ng ilang sigundo. Tapos nagsalita siya ulit.

“Teka..alam kong hindi mo pa ako kilala at hindi pa tayo friend pero…pwedeng humingi ng favor?” sabi nya sa akin. Medyo halatang kabado siya nung sinasabi nya yun. Tumango lang ako, senyales na ituloy na nya ang sasabihin nya.

“Pwede bang magkita tayo sa tapat ng school? Uwian? May sasabihin kasi ako” sabi nya.

“Eh, sabihin mo na kaya ngayon?”

Napatitig lang sya sa akin, para siyang kinakabahan. Anong nangyari sa kanya?

“Ma…ma…mamaya nalang! Kasi may klase pa ako. Mahaba-habang kwentuhan kasi ang kailangan…at yosi. Sige na, ba-bye!” bigla nalang siyang tumakbo after nun. Natulala ako na naiwan duon.

Bumalik na ako sa table namin. 10 minutes nalang kasi, tapos na ang break. Pagbalik ko duon, napansin ni Daph ang reaksyon sa mukha ko.

“Mukha kang nag donate ng dugo. Ang putla mo. Bakit?”

“Uyyyy ikaw ha. Anong ginawa mo sa CR? Ang tagal mo ha” sabat naman ni Alex sabay tawa ng malakas.

“Sira. Wala, kinausap kasi ako ulit ni Darryl…” sabi ko naman.

“Hala ka!” sabi ni Alex. Nananakot ata. Di ko nalang siya pinansin. Ewan ko ba.

Uwian na ng mga 3rd year ng 2:00. Lumabas na lahat ng estudyante mula sa kanya-kanyang classroom. Ako naman ay naiwan pa sa loob at kinokopya pa ang mga kakailanganin kong notes sa libro. Nauna na sina Daph at Alex, dahil si Daph ay pupunta pa ng ospital dahil na-confine yung kapatid nyang bunso. Si Alex naman, gigimik ata.

Mga 30 minutes na akong nagsusulat ng notes duon, ng may maalala ako.

May gusto palang kumausap sa akin. Si Darryl.

Dali-dali akong tumayo sa desk ko at lumabas. Hindi ko na napatay ang aircon dahil sa pagmamadali ko. Lumabas ako ng school at nakita ko duon si Darryl, nakatayo.

Unti unti akong lumapit. Sa tirik na tirik na araw, medyo namumula ang maputi nyang pisngi. Hindi kasi ako ganun kaputi eh. Sorry naman. Ang daming nasindihang sigarilyo sa may paanan nya.

“Ang lakas mo namang manigarilyo!” bungad ko sa kanya. Nagulat siya sa akin. Huling hit-hit na nya iyon at itinapon na nya.

“Ang tagal mo kasi. Isang kaha na naubos ko”

“Ano? Isang kaha? Kadiri.”

“Kadiri ka diyan. Cool kaya” defense naman nya.

“Anyway, ano bang sasabihin mo sa akin?” nagmamadali kong sabi sa kanya.

“Upo naman tayo” sabi nya.

Umupo kami duon sa may bench sa tapat ng mini-restaurant. Wala masyadong kumakain duon. Sabi kasi nila di daw masarap ang luto. Pagkaupo namin, medyo lumayo ako ng konti kay Darryl. Amoy na amoy ko kasi ang sigarilyo nya. Nakakainis na nga eh. Gusto ko siyang layasan.

“Oh, anong sasabihin mo?” sabi ko naman.

“Bagsak kasi ako sa English nuong nakaraang 1st grading. Sabi ni Mam Rodriguez, kailangan ko daw bumawi ngayong 2nd grading. Delikado daw kasi ako. Eh nalaman ko na ikaw ang pinaka-matalino sa batch natin, kaya naisipan kong magpatulong sayo. Sige na, wala lang kasi talaga akong malapitan eh” paliwanag nya sa akin.

“Wala ka bang malalapitan na classmate mo? Bakit ako?”

“Hindi mo lang alam. Halos lahat ng classmate ko takot sa akin. Kasalanan ko rin kasi eh. At…kaya ikaw…kasi…mukha kang mabait at…at…mukhang madaling mag-adjust sayo” sabi niya sa akin. Nag-isip muna ako sandali bago ako nagsalita. Mukha naman kasing mabait itong si Darryl, kumpara sa mga sinabi ni Alex eh…na sa kung iisipin, parang wala lang talaga.

“Sige na nga. Ano bang gusto mong oras? At ilang araw sa isang linggo?” tanong ko.

“Hmmm…twice a week nalang siguro. After class…ikaw bahala kung ilang oras”

“Okay. Three and a half hours…para mabilisan tayo. Malapit na ang exam.” sabi ko. Para akong professor ha.

“Di nga? Ang tagal naman nun! Three hours tapos puro aral? Parang di ko kakayanin!” reklamo nya sa akin. Napakamot siya ng ulo at napakunot ng noo. Seryoso akong humarap sa kanya.

“Anong mas di mo kakayanin? Ang bumagsak or mag-aral ng three and a half hours?” diretsang tanong ko sa kanya.

Tahimik ulit siya. Nakakunot parin ang noo nya at parang kinakabahan. Kamot ng ulo dito, kamot doon. Naghihintay lang ako kung ano isasagot nya.

“Sige na nga! Fine, three and a half hours”

Papayag din pala ito eh.

“Sige, deal” sabi ko sa kanya.

“Ililibre nalang kita after ng sessions natin. Nakakahiya naman ang for free sessions. Sobra. Salamat talaga Jino ha.”

“Sure. Basta magpaka-bait ka ha. Ayaw ko ng pasaway na estudyante. At ayusin mo yang uniform mo. Ang baho mo na. Amoy yosi ka.” sabi ko, sabay tayo at alis. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Lumingon ulit ako sa kanya…

Nakangiti siya sa akin. Parang sobrang nagpapasalamat sa tulong ko sa kanya. Masarap din sa pakiramdam na makatulong ka sa iba no. Siya ang 6th student na i-tututor ko.Sana ma-handle ko siya ng maayos.Sana makatulong ako.Sana, maka pasa siya.

Chapter 4

Pagkatapos nuon ay umuwi na ako ng bahay. Mga 4:30 na ako nakauwi dahil medyo matrapik. Pagdating ko sa bahay ay si Aling Delia na agad ang bumungad sa akin. Ano daw ang kakainin ko mamayang dinner? Mapili din kasi ako sa pagkain. Sabi ko sa kanya, maghanda nalang siya ng mixed vegetables at coleslaw sa akin. Mag titinapay nalang ako. Ewan ko ba, pero super light lang dapat ang dinner para sa akin. Minsan lang ako mag-rice.

Pag-akyat ko sa kwarto ko ay nilapag ko ang gamit ko, tapos nagtangal ng sapatos. Nagpahinga lang ako sandali at nag-shower na kaagad. Ayaw ko ng amoy byahe, kaya naliligo ako kaagad para maalis. Maraming nagsasabi sa akin na sobrang arte ko daw para sa isang lalaki, pero ganun talaga ako. Gusto ko lang kasi talagang maging malinis at maayos ang lahat. After maligo, ARAL, aral, aral at aral. Ni-ready ko na din ang mga ipapareview kong lessons kay Darryl bukas. Nawili ata akong mag-aral ngayon dahil bumaba na ako eh dinner na.

Nagkwentuhan kami ng pamilya ko. As usual, joke time lagi si Daddy pati na si Ate Hannah. Masaya kaming pamilya, wala namang gaanong problema. Sakto lang.

Madalas may nagtatanong sa akin: Bakit daw wala pa akong girl friend? Eh sa wala akong panahon sa ganyan eh. May babae kasi nuong 2nd year high school ako. Pangalan nya eh Diane. Na in-love ako sa kanya ng sobra, only to found out na aalis na pala siya patungong states. Isang linggo din akong umiyak nuon ha. Alam nila Daph at Alex yun. Simula nuon, mas dinagdagan ko ang oras ko sa pag-aaral. Yung oras para sa love, napunta sa pag-aaral.

Fast forward na nga. Kinabukasan sa school, medyo maaga akong pumasok. 8:30 palang nasa school na ako, eh 9 am ang class namin. Nag stay ako duon sa student lobby, palagi kaming tambay duon nila Daph at Alex nung 2nd year after class or kapag absent ang isa kong teacher. Ngayon, madalang na kaming magpunta duon.

Habang nagrerelax ako sa upuan, may biglang tumawag sa akin.

“Master!”

Sino yun? Pagka lingon ko, si Darryl pala.

“Oh, Darryl? At bakit master ang tawag mo sa akin? May pangalan kaya ako” sabi ko naman.

“Eh master, syempre, ikaw ang magtuturo sa akin, kaya dapat ka lang tawagin na MASTER!” paliwanag nya sa akin. Ang hyper nya ngayong umaga.

“Masyado kang magalaw! Nahihilo ako sayo”

“Ay sorry master.” sabi nya saka umupo sa tabi ko.

“Master, saan mo ba gustong mag aral tayo mamaya?”

“Hmmm…hindi ko pala yan nasabi sayo yan kahapon. Sige, pwedeng dito nalang, kung okay lang sayo”

Ngumiti siya sa akin tapos sabi nya, “Okay master! Walang problema, kahit saan, basta turuan mo lang ako”

Tuwang tuwa si loko.

“Siguraduhin mo lang ha. Dapat, seryoso ka talaga na matuto. Kahit anong effort ko sayo kung hindi ka naman 100% committed, wala ring silbi” sabi ko sa kanya.

Nagulat ako sa kanya. Hinawakan nya yung kamay ko. Ang higpit nga eh. Hindi lang basta hawak, parang hawak ng….mag syota?

“Seryoso ako, master” sabi nya. Tapos, siya naman ang biglang umalis. Tapos tumingin sya ulit sakin, tapos nag sign sya. Ewan ko ba, ang hirap i-describe, parang kinatok nya yung dib-dib nya tapos tumuro sakin. Ewan ko, ang weird nya.

Umalis na rin ako kasi narinig ko nang nag ring ang bell. Parang ang bilis naman ng oras. Di pa nga umiinit ang bench na kinauupuan ko eh, time na agad. Pagpasok ko sa classroom ay kadarating palang ni Daph. Si Alex, wala pa pero sabi nya aabsent daw sya ngayong araw na ‘to. May topak nanaman ang lokong yun. Pagka upo ko…

“Daph” sabi ko habang kinakalabit ko siya. Humarap siya sa akin, tila curious.

“May nagpapatutor sa akin mamaya”

“Sino naman?”

“Si Darryl Alfonso. Yung sinasabi ko sayo kahapon” sabi ko, tila ninenerbyos. Nagulat si Daph sa akin.

“Seryoso ka? Akala ko ba hindi kayo okay nun?”

“Akala ko rin eh. Kaso, yun pala, gusto daw nyang magpaturo sa akin sa english, kasi binagsak siya ni Mam Rodriguez last grading”

Napakunot ang noo ni Daph at tumingin sa akin ng diretso.

“Eh bakit sa lahat pa ng people, sayo pa siya lumapit?”

Napaisip din ako…at nagulat.

“Ha? Ewan ko. Sabi nya kasi…mukha daw akong mabait”

Tumawa ng malakas si Daph. Nagtinginan sa kanya yung iba naming classmates.

“Alam mo siguro crush ka nun”

Dun ako nagulat ng todo.

“Hoy mahiya ka nga! Ang tikas-tikas ng dating nun. Ano ka ba…walang ganyanan!”

Tawa parin ng tawa si Daph. Medyo naaasar na ako pero okay lang. Ganun naman yun eh, pag nagsimula nang tumawa, parang wala ng bukas.

“Ikaw talaga Daph!” sabi ko at nakitawa na rin lang ako.

“Ano ba ang pagaaralan niyo?” tanong ni Daph sa akin.

“Ang ganda ng tanong mo! Syempre, lessons” sabi ko sa kanya. Tawanan lang kami ng tawanan.

**AFTER CLASS***

Naglalakad na ako papunta duon sa student lobby. May nakita akong lalaki na naka cap na naka upo duon sa table na lagi kong inuupuan. Nang lumingon siya at tinanggal ang cap, si Darryl pala.

“Wow. Punctual” sabi ko sa kanya, seryoso ang mukha ko. Sya naman, todo ngiti.

“Master! Ano lesson natin ngayon?” tanong niya sa akin. Umupo ako sa upuan sa opposite side nya. Magkaharapan kami.

“Ang baho mo nanaman. You smell like a burning nicotine and tobacco” sabi ko sa kanya. Nakatakip pa ako ng ilong.

“Master naman…alam mo namang di ko mapigilan eh”

“Pwes pigilan mo. Ayoko ng amoy yosi ka kapag may lessons tayo. You know that smoking can cause bad breath, yellow teeth, breathing problems, heart diseases, cancer sa lungs, and worst, DEATH” seryoso kong pagkakasabi sa kanya. Natulala siya sa mga sinabi ko. As in, wala siyang sinabi na kahit ano.

“So ano, are you going to quit smoking or not?”

Napayuko siya at may kinuha sa may bulsa nya sa polo. Isang stick ng sigarilyo. Tinignan nya ito at inamoy. Tapos tinapat nya ito sa mukha ko.

“Anong gagawin mo?” tanong ko sa kanya. Medyo nababad trip na ako.

Sa gulat ko, bigla nyang binali ang stick ng sigarilyo sa harapan ko.

“Ayan master. I will try my best”

Tinapon nya ang baling yosi sa may basurahan. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Simula nuon, seryoso na ang mukha niya.

Sinimulan na namin ang pag-aaral. Tinest ko ang writing skills nya. Jusko, medyo mahina siya sa grammar. Eh ang English sa amin eh more on writing. Sa 2nd grading, speech writing ang exam. Naku, kailangan ko syang tutukan ng maigi.

“Master, masakit na ang ulo ko” sabi nya sa akin. tatlong oras na kasi kaming nagaaral.

“30 minutes pa, Darryl. 30 minutes”

“Master, pwede bang tawaran ko muna?”

Hindi ako nagsalita. Patuloy ako sa pagsusulat. Napansin ko siyang nakakunot at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa ng libro.

***

“Hay salamat! Tapos na ang three and a half hours. San mo gusto kumain?” tanong nya agad sa akin. Ang saya-saya nya.

“Wag na. Next time mo nalang ako ilibre” sabi ko sa kanya.

Ang kulit nya. Hinatak nya ang kamay ko at dire-diretso kami ng lakad.

“Uy, san mo ako dadalhin?”

“Naku master, kailangan kitang ilibre. Ang dami kong natutunan sayo ngayon” sabi nya sa akin.

Pagkalabas namin ng school. Nakakakapit parin ang kamay nya sa akin. Nagtitinginan na ang mga tao. Nakakahiya.

Chapter 5

“Ano ba, Darryl? Bitiwan mo nga ako. Nakakahiya na” pabulong kong sabi sa kanya. Binitiwan nya ng marahan ang kamay ko.

“Eh ikaw kasi Master eh, ayaw mo pang mag palibre” sabi naman nya sa akin. Ang kulit talaga nya. Sa sobrang kulit nya, wala na akong nagawa kung hindi pumayag. Medyo nahihiya din naman kasi ako, pero sabi nga sa kasunduan namin, ililibre nya ako after our tutorial class.

“Saan mo gustong kumain?” tanong nya.

“Kahit saan”

“Walang kainan na ang pangalan ay Kahit Saan” sabay tawa.

“Pilosopo! Sige na nga, duon nalang tayo” sabi ko habang tinuturo yung coffee shop duon sa may tapat ng school namin.

“Sure ka ba?” tanong nya. Tumango nalang ako. Tapos, lumakad na kami papunta duon sa coffee shop. Pagbukas namin ng pinto, wala masyadong tao. Mga tatlong table lang ata ang may tao, out of six: Isang babae dun sa table na malapit sa bintana sa left side, tapos sa likod nung table nya, tatlong estudyante, dalawang babae, isang lalaki. Sa table naman sa may bandang bar, isang lalaki at babae. Duon kami umupo sa may malapit sa pinto.

“Order ka na, master” sabi nya sa akin.

“Huy, hinayhinayan mo naman ang pagtawag ng master. Medyo nakakahiya” sabi ko, tapos napangiti ako.

“Marunong ka pala ano?”

Napatingin ako sa kanya, kasi tumitingin ako ng oorderin.

“Marunong ng ano…?”

“Marunong ngumiti” sabi nya. Akala ko naman kung ano na…ha?

“Asus. Syempre, tao ako” sabi ko, tapos tumawa ako.

“Aba, at marunong ka ding tumawa!” sabi niya ulit.

“Sanalagi kang ganyan, ano?Parahindi ka mukhang laging mananapak. Haha. Kaya siguro single ka, kasi lagi kang nakasimangot. Natatakot sayo ang mga girls!” pagpapatuloy nya. Humarap ako sa kanya at napangisi.

“Hindi naman sa ganun. Masyado lang akong busy at walang panahon dyan sa love life na yan. Mas maraming important things na kailangan kong problemahin, kaysa sa love na yan” sabi ko. Natahimik na naman sya.

“So, na in-love ka na ba?” tanong nya sa akin. Napatingin ako ulit sa kanya.

“Sir, oorder na po ba kayo?” sabat naman nung waitress. Ang pangalan nya Annie, nakalagay kasi sa nametag nya.

“Ay sige. Isang Caesar Salad tapos Frap. Ikaw, Darryl?”

“Chocolate mousse saka isang hot black coffee”

Tapos, umalis na si Miss Annie.

“Back to our question, Master. Na inlove ka na ba?” tanong nya ulit. Inalis ko ang salamin ko, hinawi ang buhok ko at tumingin ako ulit sa kanya. Napansin ko ang tangos ng ilong nya, habang nakatitig din siya sa akin.

“Oo naman. Nung 2nd year high school. Ang name nya, Diane. Diane Enriquez. Classmates kami nuon at madalas kaming ni-la loveteam sa classroom dahil lagi kaming partners sa activities. Kapag hindi ko kasama yung barkada ko, siya ang madalas kong kasama, kausap sa phone at ka-chat. Until one day, na realize ko na gusto ko na pala siya. Tapos, nung aamin na ako…sinabi nya sa akin na aalis na pala siya. Nasaktan ako nuon, kasi di ko man lang nasabi sa kanya yung nararamdaman ko. Ang hirap pala nun sa loob, no?” sabi ko sa kanya.

“Alam mo, siguro hindi talaga sya para sa’yo” sabi naman nya.

“Paano mo nasabi?”

“Eh kasi,sana, hinayaan ng pagkakataon na masabi mo sa kanya ang nararamdaman mo, kung talagang parra sa’yo siya. Pero hindi eh. May mga ganun talaga minsan. Kala mo, siya na pala, yun pala, hindi, may iba ka pang makikilala at magpapasaya sayo…” sabi nya sa akin. Malalalim din pala itong si Darryl.

“Siguro nga, Darryl, tama ka.” sabi ko. Dumating na ang order namin.

“Anong gagawin mo, kung…magkita ulit kayo?” tanong niya sa akin.

“Hindi ko alam, Darryl eh. Hindi ko alam kung magiging masaya ako, excited, malungkot, magagalit…ewan. Perosananga, makita ko siya ulit”

After kong sabihin yon, napayuko si Darryl. Tapos, uminom siya ng kape nya.

“Kain na tayo!” sabi nya, tapos nakangiti sya.

Kumain na kami. Tahimik kami throughout, tila naubos na ata ang pinagkwentuhan namin.

After kumain, tinanong muli ako ni Darryl.

“Master, okay ka lang?” nagulat naman ako sa tanong niya.

“Oo naman. Wala namang problema eh” sabi ko, pero tila maski ako, hindi ako kumbinsado sa sagot ko.

“Sige…master, maiwan na kita. Salamat talaga, sa uulitin ulit, master” sabi nya, saka naglakad palayo.

Muli kong naisip si Diane.

**
Chapter 6

Sumakit bigla ang ulo. Hindi ko alam kung bakit, pero nung sumakay ako ng jeep, bigla nalang sumakit. Haay, bakit ba kasi napunta kay Diane ang topic kanina. Medyo nang hina lang ako. Naalala ko nanaman siya. Ayaw ko na. Bumabalik kasi yung feelings ko sa kanya. Eh, ayoko nang maramdaman kasi alam kong malabo na. Sabi nga ni Darryl, hindi kami siguro ang nakatadhana para sa isa’t isa. Haay. Pero hindi naman ako nagmamadali na makahanap. In fact, parang ayaw ko pa. Kailangan kong magsumikap muna, para maka pasok ako sa magandang college, at para magkaroon ng magandang buhay in the future. Ayaw ko ng distraction.

Pagka uwi ko nang bahay ay same routine ang ginawa ko: kumain, nanuod ng TV ng konti, naligo na, at umakyat na para mag-aral.

Mga 12:45 na pero gising na ako. Normal na sa akin ang ganuon. Habang nag su-surf ako sa web, napansin ko na may nag add sa akin sa YM.

“Darryl Alfonso (onyx_05) added you as his new contact”

Inaccept ko na din. Kilala ko naman kasi si Darryl. Maya-maya.

“Darryl Alfonso: Master”

Nag-PM siya sa akin. Ano ba yan, hindi kasi ako mahilig mag chat masyado. Pero laging bukas ang YM ko in-case na may magtanong sa akin or what. Pero in general, hindi ako mahilig. Oh well, baka may itatanong lang sa akin itong si Darryl.

“Jhino Anthony Mendez: Bakit?”

“Darryl Alfonso: Bakit gising ka pa?”

Tinangal ko saglit ang salamin ko at kinuskos ang mata ko. At binalik kong ulit.

“Jhino Anthony Mendez: Nag-aaral pa kasi ako.”

“Darryl Alfonso: Di nga master? Gabing gabi na kaya? Tama na yan!”

“Jhino Anthony Mendez: Hindi. Mamaya pa ako matutulog. Ba’t ka ba nag PM?”

“Darryl Alfonso: Eh kasi, online ka pa. naisip ko lang kasi gabi na tapos online ka. ayun”

Nasa kalagitnaan ako nang pag reresearch. Mga 3 minutes later, gumulantang sa akin ang sobrang lakas na BUZZ ng YM.

*BUZZ*

“Darryl Alfonso: Master, ba’t di ka nagrereply?”

“Jhino Anthony Mendez: Ang kulit mo. Nag aaral nga sabi ako”

“Darryl Alfonso: Ah ganun master ha. Siger, guguluhin kita!”

“Darryl Alfonso: MASTER!”

“Darryl Alfonso: MASTER!”

“Darryl Alfonso: MASTER!”

“Darryl Alfonso: MASTER!”

Ay nakakainis naman itong si Darryl! Nag aaral yung tao eh.

“Jhino Anthony Mendez: Darryl, tumigil ka. Pag hindi ka tumigil, last review session na natin ang kanina.”

“Darryl Alfonso: Ay sige master! Hindi na pa ako mang gugulo. Sorry po”

“Jhino Anthony Mendez: Good. Now, don’t disturb me. I’m studying”

Hindi na nag reply si Darryl. Hay, buti naman at hindi na. Mga 2:30 AM, natulog na ako. Nag offline si Darryl mga 1:32 AM, hindi na daw nya ako kayang hintaying matulog. Sabi ko, wag na nya akong hintayin. Nagpalitan na rin kami ng cellphone numbers dahil nakakalimutan kong hingin sa kanya yun.

Kinabukasan, sa first subject, walang teacher. As usual, nag diwang lahat ng classmates ko, maski din naman ako. At least may time ako para maka bonding ko ulit sina Daph at Alex. Nagpunta kami duon sa tambayan namin dati (yung pinag rereviewhan namin ni Darryl).

“What’s wrong with Jhino?” sabi ni Alex kay Daph, habang kumakain sya ng turon na dala niya. Luto ata ng mom nya. Masarap gumawa ng turon iyon.

“Anong what’s wrong with me?” sabi ko naman.

“Ay, andyan ka pala Jhino” sagot naman ni Alex sabay tawa ng malakas.

“Jhino, parang may problema ka, tulala ka nanaman!” tanong naman sa akin ni Daph.

“Eh kasi kahapon…may napag usapan kami ni Darryl…”

“Ah talaga? Ano yun?” sabi ni Alex. Nakatingin silang dalawa sa akin. Tila seryosong nakikinig.

“Si Diane…”

Hindi alam ni Alex at Daph ang ire-react nila. Ramdam ko yun.

“Oh, what’s with Diane?” tanong sa akin ni Daph.

“Nakwento ko lang sa kanya…pero Daph ang hirap. Bumabalik kasi eh” sabi ko, napapayuko na ako dahil ayaw kong ipakita na nahihirapan ako.

“Wag mo kasing hayaang bumalik. Ramdam ko kasi tikboy eh, parang ikaw mismo ayaw mo pa siyang pakawalan.” sabi ni Alex.

“Eh, ayaw ko na talaga! Kita mo, nahihirapan ako. Sabihin ko lang ang pangalan nya, ang hirap na sa pakiramdam. Atsaka hindi ko na siya na oopen no, kahapon lang” defense ko naman.

“Kahit na hindi mo siya binabangit, kahit hindi mo ikikuwento, deep inside you know that you can’t let her go. Kaya masakit parin, kasi nakakakapit parin siya dyan sa utak mo, at sa puso mo”

Hindi ako makapag salita sa sinabi ni Alex. Alam niyo kasi, hindi usual kay Alex ang mga ganitong bagay. Alex is a very cheerful and happy-go-lucky man, at once in a blue moon siyang magsalita ng mga ganun. Kaya talagang natatamaan ako.

“Aba, aba, Alex Dizon, iba ata ihip ng hangin ha? Ganyan ba ang effect ng turon?” hirit naman ni Daph. Tawanan silang dalawa. Napatawa din ako.

“Guys, salamat ha. Napatawa niyo ako” sabi ko sa kanila.

“Walang hiya ka Daph. Sa susunod, ikaw naman ang aadvisan ko ng malupit-lupit. Kakain ako ng mga 4 na turon para sure talagang malupit” sabi naman ni Alex. Lalo kaming tumawa. Sana laging ganito, laging masaya.

**

Start na ng 2nd session namin ni Darryl. Himala, at mas tahimik ngayon siya at mas focused. Minsan lang siya magsalita at kung magsasalita pa, kadalasan tanong.

Nung matapos ang review session namin, nilibre nya ako sa canteen kasi sabi ko gusto kong mag-kanin nalang.

“Master, anong oras ka na natulog kagabi?” tanong niya sa akin.

“Mga 2:30 am…ikaw ba? Mga Quarter to two, out ka na sa YM eh”

“Ah ewan ko…5 am? hahaha.”

“Ikaw talaga” sabi ko naman at napangiti ako. Ngumiti din siya habang magka titigan kami. Tapos biglang may nahulog sa bulsa nya. Lighter.

“Akala ko ba, nag quit ka na?”

“Ah…oo..tinatago ko lang itong lighter. Bigay kasi sa akin ito eh”

“Siguraduhin mo lang ha”

Nag-tawa lang sya. Tapos kumain na ulit kami. Maya-maya…

“Jhino?”

May tumawag sa akin. Babae. Mula sa likod.

“Jhino, tawag ka ata nung babae” sabi ni Darryl sa akin habang nakaturo siya.

Si Diane…bumalik siya.

**
Chapter 7

Mukhang namanhid ang buo kong katawan. Huminto ata ang oras. Ang mga mata ko’y nakatuon lamang sa kanya. Parang kami lang dalawa ang nasa canteen nung mga oras na iyon. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakilos. Si Diane nga iyon. Nasa harapan ko.

“Di…Diane?” finally, nakapag salita ako. Unti unti siyang lumapit sa akin. Ganun pa din siya. Maganda at may nakaka aliw na ngiti.

“Kamusta ka na?” tanong nya sa akin.

“O…o…okay lang” sabi ko. Napalingon ako kay Darryl. Parang nagulat din siya pero hindi siya nagsasalita. Maya-maya ay tumayo ako.

“Diane, si Darryl nga pala…” pakilala ko. Nakipag kamay naman si Diane kay Darryl. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Bakit ngayon pa dumating si Diane?

“Maiwan ko muna kayo…” sabi ni Darryl sa akin. Ayaw ko sanang umalis si Darryl, kaso, baka naman kung ano isipin ni Diane. Habang tinitignan kong umalis si Darryl, lalong sumisikip ang dibdib ko. Ngayon, kaming dalawa nalang ang magkakilala sa loob ng canteen.

“Duon tayo sa dating tambayan. Usap naman tayo”

So pumunta kami duon sa madalas naming tinatambayan. Tahimik pa din ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ayaw ko siyang tignan, pero hindi ko alam kung bakit. Nung makarating, umupo na kami sa upuan.

“Bakit ka ba umalis?” agaran kong tanong sa kanya. Napangiti si Diane at tumingin sa akin.

“Umalis ako dahil kailangan kong puntahan ang kuya ko na nasa States. He’s on his coma na, and the doctors said that he’s going to leave us soo. Pasensya na kung nung day na nagpaalam ako sayo, hindi ko kaagad nasabi ang rason kung bakit ako aalis. Masyado akong tuliro nuon” paliwanag nya sa akin. Naisip ko lang, ang bilis nyang mag explain. Hindi ko pa nga tinatanong, nag explain na agad siya. Siguro nga, nagsi-sisi siya dahil biglaan ang pag alis nya.

“Ang dami mong naiwang dito sa Pilipinas. Ang daming kaibigan mo ang naghanap sayo. Bigla ka na lang kasi umalis.” sabi ko.

“Parang ang lamig mo sa akin, Jhino. We used to be so warm and close to each other” medyo nalulungkot na sabi sa akin ni Diane. Hindi ako nakapag salita.

“Siguro dahil na rin sa tagal ng ating hindi pagkikita. We have no communication nung andun ako so wala akong update sayo at sa mga nangyayari sayo. I guess it’s my fault” matapos nyang sabihin yun, napatingin ako sa kanya.

“It’s not your fault. It’s nobody’s fault. You left, we have to move on. *I* have to move on. Now that you’re back, I guess we need to rebuild our friendship…”

“I’m okay with that…” sabi naman nya.

Nagusap pa kami ng maraming bagay. Like nag ho-home study na pala siya, kung kailan namatay ang kuya nya at kung ano naging buhay nya sa America. Okay lang naman ang conversation namin pero may kulang talaga.

Mga 7 pm, lumabas na kami dahil pasara na ang school at uwian na ng mga nag CAT.

“Thanks for visiting, Diane” sabi ko sa kanya.

“Next time, sabihan mo sina Alex at Daph. I miss them, too”

“Don’t worry, I will. Sige, bye” at ayun na nga. Sumakay na siya sa taxi at umalis na. Nang lumakad ako ng kaunti sa right side, nakita kong anduon pa si Darryl, hinihintay ako.

“Oh, ba’t andito ka pa?” tanong ko sa kanya.

“Hinihintay kita eh. Baka umiyak ka after kayong mag-usap, at baka kailangang dalhin kita sa ospital” sabi ni Darryl saka ngumiti. Natawa naman ako sa kanya.

“Oy hindi ah. Kita mo bang lumuha itong mata ko?”

“Akala ko lang naman” sabi nya sa akin. Natahimik kami ng ilang seconds. Then he breaks the silence.

“Dala ko kotse ko, hatid na kita?” offer nya sa akin. Ha? As in ha? Nagulat naman ako. Sa offer nya, at sa fact na may kotse sya. Galante talaga itong si Darryl. Hindi na ako naka tangi dahil nakakahiya naman dahil hinintay nya ako tapos parang mababale-wala nalang.

Habang nasa daan kami, nagtanong sa akin si Darryl.

“Anong napag usapan niyo ni Diane?”

“Ah, wala yun” sabi ko, saka humarap ako sa bintana. Sa unahan ako naka upo.

“Share na dyan, master”

“Wala naman. Kung ano-ano…kung bakit siya umalis and the likes…super simple”

“So, hindi mo nasabi sa kanya yung feelings mo?”

Umiling nalang ako.

“Alam mo Darryl. Diba sabi ko sayo, pag nakita ko siya, siguro, babalik ang lahat. Pero kanina, parang…hindi. Pure platonic feelings nalang. Wala nang iba pa…ewan ko.”

“Hmmm…sigurado ka na ba diyan?”

Tumango ako.

“Eh di, iyon. Wag kang manghinayang sa feelings na nawala, lalo na’t di mo naman nasabi sa kanya. Mabuti nang hindi nya nalaman na minsan nagkagusto ko sa kanya. Malaking problema yun”

Once again, malalim nanaman si Darryl.

“Eh paano kung siya naman ang nagka gusto sayo? Paano kung ikaw ang dahilan kung bakit siya bumalik?” sabi niya sa akin.

“Ewan ko…pero still, may kaunting puwang parin dito sa puso ko. Ah, I don’t know. I’m confused”

“Bakit kasi naghahanap ka pa ng iba…may mga tao naman sa paligid mo na nagpapa-halaga sayo…hindi mo lang sila pinapansin…” sabi nya, mahina, pero narinig ko. Haay, ano kayang meron kay Darryl ngayon? Sorang seryoso nya.

“Darryl, I don’t know but…hindi pa tayo masyadong close but…you’re so deep…and magaan ang loob ko sayo…” sabi ko sa kanya. Totoo naman iyon. Bihira akong makipag kaibigan, pero magaan talaga luob ko kay Darryl.

“Well, the feeling is mutual master. Oha, English yan ha!” sabi nya, sabay tumawa ulit. Natawa na din ako sa kanya. Nagulat nalang ako nung bigla nya akong inakbayan habang nag da-drive sya.

“Basta, Jhino, kapag may problema ka, andito lang ako para makinig” sabi nya sa akin. Hindi ko alam, pero ang gaan ng feeling ko nung sinabi nya yun. I feel…uhm, secured? Hindi ko alam.

Medyo malapit na kami sa bahay pero hindi ko alam….

Ayaw ko pang bumaba ng car nya…

Chapter 8

“Uy, dito na ba tayo liliko?” sabi sa akin ni Darryl. Malapit na kami sa bahay.

Pagka liko ay mga ilang bahay lang nilampasan namin at ayun, bahay na.

“Thanks for giving me a lift” sabi ko, saka ko binuksan ang pinto at bumbaba sa kotse.

“Anytime, master” sabi nya. Nag ba-bye na siya saka umalis. Hangga’t sa maka-layo na ang kotse ni Darryl, hindi pa ako pumasok sa loob ng bahay.

Quarter to 8 na ako nakarating. Pagkapasok ko sa bahay ay tinanong ako kaagad ni mama at papa kung bakit ako ginabi. Sabi ko, bumalik na si Diane from states. Nagulat si Mama. Sabi ko ay nagkwentuhan muna kami at medyo natagalan. Nakwento ko na rin na hinatid ako ni Darryl dito. Sabi nila, gusto daw nilang makilala si Darryl one day. After nun, kumain na ako at umakyat na sa kwarto ko at nagkulong.

Mga 10 pm, nagulat nalang ako na pumasok si mama sa kwarto ko…

“Bakit gising ka pa?” tanong nya sa akin.

“Ay, ma, kasi po nag aaral pa ako. Malapit na kasi ang exams”

“Anong malapit? Eh diba 2 weeks pa? Marami ka pang time”

Tumayo ako nilapitan ko si mama.

“Ma, don’t worry. I’m just studying, at okay lang ako. Sige na, matulog ka na, at may pasok ka pa bukas” sabi ko, saka ko niyakap si mama.

“Eh kasi naman Jhino, baka lagi kang puyat. Ayaw kong nagkakasakit ka” sabi sa akin ni mama.

“Don’t worry, I’m fine. Sige na, matulog na po kayo” sabi ko, tapos sinamahan ko na palabas ng pinto si mama. After nuon, bumalik na ako sa study table ko. Tapos biglang nag-ring ang text alert tone ko sa cellphone. Tinignan ko kung sino ang nag-text. Si Darryl…

From: Darryl

“Master…tulog ka maaga ha.”

Sabi nya. So, nagreply ako.

“I doubt that. But thanks for the concern”

Sent. After 30 seconds or so, nag reply sya kaagad. Ang bilis nya naman magtext.

“Okay. See you tom”

Hindi na ako nag reply. So nag-aral na ulit ako. Basa-basa ng konti ulit…

Then mga 11:30, humiga na ako. Shocks, himala. 11:30, nasa bed na ako. Hindi ko alam kung bakit.

***

(Kinabukasan)

Medyo matamlay akong pumasok sa school. Hindi ko nga alam kung pero ang tamlay ko talaga. Di naman ako puyat. In fact, ang aga ko ngang natulog kagabi eh. Pagpasok ko ng room, sumalubong agad sa akin sina Alex at Daph.

“Jhino, totoo ba yung nabalitaan ko? Bumalik na daw si Diane?” bungad sa akin ni Alex. Napa titig ako sa kanya. Still, napaka dull ng mukha ko.

“Daig mo pa babae kung maka sagap ka ng chismis” sabi ko sa kanya. Humagalpak naman sa tawa si Daph. Mukhang natuliro si Alex sa sinabi ko.

“Hala? Ngayon nga lang ako nagsabi sayo ng “chismis” or kung matatawag ngang chismis yun. Narinig ko lang kanina nung pumasok ako” sabi ni Alex sa akin.

“Narinig ko din yan Jhino. Mas malakas nga lang ang radar ni Alex. Certified chismoso na” sabi ni Daph saka tumawa ulit ng malakas. Nagtawanan nalang ang dalawa at nag-asaran.

“Oo andito na sya. Nagusap na nga kami eh” sabi ko, saka ako lumakad papunta sa desk ko. Biglang tumigil sa pagtawa sina Daph at Alex. Sinundan nila ako sa desk ko.

“Hoy, anong pinag-usapan niyo?” tanong sa akin ni Daph.

“Wala. Random. Medyo naiilang nga ako eh”

“Talaga? Eh di ba, parang MU kayo nun dati?” sabat naman ni Alex.

“Hindi. Never no. Ako lang ata nagkaroon ng feelings sa kanya, siya, wala. As in wala” sabi ko. Natameme ang dalawa. Halata nila sigurong ayaw kong pag-usapan si Diane. Ayaw ko naman talaga, kakaiba kasi ang nararamdaman ko.

“Any…anyway, malapit na pala ang exam, right?” sabi ni Alex sa amin. Iniiba ang topic ni loko.

“Oo…sya nga pala, kamusta yung student mo?” tanong sa akin ni Daph.

“Ayos naman sya. Kailangan ko siyang tutukan sa pag rereview this last 2 weeks…” sabi ko sa kanila.

***

After class…

“Darryl, 2 weeks nalang, ang natitira, so kung ayaw mong mangarag, kailangan mag focus tayo ngayon…okay? Can you do it?” sabi ko kay Darryl.

“Sure Master” sagot nya.

Mga ilang araw din ang lumipas at talagang tutok ako kay Darryl at sa pag rereview nya. Kailangan hindi ko hayaang bumagsak itong estudyante ko. Tinuruan ko na din siya sa ibang subjects nya like Math and History. Hanggang sa lumipas ang two weeks, at dumating ang exam day…

Lahat ng estudyante ay ngaragan. Nagtext ako kay Darryl, sabi ko Goodluck. Nagpasalamat naman siya sa akin. Habang sumasagot ng exam, para bang kinakabahan ako. Naiisip ko din kasi si Darryl. Nakakasagot kaya siya? Or what?

After ng exams, kasama ko sina Alex at Daph na i-meet si Darryl. Nagkita-kita kami sa canteen.

“Uy Darryl!” tawag ko sa kanya, nakatayo siya duon sa tapat ng pizza stall. Dahan dahan syang lumapit.

“Master Jhino…” sabi nya.

“Siya nga pala, sina Alex at Daph. Classmates ko” pakilala ko sa kanila. Nakipag kamay naman sina Alex at Daph. Halatang kabado si Darryl.

“Master, kinakabahan ako. Baka bumagsak ako sa test” sabi nya sa akin. Kinakabahan talaga siya.

“Darryl, kaya mo yan. Wag ka kabahan.” sabi ko sa kanya, pero ako mismo kinakabahan.

**

Nagdaan ang tatlong araw at lumabas na ang results ng exams.

Habang naglalakad ako sa corridor…nakita ko si Darryl, tumatakbo papunta sa akin, masayang masaya. Dala-dala ang test paper nya.

“Nakapasa ako master!” sigaw nya.

Sabay yumakap siya sa akin ng pagka higpit higpit. Nagtinginan ang mga tao sa amin. Ako naman, nagulat at tinignan ko ang nalaglag na papel ni Darry

87 over 100. Salamat sa Diyos.

**
Chapter 9

Teka lang. Darryl…ano ba? Hindi ako makahinga sayo. Ang higpit ng yakap mo sa akin. Kitang-kita ko yung mga tao samin, nakatingin lahat sila. May mga nakangiti, may mga nagulat, may mga nagbubulungan. Maski yung salamin ko, muntikan ng malaglag dahil bigla nalang nya akong niyakap.

“Da…Darryl…hindi ako makahinga” sabi ko sa kanya. Agad namang bumitiw si Darryl. Tumingin ako sa kanya. Weird, pero namumula siya. Mukhang nahihiya na ewan. Kitang kita pa naman kasi ang puti nya.

“Sorry Master. Masaya lang talaga ako. Grabe, hindi ko inaakala na makakapasa ako! Salamat talaga sayo Master Darryl. Without you, hindi ko ma-imagine na magiging ganyan ang score ko” sabi nya sa akin. Na-touch naman ako dun.

“Wala yun…” sabi ko sa kanya, tapos nginitian ko siya.

“Dalawa ang na-accomplish ko this day…nakapasa ako sa exam at…”

“At ano yun, Darryl?”

“Napangiti kita.” sabi nya. Natahimik naman ako dun, tapos ngumiti ulit.

“Ganun ba…” yun nalang ang nasabi ko.

“Mamaya, mag celebrate tayo master. Ililibre kita sa labas” sabi naman nya sa akin.

“Huh? Wag na. Masaya na ako dahil natulungan kitang maka-pasa”

“Master, sige na. Pagbigyan mo na ako. Kailangan kitang ilibre kung hindi, hindi ako matatahimik. Malaki kasi ang utang na loob ko sayo” paliwanag nya. Nakakahiya naman kung tatangi pa ako. Nagpupumilit kasi si Darryl. Ang pangit naman kung tatangi pa ako sa offer nya. Baka magtampo sya.

“Sige na nga…”

Ngumiti si Darryl. Masayang masaya ata. Ano ba yan, medyo mababaw ang kaligayahan ito ah.

“Mamaya after class ha. Kita tayo sa labas ng school” sabi nya sa akin. Pagkatapos ay nag-bell na. Ang mga nasa labas ng estudyante ay nagsi-pasukan na sa kani-kanilang classrooms.

“Sige Darryl, una na ako. Bye!” sabi ko.

***

Pagka-pasok ko sa classroom.

“Uy, ba’t saktong bell ka pumasok?” tanong sa akin ni Alex.

“Nagkita kasi kami ni Darryl kanina sa may corridor. Naka-pasa sya” balita ko naman sa kanila.

“Wow! Congrats naman sa kanya. Ikaw talaga, the best teacher!” puri naman ni Daph sa akin.

“Asus, hindi naman. Tingin ko matalino yun si Darryl. May pagka-tamad nga lang” paliwanag ko naman

***
Hindi ko alam kung bakit pero parang ang bilis ng oras namin kanina sa klase. Nag-text na sa akin si Darryl, sabi nya nasa labas na daw siya at hinahantay ako.

Pag-labas ko ng school, nakita ko si Darryl na naka-tayo sa right side ng kotse nya.

“Huy” sigaw ko. Tumingin nya sa akin at ngumiti. Pinasakay na nya ako sa loob.

Habang nagmamaneho sya, nagtanong ako.

“Saan ba tayo pupunta?”

“Mall tayo. Libot-libot tayo then kain” sabi naman. Tumango nalang ako, since siya naman ang manlilibre, I’ll just go with the flow.

Nung makarating kami sa mall, nagsimula na kaming mag lakad-lakad.

“So, Darryl. I co-continue pa ba natin ang review sessions natin?” tanong ko sa kanya.

“Pwede rin Master. Pag malapit-lapit na ang exam, saka tayo mag resume. Pero it doesn’t mean na titigil ang communication natin ha” sabi naman nya sa akin.

“Kapag may mga projects at assignments, pwede ba kitang lapitan?” pagpapatuloy nya.

“Of course. Ako ang teacher mo, di ba?” sagot ko naman.

Nung una, nagpunta kami duon sa may Timezone at naglaro kami ng kung ano-anong arcade games. Nag enjoy ako duon sa Resident Evil game. Ang sarap barilin nung mga zombies. Tapos ang galing palang mag-dance revo ni Darryl. Magaling syang sumayaw. Grabe, naka Level 16 ata sya. Nag-quit nalang sya dahil napapagod na daw siya.

Habang naglalakad kami…

“Huy, pasensya ka na. Medyo pawis na ako. Hay, na miss ko mag dance revo at sumayaw!” sabi nya sa akin.

“Ang galing galing mo pala! Sobra. Bakit ayaw mong I-pursue yang dancing career mo?” tanong ko. Parang medyo nabalisa siya na mukhang disappointed.

“Kasi…ayaw ng parents ko. Pinatigil nila ako sa pag sasayaw” sabi nya.

“Bakit naman?”

“Eh kasi, wala naman daw akong mapapala duon. Sagabal lang daw yun sa studies ko.” paliwanag nya. Seryoso ang usapan namin.

“Kasalanan ko rin siguro yun. Natigil kasi ako sa pag-aaral dahil sa sobrang kabulastugan ko.”

“Ah talaga? Tumigil ka pala?” tanong ko naman. Nagulat kasi ako eh.

“Oo. 17 years old na ako. Ang hirap nga eh” sabi nya.
“Wala namang madali eh. Lahat mahirap. Nasa tao yan kung paano siya didiskarte sa buhay” sabi ko naman. Naglalakad parin kami.

Nung malapit na kami sa may food court, bigla kaming may naka salubong na familiar ang mukha….si Diane.

“Huy! Jhino, Darryl! Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya sa amin.

“Naglalakad-lakad lang” sagot ko naman. Nagka tinginan kami ni Darryl. Si Diane naman ay todo ang ngiti sa amin.

“Kakain ba kayo? Sama na ako”

“Ah–kasi–” sabi naman ni Darryl. Pero hindi ko siya pinatapos. Alam ko ang sasabihin nya.

“Sige, sumama ka na. Dun kami kakain” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Siguro dahil sa babae si Diane at mahirap tangihan. Pero diba, medyo ilang ako sa kanya? Ay, Jhino. Hindi mo na mababawi yan! Umoo ka na, kaya panindigan mo.

***

Naka upo na kami. Magkatabi kami ni Darryl, tapos nasa unahan namin si Diane. Kumakain na kami, pero si Darryl, kanina pa tahimik.

“Gaano katagal na kayong magkakilala nitong si Darryl?” tanong naman sa akin ni Diane.

“Mga 4 weeks palang…” sagot ko naman.

“Huy, mamaya Jhino pwede mo ba akong samahan? Bibili kasi ako ng bag. Sama mo na din yang si Darryl…”

Naku naman Diane. Wrong timing ka. Pero mukhang okay naman kay Darryl eh. Ang tahimik nya. After kumain ay nagpunta kami sa bilihan ng bag.

“Jhino, anong mas maganda, itong red or itong black?” sabi nya, habang pinapakita niya sa akin yung dalawang bag. Habang namimili kami, gumagaan ulit ang loob ko sa kanya. Mahilig talaga sa bag itong si Diane, so it’s like the old times na kasama nya akong namimili ng bag nya. Tawa kami ng tawa dahil hindi makapamili ng bag.

Ang pinili nya eh yung itim na shoulder bag. Binayaran na nya at nagpasalamat sa akin.

“Hay Jhino, I can’t buy a bag talaga without you” sabi nya.

“Okay lang yun Diane”

“Sige, Jhino, Darryl, aalis na ako. Salamat ha. Bye” sabi nya sa akin. Umalis na siya.

Si Darryl, kanina pa talaga tahimik. Kanina pang namimili kami ng bag ni Diane, tahimik siya.

“Uy tara, alis na tayo” sabi nya sa akin. Seryoso ang mukha nya. Ako naman, sumunod nalang. 6:30 pm na din kasi. Ano kayang problema nya?

Sa loob ng kotse…

“Uy, may problema ba?” tanong ko. Ang tahimik parin kasi nya eh. Patuloy lang sya sa pag mamaneho at seryoso padin ang mukha. Hindi siya umimik. Kaya napayuko nalang ako.

Maya-maya…

“Ikaw naman kasi. Sabi ko, ililibre kita. Sabi ko, mag-bonding tayo. Eh bakit sinali mo pa si Diane? No offense to her” sabi nya.

“Ah…pasensya na, kasi yung tao eh, saka babae yun”

“Matuto kang tumangi minsan. Di naman lahat, laging oo eh diba. Para kasing wala ka nang ibang kasama kanina” sabi ya sa akin. Seryoso pa rin sya. Ano ba ‘to? Na gu-guilty ako. Totoo naman, na overlook ko ata si Darryl nun habang namimili kami ng bag ni Diane.

“Sorry na, Darryl…” sabi ko.

“Okay lang yun…may pupuntahan tayo”

Nagulat ako.

“Saan nanaman? Gabi na ah” sagot ko naman.

“Kahit saan. Basta tayong dalawa lang”

***
Chapter 10

Saan naman ako dadalhin ni Darryl? At gusto pa nya, kaming dalawa lang? Parang ang awkward naman ata ng feeling nun. Nanahimik lang ako sa kotse, nakatingin sa daan, nag-iisip. Si Darryl din, tahimik lang na nagda-drive. Hindi mahilig magpatug-tog si Darryl ng kanta sa kotse nya, kaya bukod sa ingay ng sasakyan sa labas, wala ng ibang maririnig sa loob. Kung nasa loob ka siguro ng kotse, feeling mo mag isa ka lang kasi hindi talaga kami nagsasalita.

Maya-maya ay huminto na pala ang kotse. Narinig ko na inangat ni Darryl yung break, at nakita ko na sa isang park kami tumigil. Walang masyadong tao, pero ang daming ilaw nung park.

“Anong lugar ‘to?” tanong ko sa kanya.

“St. Louis park. Madalas kami dito ng pamilya ko dati” sabi nya, saka bumaba ng sasakyan. Nagulat nanaman ako nung siya pa ang nagbukas ng pintuan para sa akin.

“Ano ba yan Darryl. Ginagawa mo naman akong babae” sabi ko, medyo nakakunot pa nga ang noo ko.

“Master, I’m your servant kaya dapat ko lang gawin ito” sabi nya, nakangiti nanaman siya. Hindi nalang ako umimik.

“Tara duon tayo Jhino” sabi nya. Tinuturo nya yung isang fountain duon na pwedeng umupo sa may gilid.

Naglakad kami papunta duon. Para nga akong batang sunod lang ng sunod sa kanya eh. Pero ngayon, mukhang masaya na ulit si Darryl. Umupo kami, nasa right side siya, ako nasa left.

“Gaya nga ng sinabi ko, madalas kami dati dito. Pero ngayon, hindi na. Simula nuong pumunta na si Ate at si daddy sa Greece, nawala na ang lahat.” sabi nya naman. Hindi naman siya mukhang malungkot, napaka natural lang.

“Alam mo Darryl, namimiss kong magpunta sa mga park” sabi ko sa kanya. Meydo malakas ang hangin, hinahangin tuloy ang buhok ko. Medyo mahaba na kasi, kailangan ko ng magpagupit. Lalo naman si Darryl. May kahabaan kasi ang buhok nya.

“Talaga, Jhino? Bakit naman” tanong niya sa akin.

“Eh kasi, madalang na akong lumabas ng bahay. Since Grade 5, halos lagi akong nakakulong sa kwarto at nag-aaral”

“Talaga? Grabe, siguro na bore ka. Ba’t ba lagi kang nag-aaral na lang?” sagot nya. Humarap siya sa akin at halatang nakikinig sya ng mabuti.

“I want to be perfect someday” sagot ko naman. Alam kong medyo conceited, pero yun naman talaga. I’m just being honest. Pero…natawa sa akin si Darryl.

“Master, sorry pero mukhang malabo yan. Never kang magiging perfect” sabi nya. Humarap ako sa kanya.

“Paano mo naman nasabi yan?”

“Haay, master. Kahit ano pang libro ang basahin mo, kahit ano pang research at aral yan, may flaws ka pa rin, so hindi parin perfect yun” sagot naman nya.

“Alam mo ba kung bakit gusto kong maging perfect?” sabi ko sa kanya. Seryoso ako nung mga panahon na yun. Tumingin lang siya sa akin, at nakikinig.

“Nung Grade 4 ako, may kapatid akong babae. Bunso siya. Si Althea, 5 years old. I love her so much. As in gagawin ko ang lahat para sa kanya. Then isang gabi, nilalagnat siya. Sobrang taas. Sinugot namin siya sa ospital nuon, tapos nalaman namin na na-Dengue pala ang kapatid ko. Ilang linggo siya sa ospital nuon. After school, I’ll make sure na lagi akong nakakadalaw sa kanya. Every saturdays and sundays, ako nagbabantay sa kanya. Tapos, nung 2nd week nya sa ospital, Friday nuon, she said something to me…

“kuya, I love you so much. Salamat sa pag-aalaga mo sa akin…”

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Umiiyak ako. Nakatingin lang si Darryl sa akin at nakikinig ng mabuti.
“Tapos kinabukasan, at 6:49 PM, my sister passed away…” ayun, humagulgol na ako ng tuluyan. Hinimas-himas ako sa likod ni Darryl.

“Hindi ako umiyak, hindi ako nagpakita ng kahit anong sign ng grieve. Pero mahal na mahal ko talaga ang kapatid ko. Kaya siguro…kaya siguro hindi ko din nasabi kay Diane nuon ang feelings ko sa kanya kasi natatakot akong someday, iwan din nya ako. Ayaw ko ng maramdaman yung sakit na yun Darryl. Ayoko na” sabi ko, habang umiiyak pa din. Tahimik pa din si Darryl, nakikinig. Halata sa mukha nya ang lungkot.

“Sabi ko sa sarili ko nuon, mag-aaral akong mabuti. Para makahanap ako ng gamot para sa kamatayan. Para ma-prevent ko na yung death, para wala ng ibang tao na makakaramdam ng sakit na naramdaman ko nuon” sabi ko, talagang nauutal na ako sa sobrang pag-iyak.

“Sige lang Jhino, ilabas mo lang yan. Mabuti na rin yan. Ilang taon mo din itinago yan, kaya ngayon, iiyak mo. Pero ito lang…ang death, part yan ng cycle ng buhay. Lahat ng tao mamamatay, nauna lang si Althea. Wag mong isarado ang puso mo para sa pagmamahal, kasi malay mo, may mga taong gustong pumasok sa puso mo, pero dahil sarado nga at hindi mo binubuksan, nababalewala.” sabi naman sa akin ni Jhino. Umiiyak talaga ako.

Sinandal ako ni Darryl sa balikat nya. Duon ako umiyak pa ng umiyak. Nakaakbay parin sa akin si Darryl habang umiiyak ako. Tahimik lang siya, nakikinig sa bawat pag-iyak ko.

Hindi ko namalayan ang oras. Tumigil na ako sa pag-iyak, pero nakasandal parin ako kay Darryl. Tapos sabi nya…

“Gabi na. Ihahatid na kita sa inyo”

Tumayo na kami, at ako naman ay nagpahid na ng natitirang luha sa may mata ko. Tapos sumakay na kami sa kotse.

Mga quarter to 9 na ako nakarating sa bahay. Binati ako ni mama at papa.

“Oh, Jhino. Bakit ngayon ka lang?” tanong sa akin ni papa.

“Uhm…lumabas lang po ako kasama si Darryl…” sabi ko.

“Sino si Darryl?” tanong ni mama.

“Kaibigan ko po. Next time po, baka ipakilala ko po siya” sabi ko naman.

“Tinatawagan ka kasi kanina namin ng papa mo, hindi mo naman sinasagot”

Tinignan ko ang cellphone ko na nasa bag ko. Tama nga. 14 missed calls.

“Sorry ma, pa. Kasi naiwan ko sa kotse nya yung bag ko, kaya ayun, di ko napansin”

Pero ang totoo, nanduon ang bag ko. Hindi ko lang binubuksan kasi nga umiyak ako ng umiyak. Hindi ko nalang kinuwento kina mama at papa ang nangyari. Baka kasi malungkot sila. Nakapag move na kasi sila kay Althea. Ayaw ko nang pati sila madamay sa ka emohan ko. Tinanong ako nila mama kung kakain pa ako. Sabi ko, hindi na. So, umakyat na ako.

***

3 days later…

“Jhino, sa Saturday, nag-aaya si Diane sa bahay nila. Pizza bonding daw tayo. Ka-chat ko kasi siya kagabi sa YM” sabi sa akin ni Daph. Seryoso talaga si Diane na re-build ang friendship namin.

“Aba Daph, kailan ka pa natutong mag YM? Siguro naghahanap ka ng foreigner sa chatrooms no?” biro naman ni Alex. Nagtawanan kaming dalawa.

“Magitigil ka! Anyway, Jhino, kamusta naman si Darryl?” tanong ni Diane. Napatigil ako sa pagtawa nuon. Pati si Alex.

“Okay lang sya. Bakit mo naman natanong?” sagot ko naman.

“Ay, type mo si Darryl Alfonso? Ano ba yan, Daphne!” sabi naman ni Alex.

“Hindi no! Kasi napapansin ko, si Jhino, ang ating kaibigan here…” sabi ni Daphne, tapos naglakad siya at umupo sa table ng desk ko. Tapos umakbay sa akin.

“…ay lagi kong nakikitang ka-bonding itong si Darryl Alfonso. Hmmm, I smell FISHY” sabi ni Daph, tapos tumawa sya ng malakas.

“Daph, iba na yan ha. Kaibigan ko lang talaga sya no.” sabi ko naman, medyo napikon ako, pero okay lang.

“Hmmm, wala akong sinasabi ha. Defensive much?” sabi naman ni Daphne.

“Baliw ka na talaga Daph. Maghanap ka nga ng boyfriend mo, at dun ka sa kanya kiligin!” sabi ko naman, tumawa lang kami ni Alex.

***

Uwian…

Nagtext sa akin si Darryl. Sabi nya, magkita daw kami duon sa palce kung saan kami nag-aaral. Maya-maya, nakita ko si Darryl. Medyo mabagal maglakad, at pipikit-pikit.

“Oy, ano nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya.

“Alam mo ba, master, wala akong tulog. 4:30 AM na ako humiga sa kama eh” sabi nya. Ang lalim nga ng mata nya, may konting eyebags at hikab ng hikab.

“Eh, ba’t di ka pa umuwi? Ba’t gusto mo pang makipag kita?” tanong ko. May inabot siya sa akin dalawag papel. Essay.

“Ipapacheck ko kasi ang essay kong ‘to eh. Paki tignan ang grammar, para bago ko I-type, ayos na” sabi niya sa akin.

“Eh bakit ayaw mong i-grammar check nalang?” tanong ko.

“Ayaw kong computer ang mag correct sa akin…” sabi nya. Nakadukmo na siya sa mesa. Hindi na ako nagsalita, binasa ko nalang ang essay nya.

Maya-maya…

“Jhino…” tinatawag ako ni Darryl, nakadukmo parin sya.

“Ano?” sagot ko. Di siya sumagot. Maya-maya…

“Jhino…”

“Ano?” wala paring sagot. Tuloy sa pagbasa. Maya-maya…

“Jhino…”

“Darryl, bakit?” tanong ko sa kanya. Nakadukmo parin siya. Yung boses nya, parang kakagising lang na pinipilit magsalita.

“Wala lang…gusto ko lang sabihin ang pangalan mo…” sabi nya sa akin. Natulala ako sa kanya.

“Jhino…Jhino…Jhino…” at natahimik na siya. Nakatulog na.

***
Chapter 11

Natapos ko na ang essay ni Darryl. Maayos naman, pero may kulang pa. Ang essay nya eh tungkol sa present Philippine condition. Ang sabi nya, ang bansa daw natin ay papaunlad na, pero may pumipigil daw. Di nya sinabi. Ayun, parang hindi nya sinabi kung ano or sino ang pumipigil na yun. Parang may hole tuloy. Pero ang pinagtataka ko lang, natapos ko na at lahat ang essay nya (medyo nag-bleed na nga dahil naglagay ako ng corrections), eh hindi parin gumigising si Darryl. Naghintay ako. Pati ako tuloy, inaantok na. After 10 minutes, nagising na din si Darryl. Sa wakas.

“Good morning!” sabi ko sa kanya, pero seryoso ang mukha ko.

“Uy, master…” sabi nya. Para syang naalimpungatan, tapos mapulapula ang mata nya, at pati pisngi nya. Typical look ng isang bagong gising.

“Nakatulog ka na ng tuluyan dyan” sagot ko naman.

“Sorry na Master. Tapos mo na ba?”” tanong nya. Tapos inabot ko sa kanya yung papel.

“Para namang dinugo ito, pero salamat na din” sabi nya sa akin. Panay pa nga ang punas nya sa kanyang mata.

“Sige, umuwi ka na at matulog” sabi ko, tapos tumayo na ako at sinaklay ang bag ko sa likod ko.

“Okay master. Commute lang ako ngayon, di ako nagdala ng car. Kasi inaantok talaga ako” sabi nya sa akin. Tapos tumayo na din siya at nagsimula ng maglakad. Maya-maya, lumingon siya sa akin at ngumiti. Tapos nag wave na siya at umalis. Maya-maya, nag text sa akin si Daphne. Pumunta daw ako duon sa may coffee shop, kasama daw nya si Alex. May sasabihin daw sya.

At nagpunta nga ako duon. Nakita ko si Alex at Daph, nanduon sila sa table sa labas, malapit duon sa may entrance.

“Oh, bakit?” tanong ko sa kanila, tapos umupo na ako duon sa upuan na katabi ni Daph.

“Alex, Jhino…” panimula sa amin ni Daph.

“Naranasan niyo na bang masaktan sa pag-ibig?” tanong sa amin ni Daph. Bigla kaming tumawa ni Alex.

“Ako? Syempre, way back in my emo days. Alam mo yun di ba?” sagot ko naman, pero tumatawa pa din.

“Asus, yun lang ba sasabihin mo Daph? Well, hindi pa ako nakakaranas nyan!” sabi ni Alex saka biglang tumawa ng malakas.

“Akala ko pa naman, manlilibre ka” biro ko naman. Tapos nagpalitan pa kami ng biruan ni Alex, tapos tawa kami ng tawa. Tapos biglang nag nagbago ang mukha ni Daph. Parang…iyak?!

“Ako oo…” sabi nya, parang pinipigilan nya ang luha nya. Natahimik kami ni Alex.

“Clyde…Clyde, yung 4th year…Clyde left me!” sabi nya, at tuluyan na nga syang umatungal sa iyak. Natulala lang kami ni Alex sa kanya. Nang mag sink-in na sa akin ang mga pangyayari, nagsimula ko nang himasin ang likod ni Daph.

“Tahan na Daph…teka, sino ba yang si Clyde?” tanong ko sa kanya.

“Si Clyde Manuel ba? Yung 4th year? May relasyon talaga kayo nun?” tanong naman ni Alex. Tapos, medyo huminto na si Daph sa pag iyak. Umayos kami ni Alex ng upo para makinig kay Daph.

“Kasi diba, Alex, nabangit mo na nag wa-YM na ako madalas. Dahil kasi kay Clyde yun…” sabi nya, tapos medyo umiyak siya. Pero nagpatuloy padin.

“Hindi ko pa nasasabi sa inyo ito, pero nanliligaw siya sa akin. Mga 3 weeks na ata. Palagi kaming magka-chat at magka text nun. Tapos minsan, sinasabi ko sa inyo na uuwi na ako pero nagkikita kami. Tapos…tapos…” umiyak ulit siya.

“Tapos…??” tanong ni Alex.

“Tapos kanina, nagkasalubong kami palabas ng gate. Nag hi ako sa kanya…tapos may kasama syang…babae!” sabi ni Daph, tapos umatungal nanaman sya.

“Ha? Talaga?” sabi ko kay Daph.

“Oo…nasaktan ako…kasi sabi nung babae…”Babe, sino yan?” tapos tinuro ako. Tapos sabi nya, “I don’t know her”. Ang kapal ng mukha!!!” sabi nya, tapos umiyak nanaman sya.

“Calm down, Daph” sabi ko kay Daph. Tapos, bigla siyang tumigil sa pag-iyak.

“Ang kapal nya. Akala nya, siya lang ang guy na manliligaw sa akin. Hindi no. Bahala sya sa buhay nya!” sabi nya sa amin.

“Bitterness is in the air…” sabi ni Alex, tapos tinuturo nya ang side ni Daph. Natawa ako, tapos si Daph tumingin kay Alex.

“Hindi ako bitter! Naiinis lang ako sa ka-ta-nga-han ko!” sabi ni Daph ulit.

“Okay lang yan Daph. Marami namang kaming lalaki dito sa mundo. Hindi lang si Clyde no. I’m sure marami pa diyan…” sabi ko naman.

“Marami pang magpapaiyak sayo” banat naman ni Alex.

“Hoy Alex tumigil ka nga! Kailangan ni Daph ang support natin” sagot ko kay Alex. Nagtatawanan na kami.

“Guys, alam niyo, kayo nalang ang mga boyfriends ko ha. Pero platonic lang. Kayo nalang ang date ko sa prom…” sabi nya sa amin.

“Sa Prom? Baka hindi ako pumunta…” sabi ko. Nagulat silang dalawa?

“Wait…what? Hoy, may mga nagkaka-crush sayo, kaya dapat pumunta ka” sabi ni Alex sa akin.

“Hindi ko alam…hindi ko kasi feel” sabi ko.

“Pag-isipan mo nga yan, Jhino. Malayo pa naman ang prom. Marami pang pwedeng mag-bago” sabi naman ni Daph sa akin.

Habang nasa byahe, natawa lang ako. Nagpunta ako duon para kay Daph, at nagtapos ang usapan tungkol sa akin. Ano bang mayroon sa akin? Isa akong ordinaryong estudyante. Hindi ganun kaputi, may salamin, medyo mapayat, 5’7 ang height, may pagka singkit ang mga mata, mahilig mag-aral, malinis sa katawan at perfectionist. May kakaiba ba? Well, para sa akin wala. Ewan ko lang sa iba.

Pagkadating ko ng bahay, mga 5:19 na ata ng Hapon yun. Nag computer ako. At nag browse ng kung ano-ano sa internet. Tapos binuksan ko ang Facebook ko. In-add na pala ako ni Darryl, so kinonfirm ko naman. Then after a few minutes, I got bored, so I turned off the PC nalang.

Humiga ako sa sofa at tumingin sa bubong namin. Para akong na hypnotize sa umiikot na electric fan at medyo pumikit-pikit ako.

Nakatulog ako…7:15 na ng magising ako. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Wala pa pala sina mama. Unusual yun kasi mga 6:30 nasa bahay na sila. Tinignan ko ang cellphone ko at tumatawag pala si Darryl.

“Hello?”

“Jhino, Darryl to”

“Oo nga. Sabi nga din ng cellphone ko”

“Nakauwi ka na ba?”

“Oo. Kanina pa. Bakit?”

“Wala lang. Bye *TOOOT*” binaba na nya kaagad. Weird? Napakunot ako dahil biglang out of the blue, tatawag siya, tapos bigla rin nyang iba-baba? Weird talaga.

Mga 7:30, dumating na sila Mama at Papa. May dala silang pizza at chicken. May party pala sa opisina nila Mama at sinama nya si Papa. Sayang, dapat sinama nila ako. So, kumain na kami nila mama at papa.

“Jhino, narinig ko bumalik na daw si Diane dito” tanong sa akin ni Mama.

“Opo ma. Mga June pa ata” sabi ko.

“Oh, eh bakit hindi mo sinasabi sa amin?”

“Eh hindi naman po siya bumalik sa school. Home study po ata siya”

“Naku, yung batang iyon, napakabait. Ano bang nangyari at nagpunta ng America yun?” tanong naman ni papa.

“Pumunta po ata sya duon dahil sa kuya nya na namatay…” sabi ko. Nalungkot ang mukha nila mama at papa.

“Kawawang bata. Kamusta naman siya?” tanong ulit ni papa.

“Okay lang po…” sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Haay, buti nalang at hindi na sila nagtanong ulit.

Pagka higa ko, mga 10:00 pm, hindi ako makatulog. Ginawa ko na ang homework ko, nagreview na ako at lahat, hindi pa din. Ewan ko kung anong rason pero sobrang mulat talaga ang mata ko. Siguro marami din akong iniisip…

Kagaya ni Diane…at ang get together namin sa kanila sa sabado with Daph and Alex..

Ang mga ipapasang requirements…

Si Daph…okay na kaya siya ngayon?

Si Alex…naku, gumawa ba ng homework namin yun?

Si Darryl…ano kaya ang ginagawa nya ngayon?

Then mga 4:51 am…nakatulog na ako….

***

Tumunog ang alarm clock ko. Pinatay ko. Tulog ulit. After 5 minutes, tunog. Patay ulit. After 5 minutes, tinignan ko.

9:45 am. Shoot. Late na ako.

Chapter 12

Pero teka…ano ito? Bakit parang ang sakit ng mga kasu-kasuan ko. Tumayo ako. Ugh, nahihilo ako! Lumabo nanaman kaya ang mata ko? I don’t think so dahil parang ganun pa din naman ang paningin ko kung walang salamin. At pag dampi ko ng palad ko sa leeg ko…

Gosh, ang init ko.

Bumaba ako ng dahan-dahan. Nahihilo talaga ako. Nakita ako ni mama.

“Jhino? Anong nangyari sayo?” tanong ni mama. Hindi na ako nagsalita. Lumapit nalang ako sa kanya at dinampi nya ang kamay nya sa leeg ko.

“Ang taas ng lagnat mo ha!”

“Oo ma. Kaya pala hindi ako magising-gising” sabi ko kay mama. Umupo na ako at kumain ng kaunti, para maka inom ako kaagad ng gamot. Inasikaso muna ako ni mama, bago siya pumasok sa office nya. Mga 10:30, umalis na si mama. Ako naman, ay nahiga nalang sa kama ko. Tinignan ko ang cellphone ko. Ang daming messages nila Daph at Alex. “Asan ka? Late ka na” sabi ni Alex. “Jhino! Bakit ka absent?” sabi ni Daph, at madami pang iba. Nagtext ako sa kanila, at pati sa iba ko pang classmates.

“Classmates, I can’t come to school today. May sakit ako, I got 38.5 fever. Don’t worry, it’s not fatal so baka bukas makikita niyo na ako sa school . Pakisabi nalang sa mga teachers natin na bukas ko nalang ipapasa ang mga homeworks ko.Thanks!”

Sent.

Tinabi ko na ang cellphone ko at pumikit. Haay, ang hirap talaga ng may sakit. Hindi ka makakilos ng maayos, at higit sa lahat, hindi ka makapag-aral. Haay, ang hirap talaga. After a few minutes, nag vibrate ang cellphone ko. Nagtext si Darryl.

“may sakit ka, master?”

Nagtaka ako. Ayun, naalala ko din. Kasama pala sa groups ko si Darryl, kaya naka receive sya ng GM ko. Nag reply naman ako.

“oo. haay..”

sent.

Maya-maya..

“pagaling ka master” sagot naman nya. Hindi na ako nag reply. Hindi sa ayaw ko syang kausapin, but because hindi ko talaga kaya. Gusto kong humiga at pumikit.

Habang nakahiga, ang dami nanamang pumapasok sa isip ko. Habang nakapikit, ang daming images ang nagre-register sa isip ko. Random things, kung baga.

Kagaya nung one day, ako at si Daph ay napagtripan na itago ang bag ni Alex nung 1st year kami. Halos maiyak si Alex sa kakahanap nung bag nya. Natatawa talaga ako.

Isa pa eh yung memories namin ni Althea. Naglalaro kami dito sa bahay. Masayang masaya. I miss her so much. Siguro binabantayan nya ang big brother nya ngayon, kaya naaalala ko siya.

At si Darryl…ang aking bagong kaibigan. Naalala ko yung una kaming nagkita, at kung pano ako nainis at naweirdohan sa kanya.

Medyo patulog na ako ng biglang kumatok yung katulong namin at pumasok sa kwarto ko.

“Jhino, may naghahanap sayo” sabi ni manang. Ako naman, dahan dahan na minulat ang mata ko at lumingon kay manang sa bandang right.

“Sino po?”

“Classmate mo daw. Paakyatin ko ba?” sabi naman ni Manang. Hala, sino naman yon? Mga past 11:30 palang at di pa tapos ang klase, pero bakit may classmate ako dito?

Naramdaman kong umakyat na ang “classmate” ko. Tapos binuksan nya ang pinto.

“Master…?” sagot ni “classmate”. Anong classmate? Hindi ko classmate si Darryl.

“Darryl?” sabi ko. Bigla pa nga akong napatayo sa gulat eh. Anong ginagawa nya dito? Anduon lang sya, saklay ang bag nya, naka winter bonnet na black and white stripes at ang kanyang trademark: ang uniform namin na polo, tapos yung mangas eh nakafold ng twice. Tapos, ginawa nyang baton ang pants nya.

“Huy, what brings you here? Hindi…hindi pa tapos ang klase mo diba?” sabi ko sa kanya. Parang wala akong sakit kung pagsabihan ko siya.

“Eh..sabi mo may sakit ka eh” sabi nya, parang inosenteng bata. Napakunot ang ulo ko.

“Anong…eh hindi pa nga tapos ang class mo tapos pupunta ka dito? What the…” sabi ko, kaso di natuloy kasi sumakit talaga yung ulo.

“Oh, master, wag ka na kasi magalit…concern lang naman ako eh” sabi ni Darryl. Tapos, lumapit sya at umupo sa gilid ng kama ko. Ako naman, humiga na at tumalikod sa kanya.

“You should prioritize your studies first.” sabi ko. In a very serious tone.

“Nandito na ako, kaya wala ka ng magagawa” sabi naman nya sa akin.

“At kasalanan ko pa? Ako ang tutor mo, and I don’t tolerate cutting classes. Atsaka, ayaw kong may bumibisita sa akin kapag may sakit ako”

“Bakit naman?” tanong nya sa akin. Then, humarap ako sa kanya.

“Because I don’t want people to see me as a weak person”

Namulagat naman ang mata ni Darryl.

“Ay, hindi ako agree dyan master. Lahat tayo, may kahinaan. Kahit pa itago mo yan, makikita’t makikita yan” katuwiran nya.

“Well, alam ko naman yun. Pero ayaw kong makita nila akong ganito, ayaw ko ng kinakaawan ako…basta, I have my own reasons and I don’t want to share it anyway.” sabi ko sa kanya. Natulala nanaman sa akin si Darryl. Tapos, ngumiti nalang siya sa akin. Maya-maya, pumasok na si manang.

“Jhino, uminom ka na ng gamot” sabi ni manang, tapos nilapag nya yung gamot duon sa mini-table sa tabi ng kama ko. Tapos nun, lumabas na si manang.

“Uy, Jhino. Uminom ka na daw ng gamot” sabi ni Darryl sa akin.

“Mamaya na. Salamat sa pagdalaw Darryl. Sige na, kasi magpapahinga pa ako” sabi ko naman. Tumayo na si Darryl sa pagkakaupo nya sa kama ko. Seryoso ang mukha nya.

“Sige, master…” sabi nya. Tapos, tahimik siyang lumabas ng kwarto. Feeling ko, lalo akong nilagnat. Ayaw ko kasi talagang may dumadalaw sa akin pag may sakit. Feeling ko, ang hina-hina ko. Pero, I feel bad for Darryl. Parang nag effort syang pumasok ng school para dumalaw, tapos napagsalitaan ko pa siya ng ganun. Hindi rin naman kasi nya alam.

Maghapon akong nakahiga at natulog. Mga bandang 8:00, bumangon na ako. Bumababa na din ang lagnat ko. Salamat naman sa Diyos. Pagkababa ko, andyan na pala si mama. Si papa, mamaya pa daw uuwi.

“Magaling ka na?” tanong sa akin ni mama.

“Opo ma” sabi ko.

“Haay, salamat naman. Jhino, may dumalaw pala sayong classmate mo?” sabi ni mama. Ako naman, umupo muna ako sa sofa.

“Opo ma. Si Darryl. Hindi ko siya classmate, schoolmate ko lang. Student ko siya, tutor nya ako” sabi ko naman.

“Ah, siya pala si Darryl. Bakit hindi mo man lang pinaakyat? Inaya ko nga sanang kumain kasi ayan nga’t nakaluto na si manang. Kaya lang sabi nya uuwi na daw siya at dumalaw lang. Hayun nga’t kakalabas lang eh. Sa kanya pala yung kotse duon sa may tapat” sabi ni mama sa akin. Nagulat ako sa mga sinabi ni mama. Higit pa akong nagulat sa ginawa ni Darryl.
“Eh…eh…ma, kanina pa siya dito eh…” sabi ko. Gulat talaga ako.

“Opo ate, kanina pa po iyong batang yon. Tinatanong ko nga kung bakit di pa siya umuuwi, sabi nya, tutulungan daw nya ako dito sa gawaing bahay kasi daw ay may sakit nga itong si Jhino. Ang bait ng batang iyon, ate” sabi rin ni manang. Lalo pa akong nagulat.

“Aba Jhino. Ipakilala mo naman siya sa amin. Ang bait naman ng kaibigan mo. Oh siya, maghugas ka na ng kamay at kakain na tayo”

Andun ako, nakaupo sa sofa. Ang mga mata ko ay mulagat, nakasalubong ang kilay ko, at nagiisip ako. Bakit ganun si Darryl sa akin. Pero…

Na-touch ako sa ginawa nya.

 

Chapter 13

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para humiga muli. Kailangan kong magpahinga para makapasok ako sa school bukas. Naisip ko ulit yung ginawa ni Darryl kanina. Nahihiya ako sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya.

“darryl, thank you ha”

Sent. Nilagay ko yung cellphone ko duon sa tabi ng unan ko. Tapos nag reply. Si Darryl nga.

“”

Yun lang. Tapos, maya-maya, pumasok sa kwarto ko si daddy. Kinamusta nya ako.

“Jhino, kamusta?” sabi ni dad. Nasa may pinto siya, naka tayo. Bumangon ako sa kama ko.

“Ayos lang po. I’m fine na” sabi ko.

“Naku, ayos ka talaga. Ang bilis mong gumaling!” tapos, natawa si daddy.

“Nagtext si Ate Hannah mo. Nag-aalala sayo. Muntik nang lumipad mula sa dorm nya” sabi nya ulit. Tumawa na naman ako. Thanks, Dad.

“Wag ka kasing masyadong nagpapagod sa pag-aaral. Alalahanin mo naman ang sarili mo”

“Thanks dad. Don’t worry, hindi na po ako magpapagod next time” sabi ko. Tapos ngumiti si daddy, tapos lumabas na ng kwarto ko.

***

Kinabukasan, maaga pa akong dumating ng school. Pumasok na ako sa classroom. Tapos, nagbasa ako. Nakita ko si Sir Domingo, yung prof ko sa Physics. Pinasa ko na yung assignment ko. Kinamusta nya ako, at kung magaling na daw ba ako. Sabi ko, oo.

Maya-maya, narinig ko na ang boses ni Daphne. Kasabay nya si Monina, yung isa naming classmate. Pagpasok nya sa loob, sumigaw ba naman nang pagkalakas lakas na “JHINOOOOOOOO” tapos yumakap sa akin.

“Grabe, magaling ka na?” tanong nya sa akin. Mukha syang excited talaga.

“Obvious ba? Kaya nga andito na ako eh” sabi ko naman. Saka tumawa kami ni Daphne.

“Pero medyo wala pa akong lakas eh…pero kailangang pumasok. Uminom naman ako ng gamot” sabi ko ulit. Tumawa nalang si Diane.

“Ikaw pa, eh ang bilis-bilis mong gumaling sa sakit eh. Hindi ka rin naman namin nadalaw kahapon ni Alex dahil alam kong off-limits kami sa bahay mo kapag may sakit ka!” sabi ni Daphne. Ang bunganga nanaman nito. Tumawa nalang ako. Tapos…

“Pero alam mo, may dumalaw sa akin kahapon” sabi ko. Tumigil sa pagtawa si Daph at nanlaki ang mata.

“Tama ba ang nadinig ko? May dumalaw sayo? Eh sino?” tanong nya. Ang dami nyang tanong!

“Si…Si…”

“Sino?” pangungulit sa akin ni Daph.

“Si Darryl…” sabi ko, in a very low tone. Nag chuckle si Daphne sa akin. Ako naman, mukhang clueless.

“Okay, Darryl ha…i-memeet mo ba sya mamayang break? Bonding tayong apat!” sabi ni Daphne.

“Ah..uhm…”

“Hoy, wag kang tatangi ha. Hindi mo kami pinadalaw ha. Atsaka, gusto kong makilala yang si Darryl. Para maging ka-berks din namin siya” sabi ni Daph tapos tumawa ulit sya ng tumawa. May pagka lukaret talaga siya, ano? Anyway, sige na nga. Para magkaroon naman ng bagong kaibigan si Darryl. And besides, masayang kasama sina Alex at Daph, kaya sure akong mag eenjoy siyang kasama sila.

***

Kanina before mag start ang klase, tinext ko si Darryl. Sabi ko, bonding kami with Alex and Daph. Agad naman syang pumayag. Wow, hindi talaga KJ si Darryl. Well, malakas naman kasi ang personality nya. Antithesis ko nga siya eh; siya sobrang lakas ng personality at makapal ang mukha, ako naman anti-social at tahimik lagi. Madal-dal lang ako kapag kasama ko sina Daph at Alex.

So hinintay nya kami duon sa tapat ng canteen. Ako muna ang lumapit sa kanya.

“Darryl!” tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumiti.

“Master! Magaling ka na. Yehey!” sabi ni Darryl sa akin. Nangiti na rin ako.

“Hoy, dapat di mo na ginawa yung kahapon…” sabi ko.

“Anong ginawa?” sabi nya, tapos nakangiti sya.

“Asus. Don’t play dumb. Alam kong tinulungan mo si manang kahapon” sabi ko naman. Tapos, ngumiti lang sya.

“Sya nga pala…” sabi ko, tapos tinawag ko na sina Daph at Alex. Lumapit sila sa amin. Suot nanaman ni Alex ang paborito nyang red cap na palagi nyang suot tuwing Friday. Emo parin ang style ng buhok kahit na 2009 na. Ano ba yan.

“Hi, Darryl” sabi ni Daphne.

“Dude, tara, bonding muna tayong lahat” sabi naman ni Alex.

“Wag kang mahihiya sa amin. Matagal na kasi kaming walang ganun” sabi ulit ni Daph. Nagtawanan kaming lahat.

“Parang nung isang araw lang, umiiyak ka Daph ha” sabi ko naman.

“Of course, I need to move on. Damn! Boys are whatever” sabi ni Daph tapos umiirap irap pa. Natatawa talaga ako sa kanya.

“Alex, Daph, sige tara bonding tayo. Gusto ko ding makilala ang ibang friends nitong si Master Jhino. Ang swerte nyo meron kayong kaibigan katulad nya” sabi ni Darryl habang naka-akbay sa akin.

“Ay nako, swerte nyan ni Jhino at nadikit sa akin yan nung 1st year kami. Nahawa lang sa katalinuhan ko yan” banat ni Alex.

“Tama na yan! Tara na, kain na tayo” sabi ko naman, tapos pumasok na kami ng canteen.

***

Bumili kami ng madaming pagkain: Pizza, caesar salad (malamang sa akin ito), Burger, turon, at maraming Fit N’ Right. Take out lang kami kasi duon kami sa tambayan kumain. Magkatabi kami ni Alex, kaharap namin si Darryl na magisa lang. Tapos si Daph nakaupo sa ride side.

“Pagpasensyahan mo na Darryl ha. Ganito kami ni Alex kumain. Si Jhino lang ang puro salad at salad ang kinakain!” sabi naman ni Daph, habang kumakain (or lumalamon) ng pizza.

“Huy! Kumakain din ako ng pizza no” sabi ko naman.

“Oo. Isang piraso naman…anyway, Darryl, since potato chips lang ang kinakain mo dyan, I-interrogate ka namin” sabi ni Daph, tapos nag agree naman si Alex. Oh-oh, parang di ko masyadong gusto ito ha. Walang preno pa naman kung magtanong itong si Daphne at Alex. Si Alex ang unang nagtanong.

“Ilang pack ng yosi ang nauubos mo isang araw?”

“Uhm…dati 1 and a half a day…pero nag quit na ako ngayon.” sabi ni Darryl, tapos tumingin siya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi nya.

“Wow! Healthy living na si Darryl! Nice! Wag mo na gagawin yun dude. I also used to smoke nung 2nd year, pero wala rin naman akong napala. Kaya ngayon, puro kain ang inaatupag ko.” sabi ni Alex, tapos tumawa sya.

“Ako naman ang magtatanong…ilang beses ka na na-office?” tanong ni Daph.

“Hmmm…hindi ko na mabilang eh!” sabi ni Darryl.

“Naka ilang girlfriend ka na?” biglang tanong ni Alex. Natigilan bigla si Darryl. Tapos nagkatinginan kami. Nagulat nga ako eh.

“Uhm…eight?” sagot ni Darryl.

“Bakit di ka sure?” sabi naman ni Daph. Mga seryoso ang mga mukha nila.

“Kasi…eight lang talaga ang official…ayun” sabi ni Darryl. Nahihiya na siya.

“Sa walong yun, sino pinaka minahal mo?” tanong naman ni Alex.

“Hmmm…si..siguro yung last…si Riza. 2nd year ako nun.” sabi ni Darryl. Mukha syang nalungkot.

“Would you mind if…” sabi ni Daph. Ngumiti ng konti si Darryl at umiling.

“Si Riza, sya ang pinakamatalinong babae na nakilala ko. Taga ibang school siya, at talagang todo ang effort ko nuon para ligawan siya. Mahigit 3 months din ata kami nun…” kwento ni Darryl.

“And…paano kayo nag break?” sabi ni Alex. Ngumiti si Darryl at yumuko. Maya-maya, humarap muli siya sa amin.

“She died. Naaksidente ang sasakyan nila habang papunta sila sa Tagaytay…” sabi ni Darryl. Tahimik kami lahat.

“Sobrang lungkot ko. Ilang araw akong umiyak at hindi ako nakapag focus sa studies ko. Nagsimula akong magloko ng todo…hanggang sa dumating sa point na…nag stop ako dahil sa pagrerebelde” pagpapatuloy ni Darryl. Ngayon ko rin lang nalaman ang dahilan kung bakit siya nag stop. I mean, nasabi na nya sa akin na dahil sa kabulastugan, pero hindi ko alam ang dahilan ng pagrerebelde nya.

“Pinagsisisihan ko ang mga panahon na yun. Sobra. Pero at the same time, masaya ako kasi…” sabi ni Darryl.

“Kasi…?” tanong ni Daph at Alex. Sabay pa sila.

Ngumiti nalang si Darryl.

“Guys, hindi ko alam kung bakit na-share ko sa inyo ito. Siguro magaan ang loob ko sa inyo” sabi ni Darryl, tapos ngumiti sina Daph at Alex.

“Naku, okay lang yan Darryl. Friend ka na rin namin ha” sabi ni Daph, tapos tumawa nanaman sya.

***

After class..

“Uy, next time bonding ulit tayong apat ha” sabi ni Daphne.

“Sure thing. Aliw kang kasama, Daph. Pati ikaw Alex” sabi ni Darryl.

“Sige, una na kami! Jhino, take care ha! You too, Darryl dudez” sabi ni Alex, tapos lumabas na silang naglakad ni Daph.

“Masaya silang kasama, ano?” sabi ko.

“Oo nga eh. Sobra. Teka…libre ka ba bukas?” tanong ni Darryl. Saturday? Shoot. May bonding time din pala kami bukas kina Diane.

“Ay sorry, Darryl, kasi may bonding time din kami bukas. Sa bahay nila Diane yun” sabi ko naman.

“Okay…sige” sabi ni Darryl. Nagbago ang itsura ng mukha nya…

Parang nalungkot.

***
Chapter 14

“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko naman.

“Uhm…oo uuwi na ako. Sige, Jhino, bye.” sabi ni Darryl. Parang nag iba ang mood nya. Hmm, siguro pagod lang yun. Ako din, pauwi na. Dumaan lang ako ng sandali ng 7-11 para bumili ng Pepsi. Tapos, diretso ako kaagad umuwi.

Pagdating ko sa bahay, sabi sa akin ni manang na tumawag daw si Diane sa bahay at sabi nya, tawagan ko daw siya pagkadating ko. Mga 4:30 na ako nakauwi ng bahay eh.

“Hello?” sabi ko. Tinawagan ko si Diane sa telephone.

“Jhino…kamusta?”

“Eto, kakauwi lang. Bakit mo ako pinapatawag?”

“Wala lang. Remind lang kita para bukas. Nasabihan ko na sina Daph at Alex kanina…” sabi ni Diane.

“Okay…sure thing. Text nalang kita”

“Sure. Sige yun lang. Bye!”

“Bye” tapos binaba ko na ang phone. After nun, tinext ko sina Daph at Alex. Tapos sabi nila, mga 3 pm, punta na kami duon. Magdadala daw sila ng Ice Cream at Pizza (paborito talaga nila ito). Ako nalang daw magdala ng salad ko dahil ako lang naman daw ang kakain.

***

Ang bilis naman ng oras. Sabado na agad? Malapit na agad mag alas tres? Ano ba yan. Naghahanda na ako. Sinuot ko yung t-shirt ko na kulay green tapos may smiley sa gitna. Tapos yung semi-fit black jeans ko at yung white rubber shoes ko. Na-miss ko ring pumorma kahit papaano.

Mga 2:30 nagkita-kita na kami nila Alex at Daph sa tapat ng Mercury. Since may mga dala kami, nag taxi nalang kami papunta sa kanila.

Nung makarating kami duon, sinalubong kami agad ni Diane. Maganda talaga sya. Makinis ang balat nya at napaka ganda ng mata nya. Almond eyed kasi siya.

“Tara, pasok kayo” sabi nya sa amin. Ang laki ng ngiti nya sa mukha.

“DIAAAANE! Ang ganda ganda mo parin talaga! Nakaka-tibo ka!” sabi ni Daphne habang niyayakap si Diane. Natawa nalang kami ni Alex sa mga nakikita namin.

“Huy Diane, kamusta ang States?” tanong naman ni Alex.

“Ayos lang Alex. Wow, ikaw ang laki na ng pinagbago mo! Tumangkad ka ata!” sabi ni Diane sa kanya.

“Oo. Nag Che-cherifer kasi ako” sabi naman ni Alex. Natawa si Diane.

“Hali kayo, duon tayo sa may table” aya ni Diane sa amin.

Malaki talaga ang bahay nila Diane. Mayaman talaga sila. Hindi gaya ko na average lang. So, umupo na kami at nilatag ang mga pagkain. Tapos, ayun nag kainan na. Ang ingay ni Daphne at Alex sa lamesa, pati si Diane dumaldal din. Ako konting kwento lang, tapos tawa sa mga jokes, ayun. Ang sarap kasi ng kain ko.

Pagkatapos nun, nagkwentuhan kami duon sa sala nila. Mga 4:40 na nun.

“Guys, namiss ko ‘tong mga ito. Yung mga bonding natin. Haay, sana hindi nalang ako umalis” sabi sa amin ni Diane. Natigil ang tawanan namin.

“Oo nga eh. Pero at least, now, you’re back” sabi naman ni Alex. Napangiti naman ako at si Daph.

“But…hindi ko mababalik yung times na hindi ko kayo kasama. You’re my second family guys…” sabi ni Diane. Medyo nagiging malungkot ang topic.

“Siya nga pala, may boyfriend ka na?” tanong naman ni Daphne out of the blue. Napatingin ako sa kanya. Mukhang awkward ang mukha ni Diane.

“Uhm…wala pa…bakit mo naman natanong yan?” sagot ni Diane, super awkward.

“Sa ganda mong yan, wala ka pang boyfriend? Oh come on…” sagot naman ni Daphne.

“Ano ba kasing type mo sa guys?” tanong naman ni Alex. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti si Diane at inayos ang mahaba nyang buhok.

“Simple lang. Kahit di masyadong matangkad, mukhang presentable, may sense kausap, matalino…loyal, understanding, caring and the rest of those cliches…I’m not choosy naman eh” sabi nya. Natahimik si Daphne at Alex. Tumingin sila sa akin. Mas lalo pang naging awkward ang feeling.

“Don’t worry Diane. You’ll find the perfect guy for you someday” sabi ko naman, just to break the ice.

“I do like someone right now. I just don’t know if he feels the same way, but whatever, masarap ang feeling na may kinakikiligan. I don’t know if he feels the same way but…I hope.” sabi ni Diane. Tahimik kaming lahat. Pero sina Daphne at Alex, iba ang tingin sa akin.

***

“Thanks for coming guys, sana maulit pa ito” sabi ni Diane. Nagpaalamanan na kami sa tapat ng gate nila. Tumawag kami ng taxi at sumakay na. 7:00 pm na nuon.

Sa loob ng taxi, iba parin ang tingin sa akin nila Daphne at Alex.

“Tikboy, I think you’re that guy” sabi ni Alex.

“Sino?” sabi ko naman.

“Jhino-boy, don’t play dumb. Sino pa, eh di yung tinutukoy ni Diane na “like” daw nya! May gusto siya sayo, kaya umamin ka na din” sabi ni Daphne sa akin. Magkakatabi kasi kami lahat sa likod ng taxi.

“Ewan ko sa inyo” sabi ko, tapos niyakap ko nalang yung bag at kumunot.

“Hoy ha, gagawa tayo ng project sa bahay niyo bukas. Damihan mo ang pagkain ha” sabi ni Daphne sa akin. Oo nga pala, gagawa kami ng project sa Physics bukas. Something about Matter and balance. Basta, bahala na sila Alex at Daphne magplano. Hindi kasi ako creative masyado.

Pagkadating ko sa bahay, tinapon ko ang bag ko sa kama at humiga. Tapos, kinuha ko yung cellphone ko sa loob. Pagka tingin ko, nagulat ako.

“You have 23 unread messages”

Ha? Ang dami. Nung binuksan ko…

Darryl Alfonso (7:46 pm)

Darryl Alfonso (7:30 pm)

Darryl Alfonso (7:19 pm)

Darryl Alfonso (7:10 pm)”

at madami pang iba. Lahat ng 23 messages, galing kay Darryl. Mga text nya, “Umuwi ka na ba?”, “Asan ka na ba? Mag reply ka nga”, “Uy…”, “Ba’t di ka nagrereply?” halos ganun.

Pero nagulat ako dun sa last text nya sa akin…

“Sige, wag ka na magreply. Good night”

Napa reply ako bigla.

“Sorry Darryl. Nagkasiyahan kasi kami kina Diane. Di ko chinecheck ang phone ko. Bakit?”

Sent. Naghintay ako ng reply. Wala. Hintay ulit. Wala parin. Hanggang sa nakatulog na ako…di nag reply si Darryl Alfonso.

Kinabukasan habang gumagawa kami ng project, hinihintay ko parin ang reply nya. Wala talaga. Nag text na ako sa kanya ng “Darryl, galit ka ba?” pero hindi talaga siya nag rereply.

“Hoy, kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo ah” sabi sa akin ni Daphne dahil kanina pa nya napapansin.

“Ah…wala, tinitignan ko lang ang oras”

“Hay nako Jhino, kahit anong tingin mo dyan sa oras hindi magiging ginto yan” sabi naman ni Daphne. Hay Daph, hindi talaga oras ang tinitignan ko.

Dumaan ang isang buong araw at hindi nag text si Darryl sa akin. Madalas ko pa namang ka-text yun tuwing weekend. Pero ngayon, nakakapanibago at hindi siya nag rereply.

Kinabukasan, habang naglalakad ako sa corridor papunta sa classroom ko, nakita kong naka upo si Darryl sa may gilid ng hagdan. Mag-isa lang siya. Pinuntahan ko siya.

“Darryl…” sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Medyo masama tingin nya. Wala siyang sinabi sa akin. Tumingin lang siya, tapos yumuko ulit.

“Galit ka ba?” tanong ko sa kanya. Hindi padin siya humaharap sa akin. Tinabihan ko siya sa may hagdan.

“Uy, kausapin mo naman ako” sabi ko ulit. Medyo malungkot na ang mukha ko.

“Bakit di ka nagrereply kahapon?” tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko.

“Eh di ba sabi ko na nga sayo, nagpunta ako kina Diane. Ano bang kinakagalit mo?”

“Hindi ako galit, Jhino. Nagtatampo lang” sabi ni Darryl tapos tumayo. Ako naman, nagulat tapos tumayo na rin ako. Tapos nagsimula na siyang maglakad. Sinundan ko siya.

“Huy, sandali lang! Ano ba, bakit ka nagtatampo?” sabi ko. Humarap siya sa akin. Seryoso ang mukha nya.

“Birthday ko nung Saturday. 18 na ako. Yun ang dahilan kaya kita tinatanong kung libre ka ba” sabi nya sakin. Ako naman, sobrang nagulat.

“Eh…eh, ba’t di mo kasi sinabi sa akin kaagad?” sabi ko naman. I’m confused at shocked as hell.

“Eh di ka naman nagtanong eh” sabi nya. Ako naman natahimik nalang at napayuko.

“Sorry…” yun nalang ang nabanggit ko.

“Dyan ka na nga…” sabi ni Darryl sa akin saka naglakad na siya palayo. Ako naman naiwan nalang dun mag-isa. Ano ba yan? Nagtampo naman itong taong ito…

***
Chapter 15

Naiwan akong nakatayo duon at pinanuod ko lang si Darryl na lumakad papalayo. Feeling ko matutumba ako. Ano ba yan, I just missed an important day for Darryl. Anong gagawin ko? Hahabulin ko ba siya at mag so-sorry nalang? Hindi rin, kahit anong sorry ko, hindi ko na maibabalik ang araw na yun. Ano kaya? Ay, wala na muna akong panahong mag-isip. May klase pa ako.

Buong period ay tila wala ako sa sarili ko. Madalas akong tulala at may iniisip. Hindi ako masyadong nag rerecite. Nag quiz kami sa History. 8 out of 10 lang nakuha ko. Hindi pwede iyon, pero parang wala akong paki-alam. Ano ba? Kailangan kong makausap si Darryl. Gusto kong mag-sorry. Feeling ko kasi yun na ang pinaka mabigat na kasalanan na nagawa ko sa kaibigan ko. Imagine, nag celebrate sya ng birthday, tapos di ko man lang naregaluhan or nabati man lang. Ang drama ko ba? Eh kasi naman, nagi-guilty talaga ako! Ayaw ko ng feeling na ganito. Nagi-guilty. Para kasing ang sama-sama ko. Nung breaktime at habang nasa canteen kami, napansin na naman ni Daph ang pagiging tahimik ko. Si Daph kasi, kabisado na ang mga kinikilos ko.

“Huy, may iniisip ka, ano?” sabi nya.

“Oo Daph eh. May kasalanan ako kay Darryl” sabi ko naman.

“Talaga? Anong ginawa mo dun? Ang bait-bait mo ah” sabi ni Daph sa akin. Parang pinapalakas ang loob ko.

“Kasi…birthday nya nung sabado…tapos hindi ko alam. Hindi ko siya nabati…ayun, nagtampo sa akin” sabi ko naman. Natawa naman si Daph sa akin.

“Anong nakakatawa?” tanong ko.

“Para yun lang? Ba’t kasi di mo tinanong?” sabi nya.

“Eh hindi ko din alam eh…tsk, kailangan magbati kami nun” sabi ko naman. Tapos, dumating na si Alex kasi bumili siya ng pagkain nya.

“Uy, nakita ko si Darryl. Inaya ko na dito sa table natin umupo, kaso sabi nya ayaw nya. Wag nalang daw. Bakit? Anong problema nun?” tanong ni Alex sa amin.

“Apparently, nagtatampo si Darryl kay Jhino kasi nakalimutan itanong ang birthday!” sabi ni Daph sa akin. Ako naman, napayukod nalang. Haaaay, kailangan kong ayusin ‘to.

***

3:00 pm

Uwian na, at pinauna ko nang umuwi sina Alex at Daph. Hihintayin ko pa kasi si Darryl. Hinatid ko na sila palabas ng school. Buti nalang at tumawid ako, tapos bumili ako ng cake duon sa Coffee shop na kinainan namin dati ni Darryl. Hay, sana naman tanggapin nya ang apology ko. Sakto namang pag-pasok ko ulit sa campus eh naka salubong ko si Darryl. Nagkatinginan kami. Bigla naman nyang iniwas yung tingin nya sa akin. Medyo masama parin ang rehistro ng mukha nya. Tapos nagpatuloy sya sa paglalakad. Nung medyo lalampasan na nya ako, hinawakan ko yung braso nya.

“Sandali nga…” sabi ko.

“Bakit ba? Uuwi na ako”

“Sorry na kasi. Ano bang gusto mong gawin ko?”

“Wala naman…” sabi nya. Tapos bigla kong pinakita yung dala-dala kong box na medyo maliit. Yun yung cake na binili ko.

“Para sa’yo to, oh” sabi ko, medyo mahina ang boses ko. Kinuha naman nya, pero ang tapang padin ang mukha nya. Tinangal nya yung ribbon sa ibabaw at binuksan nya.

Ang laman nun, chocolate cake na pabilog. Tapos nilagyan ko ng design na “Sorry” sa ibabaw. Medyo pangit yun, kasi nga di ba hindi ako creative. Yun na ata ang pinaka malaking bagay na nagawa ko para mapatawad ako ng isa kong kaibigan.

Umaliwalas ang mukha ni Darryl habang nakatitig siya sa cake. Ako naman, kinakabahan.

“Akala mo, makukuha mo ako sa cake?” sabi nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.

“Eh kung ayaw mo, eh di akin na!” sabi ko, tapos kukunin ko sana yung cake. Pero nilayo niya yung cake. Tinago nya sa likod nya.

“Hep, hep, hep….binigay mo na sa akin ‘to. Bakit mo babawiin?” sabi nya sa akin. Ako naman napakunot na ang ulo.

“Ang arte mo! Ako na nga itong nakikipag bati sayo ikaw pa itong nagsusungit” sabi ko naman, naiinis na talaga ako.

“EH sino ba ang may kasalanan?” sabi nya sa akin.

“Bahala ka na nga dyan!” sabi ko tapos naglakad na ako papalayo. Nakakainis na.

“Huy…wag ka nga umalis dyan…huy! Jhino!” sabi ni Darryl habang sinusundan ako. Tapos siya naman ang humawak sa braso ko.

“Sige na…sige na…okay na…friends na ulit tayo” sabi sa akin ni Darryl. Nagkatitigan muna kami ng medyo matagal saka ako nagsalita.

“Yan naman pala eh. Ikaw pa itong pa-importante. Sorry talaga” sabi ko, medyo yamot parin ako pero okay na.

“Pero, kailangan bawiin mo yung araw na yun ha” sabi nya.

“Ha? Si…sige, para makabawi naman ako sayo. Ano yun?” tanong ko naman.

“Kasi…may long quiz ako sa Physics bukas…at since ikaw ang tutor ko, sayo ako lalapit.” sabi nya.

“And…?”

“Pwede bang paturo ako sa’yo, sa bahay niyo nalang?” sabi nya. Nagulat nanaman ako sa biglaang kondisyon nitong si Darryl.

“What the—uhm, bakit yun pa? hindi–” sabi ko. Natigilan ako kasi naalala ko na sabi ni mama, minsan ay dalhin ko duon si Darryl dahil gusto nyang makilala. Natahimik ako ng mga ilang sigundo. Nagaantay lang si Darryl ng sagot ko.

“Si…sige na nga” sabi ko naman. Tila abot langit ang ngiti ni Darryl.

***
Pagdating sa bahay…

“Uy, umuwi ka na pala” bati sa akin ni manang. Mga 5 na kami nakarating kasi traffic.

“Manang, ito po si Darryl…yung dumalaw po sa akin” sabi ko kay manang.

“Aba’y andito ka ulit! Buti at napasyal ka ulit dito.” sabi ni manang. Mukhang masaya si manang dahil nandito si Darryl.

“Oo nga po eh. Magpapaturo kasi po ako kay Jhino ng Physics.” sabi ni Darryl kay manang.

“Sige manang, akyat muna kami” sabi ko naman.

“Sige bumaba na kayo mamaya kapag kakain na.” sabi ni manang, tapos umakyat na kami.

Pagpasok namin sa kwarto, umupo si Darryl duon sa upuan sa tabi ng bintana ng kwarto ko. Ako naman, hinanda ang mga libro ko.

“Jhino…” sabi ni Darryl sa akin.

“Ano?” sabi ko.

“Pwede bang maki tulog dito?” sabi nya. Nagulat nanaman ako. Ano ba yan.

***

Chapter 16

Bakit ganun si Darryl? Palagi nalang niya akong ginugulat. Kamusta naman yun.

“Ano? Sana naman Darryl kanina mo pa sinabi sa akin yan, di ba?” sabi ko naman. Eh sa nagulat ako eh.

“Sorry na, master. Eh kasi di ba taga Novaliches pa ako eh malayo pa ako…ayaw kong umuwi mag-isa no” sabi nya sa akin.

“Paano ang uniform mo? At ang damit mong susuutin?” tanong ko naman.

“Uhm…ah…kasi Jhino, nagdala na ako ng uniform ko…pwedeng makahiram nalang ng pajama pants? Yung undershirt ko nalang ang ipangtutulog ko” sabi naman nya.

“May dala ka na pala? So ibig sabihin, may balak ka na talagang makitulog at ngayon mo lang sinabi? Ang galing mo rin, ano?” sabi ko ulit. Medyo nainis ako kay Darryl, pero wala na akong magagawa, andito na siya eh.

“Sorry na Jhino…” sabi nya ulit. Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy nalang ako sa pag-aayos ng gamit. Si Darryl naman, tumayo na, tapos tumingin tingin sa kwarto ko. Tapos, nakita nya yung picture duon sa tabi ng lampshade ko.

“Ito ba si Althea?” sabi nya, sabay kuha nung picture. Ako naman, lumingon.

“Oo, siya yan” sabi ko. Tapos ngumiti siya sa akin.

“Ang ayos nitong kwarto mo. Kumpara sa akin, sobrang gulo” sabi naman nya.

“Talagang malinis ako sa bahay, at sa sarili ko. Of course, you need to be presentable and neat” sabi ko naman.

“Ay oo halata nga. Kaya kahit uwian na, mukha ka paring bagong ligo. Siguro isang oras ka lagi naliligo” sabi nya sabay tawa.

“Magtigil ka nga” sabi ko. Then maya-maya, umakyat na si manang.

“Jino, andito na ang mommy at daddy mo” sabi ni manang. Aba, himala! 6:53 andito na sila. Usually kasi, pinaka maaga na ang 7:40 na uwi nila mommy. So, bumaba na kami, kasama ko si Darryl.

“Ma…” sabi ko. Kasunod ko si Darryl na bumaba. Medyo nahihiya ang loko. Mayron pala sya nun? Nakatingin sa kanya si dad, kasi ngayon palang nya ito nakita.

“Ma, pa, si Darryl po, bago ko pong student” pakilala ko sa kanila.

“Hijo, ikaw yung mabait na bata na tumulong kay manang nung may sakit si Jhino, hindi ba?” sabi ni mama. Napayuko sa hiya si Darryl. Namumula siya, at nakangiti.

“Nice meeting you hijo. Kumain na ba kayo?” tanong naman ni dad sa amin. Obviously, hindi pa so yun ang sinabi ko. Then umupo na kami sa mesa para paghanda na kami ni manang. Tapos nun, kumain na kami.

Ang dal-dal ni Darryl. Ang dami nilang napagkwentuhan ng mom at dad ko. Nabangit din nya yung pag-stop nya. Sabi ni daddy, okay lang daw yun, ang importante ay bumabawi siya ngayon.

“Kung di po ako nag-stop, hindi ko makikilala itong si Jino. At hindi ko matitikman ang masarap na luto ni manang” sabi ni Darryl. Ang corny! Sige Darryl, sakay pa. Natatawa ako sa kanya, kasi ang bilis nyang makasundo ang parents ko, pati na si manang. Feeling ko nga kinikilig itong si Manang sa kanya eh. Ano ba yan?

Pagkatapos kumain, nanunuod muna kami ng TV saglit tapos naglaro sa computer. Then, umakyat na kami ng mga 9:00 pm para mag-aral. Nagpalit na ako ng pambahay bago kami magsimula.

Mga 9:22 PM…

“Master, ano ba yan? Naboboring ako” sabi niya.

“Tumahimik ka dyan at sagutan mo yang questions dyan” sabi ko naman. Pinapaglaruan lang nya yung lapis na binigay ko. Ako naman, nagbabasa ng libro.

“Master, ayan na, tatama na sayo ang space ship…waa” sabi nya, naglalaro kasi siya, kunyari pinapaandar nya yung lapis tapos dinadaan-daan nya sa mukha ko. Parang bata. Nakakainis.

“Alam mo Darryl, pag bumagsak ka wala akong pakialam ha” sabi ko. Naiirita na kasi ako. Hindi nanaman kasi seryoso itong si Darryl.

“Master naman…sorry” sabi nya, tapos nilapag na nya yung lapis sa may mesa.

“Sorry nanaman? Hanggang kailan ka mag sosorry? Gawin mo yang trabaho mo” sabi ko. Naaasar na talaga ako sa kanya. Ang ginawa nya, ayun, tinitigan ang papel at sumagot. After 20 minutes or so, nasagot din nya.

“Good job, though you need to do it quicker. Hindi sa lahat ng oras 20 minutes ang exam” sabi ko sa kanya.

“Ang sakit ng ulo ko master. Tulog na tayo!” sabi nya.

“Humiga ka na dyan, mamaya pa ako matutulog” sabi ko, habang nagbabasa padin ng libro.

“Sige, ikaw bahala” sabi nya. Tapos hinubad na nya yung polo nya. Sando na white lang ang under-shirt nya. Tapos sinuot na din nya yung pajama ko. Humiga sya dun sa right side ng kama ko. Ako naman, andun sa left side, kasi nandoon ang study table ko. Basa lang ako ng basa.

“Master…” sabi nya.

“Tama na yan. Matulog ka na. Napagod ka na sa pagtuturo sa akin, kailangan mo nang magpahinga” sabi ni Darryl, halatang papatulog na. Nakatalikod siya sa akin.

“Mamaya na. Ikaw na ang matulog dyan…” sabi ko naman.

Mga 10:30 PM, humiga na ako. Mukhang tulog na tulog na si Darryl. Hinubad ko na ang salamin ko at pinatong ko sa study table. Pinatay ang lamp shade tapos nagdasal. Then finally, pumikit na ako. Maya-maya…

“BOOM master!” sabi ni…Darryl. Ano ba yan? Akala ko ba…

“Darryl! Ginulat mo ako! Ano ba yan…akala ko tulog ka na?” sabi ko. Medyo nabagot nanaman ako kay Darryl ah. Tawa pa siya ng tawa. Ang gulo na nga ng kumot nya eh.

“Darryl, matulog ka na. Please lang” sabi ko.

“Jino, info lang ha…”

“Ano yun”

“Sobrang likot akong matulog” sabi nya. Tapos tumawa nanaman. Kumunot na lalo ang noo ko.

“Bahala ka, basta wag mo akong sasagasaan ha. Ang laki pa naman nyang katawan mo, kumpara mo sa akin na pat-patin” sabi ko.

“Hoy, anong pat-patin ka dyan? Sobrang fit ka nga eh”

“Napapayatan na ako. Anyway, this is not the right time to talk about body figures, matulog ka na” sabi ko.

“Sige. Goodnight master” sabi nya.

“Goodnight”

***
Mga 12:14 na, hindi parin ako makatulog. Marahil ay hindi naman kasi ito ang normal sleep time ko. Si Darryl tulog na tulog na. Ayun siya, tahimik sa tabi ko. Hindi nag hihilik. Para nga siyang angel na natutulog eh. Hindi mo aakalain na may pagka bad-boy. Hindi ko alam kung bakit, pero tinititigan ko siya. Hindi ko maalis ang tingin ko. Haay, ang weird. Basta, tinititigan ko lang sya. Ang sarap ng tulog nya, siguro napagod to kanina sa school. Pikit na pikit ang mata nya…at hindi siya gumagalaw sa pwesto nya. Sabi nya, malikot daw sya matulog? Eh sobrang steady nga lang sya eh.

Nagkamali pala ako.

Gumalaw sya. Pakanan nya. Sa side ko.

Hala. Ano ‘to? Tama nga, ang kulit nya matulog. Biruin mo, yumakap sakin? What the…

Ayun, ang higpit ng yakap sa akin. Para akong ginawang unan. Di lang basta yakap ha. Pinatong pa nya yung ulo nya sa may chest ko. Ang sarap ng tulog nito ha? Ako naman, sobrang gulat. As in gulat na gulat ako.

Pero di ko naman magawang gisingin yung tao. Ang sarap na ng tulog eh. Pero, ang awkward talaga. Sobra. Mas naging awkward pa nung gumalaw galaw pa siya at parang hinihigpitan ang hawak. Nag “hmmm” pa siya. Ano ba ‘to, Darryl?!

Mga 1:19 AM na nun at pumipikit na ako. Nakayakap pa rin sya sa akin. Pero I can’t stay awake whole night…I need to sleep…so yun…

zzzzzzzzzzzzzzz…

Tumunog si alarm clock. Inaabot ko. Hindi ko maabot. May sakit ba ulit ako? Let me check.

Mainit ako? Tama lang. Parang buhay lang.
Masakit ba ulo ko? Hindi.
Nahihilo ba ako? Hindi.

Pero bakit hindi ako makagalaw?

Ayun naman pala eh. Ang sarap padin ng yakap sa akin nitong si Darryl. Kapag sinuswerte ka nga naman oh.

***
Chapter 17

Hindi talaga ako makatayo. Pero sige na nga, gigisingin ko na itong si Darryl. Ginalaw ko yung katawan ko. Medyo mahirap kasi mahigpit yung yakap nya sa akin.

“Darryl!” sabi ko. Then nagising na sya. Nagulat siya kasi nagkatinginan kami. Ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Alam mo yung nararamdaman ko na yung hangin na lumalabas sa ilong niya. Tapos bigla syang bumitiw sa pagkakayakap sa akin.

“Salamat ha, Darryl. Magdamag ka atang nakayapos sa akin. Ang laki pa naman ng katawan mo” sabi ko naman. May muscle kasi sa braso yun eh.

“Sorry, master. Ang sarap ng tulog ko eh…” sabi nya, tapos ngumiti siya.

“Sige na, kain na tayo sa baba” sabi ko then tumayo na ako sa kama ko. Hindi ko alam pero parang ang init ng pakiramdam ko tapos ang bilis ng kabog ng dibdib ko. I don’t know why.

Paka kain namin, naligo na ako. Duon ako sa bathroom nila mama sa room nila, si Darryl duon sa banyo sa baba. Duon na din ako nagbihis sa room nila mama. Nung handa na ako, mga 7:15 AM pa nun, pumunta na ako ulit sa kwarto. Hindi pa handa si Darryl. Naka uniform pants na sya, low waist nga eh, tapos kita pa yung boxer shorts nyang blue. Tapos topless pa, nagsusuklay ng buhok. Hindi siya payat at mataba, tamang tama lang talaga.

“Hindi ka pa bihis?” tanong ko.

“Ay sorry, sige bibilisan ko na…” sabi nya.

“Sige, hihintayin kita sa labas” sabi ko naman. Pagkasara ko ng pinto, paulit-ulit kong kinurap ang mata ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sobra, mas sobra kanina. Ano ‘to? Bakit ako ganito ngayong araw? Hindi ko talaga alam kung bakit. Pero naramdaman ko na dati ito eh…pero ngayon parang mas matindi.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan namin. Seriously, every step, I can hear my heartbeat. Lalong bumibilis. Medyo annoying pero ewan ko. Dumiretso ako sa banyo sa baba para mag sipilyo. Umupo nalang ako sa couch at hinintay si Darryl.

“Uy, sorry kung medyo matagal” sabi sa akin ni Darryl. 7:35 na sya bumaba.

“Mag-taxi nalang tayo. 30 minutes nalang ata ang byahe mula dito sa UP village eh” sabi naman nya.

“Sige taxi nalang. Basta ikaw ang magbayad ha” sabi ko. Natawa naman si Darryl, pero pumayag na siya. Pero ako, hindi ako makapag react ng maayos. Ang bilis padin ng kabog ng dibdib ko eh.

Sa taxi, tahimik pa rin ako at nakaharap lang sa may bintana. Nakatingin sa akin si Darryl tapos parang worried ang mukha nya.

“Master may sakit ka ba?” tanong nya sa akin. Tumingin ako sa kanya tapos umiling ako. Ang tahimik ko. Bakit kaya? Hindi ko din kasi talaga alam. Si heart, kabog padin ng kabog. Haay, tumigil ka na.

Dumating na kami ng school. 8:15. May 15 minutes pa ako, so hindi ako late. Nag paalamanan lang kami Darryl, then ayun na. Nakita ko siyang tinitignan ako habang naglalakad, pero ako, hindi ako makatingin sa kanya.

Tahimik akong pumasok sa classroom. Ang ingay ng mga classmates ko.

“Huy, what’s up?” bati sa akin ni Daphne.

“Okay lang…” sabi ko naman.

“Sure ka? Ang tamlay mo ah…para kang kinakabahan…” sabi ni Daph sa akin.

“At medyo…namumula ka ata? May sakit ka ba ulit?” dugtong nya.

“Huh? Na–namumula?” sabi ko naman. Nagulat nanaman ako eh.

“Oo…medyo lang naman..or di lang halata kasi di ka kaputian..” sabi ni Daph.

“Sobra naman ito…eh kasi, Daph, may itatanong ako sayo” sabi ko, seryoso talaga ang hitsura ko.

“Ano yun?” sabi ni Daph. Ang awkward, hindi ko masabi yung sasabihin ko sana. Parang nahihiya ako. Usual naman akong mag open kay Daph, pero ewan ko ba, itong bagay na to nahihiya akong sabihin sa kanya.

“Jino Anthony Mendez, ang tagal mong magsalita” sabi ni Daphne.

“Uhm…kasi..uhm…”

“I don’t understand alien language, Jino. Ano ba kasi yun?”

“Eh kasi…Daph, naramdaman mo na ba yung parang…parang” sabi ko. Hay, ang hirap!

“Yung ano..?” sabi ni Daph. Nakatitig talaga sya sakin at kunot pa ang noo. Seryoso sya sa pakikinig.

“Yung…mabilis na kabog ng dib-dib, tapos…tapos parang excited na kinakabahan na ewan…yung ganun?” tanong ko sa kanya. Tumaas ang kilay ni Daph at nag isip ng isasagot.

“Bakit mo tinatanong yan?” sabi ni Daph.

“Eh kasi..kanina..kanina kasi parang ganun yung nararamdaman ko…eh, ano ba kasi yun? Naramdaman mo na ba yun?” sabi ko naman. Nag-chuckle naman si Daphne.

“Oo. Nung in-love ako kay Clyde.” sabi naman nya. Iba ang tingin nitong taong ito sakin. Ako naman, natahimik.

“Jinoboy, I think you’re in looooooove. Who’s the lucky individual?” sabi ni Daphne sa akin. Hindi ako makasagot.

“Kita mo, mas lalo kang namumula. Sino ba kasi yan?” sabi nya sa akin.

Oh no. Natahimik ako talaga at nag-isip. Ano ito? Naramdaman ko yun kanina nung….

nung….

nung magkasama kami ni Darryl.

Sabi na nga ba eh, I’ve felt this feeling before. Nung kay Diane, but not this intense. This time, parang ang tindi talaga. Love nga siguro to…

Pero di ba mali ito? I’m a guy, and Darryl is also a guy. This is just wrong. So wrong. It can’t be cause…guys can’t fall in love with another guy…or, totoo nga ba? I mean, I’m not gay or bisexual…or, too nga ba? Ang daming tanong na pumasok sa utak ko, pero iisa lang talaga ang umiikot sa utak ko…

Mahal ko na ata si Darryl.

***
Chapter 18

Hindi ko sinabi kay Daphne kung kanino ko naramdaman yun. Hindi sa ngayon, at malamang hindi ko na sabihin dahil…dahil alam kong mali talaga iyon. Buong oras nanaman akong nag isip. Nagdaan na ang English, Physics at History, pero nasa isip ko parin ang nararamdaman kong iyon. Parang doon na kasi napunta iyon eh…

When I first saw Darryl, I find him very interesting. Kaya nga nagtanong ako kina Alex about him eh.
The day he asked me to be his tutor, I find him very nice.
The moment I asked him to stop smoking, I find myself concerned about his health.
The moment he slept in my house…I…

Di ko talaga masabi. Pero oo, mahal ko na siya. Pero ayaw ko. Ayokong madisappoint sa akin ang mga magulang ko. Mali kasi talaga itong feelings ko for him. Guys are for girls, men are for women. Yan ang tama. Pero…ang hirap talaga.

Nung break time, medyo tahimik padin ako. Si Alex, clueless pa talaga. Sinabihan ko kasi si Daph na wag munang sabihin sa iba ang kinuwento ko sa kanya kahit kanino. Si Alex kasi, masyado talagang matanong yon. Kaya baka mapilitan akong makwento ang totoong nararamdaman ko, kahit na ayaw ko.

“Jinoboy, anong ibig sabihin nyang mukhang yan? May sakit ka ulit?” tanong naman ni Alex. Nagtinginan kami ni Daph.

“Ah, wala, may tantrums ata yan” sabi ni Daph, medyo mahina. Parang pabulong, pero narinig ko pa din. Maya-maya, ano ba yan, nakita ko si Darryl na papalapit sa amin. Ayan nanaman sya, kumakabog nanaman ang dibdib ko. Ang bilis. Ah! Gusto kong sumigaw!

“Hey, pwede bang sumama sa table niyo?” tanong sa amin ni Darryl.

“Uhm…eh..wala ka bang ibang classmates?” tanong ko naman. Hala? Bakit ko tinanong yun? Di ko gustong itanong yun, pero bigla nalang lumabas sa bibig ko. Napatingin tuloy sa akin si Darryl.

“Wala akong pakialam sa kanila. Kayo ang gusto kong makasama” sabi nya sa amin. Lalong lumakas ang kabog nang dibdib ko. Hindi na ako nakapag salita…ito nalang ang lumabas sa bibig ko.

“Si…si…sige, may pupuntahan lang ako” sabi ko, sabay tumalikod ako at nag walk-out. Di ko na kaya, parang sasabog ang dib-dib ko sa lakas ng kabog. Naririnig kong naguusap sina Daphne, Alex at Darryl. “Anong nangyari duon”, “Saan ka pupunta?” yun ang mga nadinig ko, pero di ko alam kung sino na ang nagsasabi. Mas malakas pa kasi sa pandinig ko ang kabog ng dibdib ko kaysa sa mga ingay na naririnig ko sa canteen.

Nagpunta ako ng library. Duon, tahimik. Nung una, sobrang lakas padin ng kabog pero nung tumagal na, nawala na. Nagbasa ako ng libro. Nilibang ang sarili ko. Hindi pa naman ako gutom kaya ayos lang. Hindi ko lang ineexpect yung sumunod na nakita ko.

Si Darryl. Tila may hinahanap. Nagulat nanaman ako. Sa mga lugar na katulad ng library, bihira mong makita ang isang Darryl Alfonso. Tila sinusuyod nya ang library, hanggang medyo lumapit na siya sa table ko. Oh no. Nagtakip ako ng mukha, pero sinsilip ko padin siya. Tapos, may maingay. Hey, this is a library, for Christ’s sake! Pero hindi ingay ng estudyante. Hindi ingay ng kung ano. Si heart nanaman. Kumakabog. Tumigiiiiil kaaaa! Sigaw ko sa isip ko. Napapikit ako. Sabi ko sa sarili ko, “sana wag niya akong makita…sana talaga…”

“Jino?” sabi ng isang pamilyar na boses. Si Darryl. Nakita nya ako. Late na pala yung prayer ko. Kung baga nagtext ako kay Lord, andyan na yung milagro, nakarating na. Sobrang late.

“Oh? Ba’t…ba’t andito ka?” sabi ko. Heart, tama nang kabog!

“Bakit ka umalis duon sa canteen?” tanong niya sa akin. Ang lapit ng mukha nya sa akin. Naka-palad pa yung dalawang palad nya sa lamesa habang nakatayo. Hala.

“Eh…kasi…gusto kong magbasa!”

“Sus…nagbabasa ka na wholeday, hindi ka pa ba sawa?” tanong niya sa akin. Tapos, umupo siya duon sa bakanteng silya sa tabi ko. Mas lalong kumabog si heart. Tama na, please. Tama na.

“Uhm…eh…masaya magbasa eh. Pakialam mo ba?” sabi ko. Hala? Hindi ko nanaman ma-control ang bibig ko. Ano ba yan! Bigla nalang akong tumayo, tapos naglakad palabas ng library. Sinundan ako ni Darryl.

“Ang sungit mo ah” sabi niya. Hindi ko siya pinapansin.

“Hoy, ba’t di ka namamansin?” sabi nya. Tapos humarap ako. Mukha akong kinakabahan.

“Jino, okay ka lang?” tanong niya sa akin. Tapos…biglang nag bell. HALA! SAVED BY THE BELL! Salamat naman!

“Sige, Darryl, pasok na ako sa klase ko” sabi ko naman. Tapos naglakad na ako pabalik ng classroom.

***
Pagka-uwi ko, para akong nabunutan ng sobrang laking tinik. Nakauwi din sa wakas! Salamat naman at hindi ko siya nakita habang pauwi ako. Ang hirap naman nito.

Habang naka upo ako sa sofa at nagtetext (kay Daphne at Alex), nag text si Darryl bigla…

“Good pm, master!” sabi nya.

Ayan nanaman si heart. TUMIGIL KA, HEART! Please lang…pero hindi talaga eh. Naiinis na ako. Ano ba? Rereplayan ko ba o hindi?

Fine! Hindi na. Ayan, clinick ko yung exit. Nagtext na si Daphne. Then si Alex. Reply to both. Then another text kay Daph. Reply. Si Alex din. Reply.

Pero, hindi pa din naaalis ang kabog. Parang…parang…parang gusto ko siyang itext! Ayyy, Jino, hindi tama iyan! Wag…pigilan mo…please lang. Pero…

“Good evening din, Darryl”

Sent. Ayan nagawa ko na. After 5 minutes….

“Ba’t ang tagal mong mag reply? Umiiwas ka ba?” sagot nya. Oh no.

****

Chapter 19

Oh no. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko. Ang bilis pading kumabog ni heart! Ano ba yan? Hindi tuloy ako makapag isip ng sasabihin ko sa kanya. Naka 3 vibrate na ang cellphone ko. Nag reply na siguro sina Daph at Alex, pero ako, naka tingin parin ako sa message niya. Ano bang isasagot ko duon? Hindi ko naman siya iniiwasan…it’s just that…that…hay, bahala na!

“Hindi ah. Marami lang ka-text. Sorry.” yun na sinabi ko. Sent.

Medyo nakahinga din ako ng maluwag. Tapos ayun, nagreply na ako kina Daphne at Alex. Tapos maya-maya, nagtext ulit sya.

“Ah…akala ko galit ka eh” sabi nya.

“Hindi ah. Sige matutulog na ako…goodnight” sabi ko naman. Pero di pa talaga ako matutulog. Hello, 7:00 pm pa lang?!

“Ha? Master? Ang aga…7 pm palang ah?” sabi naman nya. Hindi na ako nagreply! Basta, hindi ko kaya.

Iniisip ko talaga ito ng mabuti. Ayaw kong madevelope ang feeling na ‘to. Hindi ako lalayo sa kanya, pero lalagyan ko ng wall at medyo magiging cold ako sa kanya. Hindi ko naman kasi kayang basta-basta nalang bitawan itong si Darryl dahil lang dito. Lumapit siya sa akin para turuan ko siya. Kung magkagusto ako sa kanya, problema ko na yun.

Hay. Talagang gusto ko siya. Gustong gusto ko siya. Pero, mali talaga ‘to. Maling mali ito.

At ganun nga ang ginawa ko. Tuwing mag rereview or magkikita kami, may coldness na talaga.

Kinabukasan, start na pala yung botohan para sa Mr. & Ms. Junior and Senior. Kahit na next year pa yun (February 19 daw?), boboto na ngayon para daw makapag handa na. Jusko, December 03 palang. Pero bahala na. Pagbobotohan ng mga teachers namin at ng mga classmates ko.

Ang binoto ko ay si Alex para sa Mr. at si Jane naman sa Ms. Dapat talaga ay si Daphne, pero nagparamdam sa akin si loko na ayaw nyang sumali sa mga ganyan.

Maya-maya, nung malapit ng matapos ang breaktime at pabalik na ako sa classroom…

“Master!” sigaw nya sa akin.

“Bakit?” sagot ko naman.

“Ako daw ang ilalaban ng section namin para sa Mr. & Ms. Junior & Senior! Yes!” kwento nya sa akin. Mukhang sobrang saya nya.

“Congrats.” sabi ko. Wala akong reaction. Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha nya.

“Hindi ka ba masaya, Jino?” tanong nya sa akin.

“Masaya ako no. Sige, may klase pa ako” sabi ko, sabay alis. Ano ba itong ginagawa ko? Parang kabo-[i]b[i]ohan lang! Ayaw ko talaga syang tratuhin ng ganun. In fact, I want to know him more, be with him more…but it’s not right! Kaya napipilitan ako.

Lumipas ang mga linggo at ganun ang treatment namin sa isa’t isa. Madalang na nga akong magtext sa kanya. Minsan nga 3 araw nang hindi ko siya tinetext. Ang hirap.

“Master, malapit na ang Christmas vacation. Ano ang plano mo?” tanong nya sa akin.

“Bahay lang.” sabi ko. Nakita ko na medyo nalungkot ang mukha ni Darryl at bumalik nalang sa pagbabasa.

“Ikaw ba?” hindi ko napigilang magtanong.

“Uhm, baka sa bahay lang din…” sabi ni Darryl sa akin. Tapos ngumiti sya. Kumabog nanaman si heart. Heart ha, nakakainis ka na.

“Master, ano nga pala–” hindi ko na siya pinatapos…

“Mag-aral ka na dyan” sabi ko.

“Ang sungit naman nito…” sabi nya ng pabulong. Pero narinig ko padin yun.

Pagkatapos ng 3 and a half hours, pauwi na kami. Sabay kaming naglalakad palabas. Dumaan kami duon sa science building para dumaan duon sa back gate dahil kukunin daw ni Darryl yung sasakyan nya. Sasamahan ko lang sya para kunin iyon. Hindi ko siya kinikibo, at mabilis ang lakad ko. Siya naman, sumusunod sa akin.

“Master!” sabi nya, medyo malakas ang boses.

“Ba’t di ka namamansin? Master!” sabi nya. Hindi ko talaga siya pinapansin or nililingon man lang. Tapos finally, naabutan nya ako, at hinawakan nya ang balikat ko.

“Huy, may problema ka ba?” tanong sa akin ni Darryl. Mukha na naman syang seryoso.

“Wala…” sabi ko, mahina lang. Bigla syang pumunta sa harap ko at hinarang ako.

“Wag ka ngang magsinungaling, Jino. Ang tagal mo nang ginagawa sa akin yan. Ang dalang mong magtext, para ka laging galit, di ka namamansin minsan pag tinatawag kita. Ano bang problema?” tanong sa akin ni Darryl. Ngayon ko lang ata sya nakitang ganun ka seryoso.

“Wala naman talaga eh! Bakit mo ba pinagpipilitan na meron?” sabi ko naman sa kanya.

“Eh kasi, mayroon naman talaga. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo!” sabi nya sa akin.

“Talaga? Well, wala talaga akong problema. Sorry, but your analysis is just so wrong. Dead wrong. So please, padaanin mo na ako, may mga tao na dito sa likod ko” sabi ko naman kay Darryl. Totoo, may tatlong estudyante na ang nasa likod ko at naghihintay at nakikinig sa amin.

“Wala akong pakialam! Sa iba kayo dumaan, kinakausap ko pa ‘tong taong to dito” sabi ni Darryl. Ang angas nya talaga, napatalikod ang tatlong nasa likod ko. Natakot ata.

“Why are you acting like that? Alam mo, ang angas angas mo talaga. Pwede naman tayong magusap sa ibang araw eh” sabi ko sa kanya. Nagkakasigawan na ata kami.

“Bakit? Sigurado ba ako na kakausapin mo pa ako bukas? Sa makalawa, or sa isang linggo? Oh please Jino, give me a break. May problema ka, at involved ako duon. Napaka obvious naman eh” sabi nya. Napayuko nalang ako at nagisip. Hindi ko na kaya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dapat makaisip ako ng idadahilan ko kay Darryl.

“Hindi ako aalis dito hangga’t di mo ako binibigyan ng rason.” sabi nya. Hay, bakit naman kasi ganito ang siste ng pinto dito sa building na ito eh. Half-open nalang kasi yung labasan. Yung parang rehas na gate, medyo covered na yung kalahating part, tapos yung part na bukas, nakaharang na si Darryl. Magsasara na din kasi yung building eh.

“Sorry…kasi may problema talaga ako…pasensya na. I can’t tell you right now, di pa ako handang sabihin itong problemang ‘to sa iba. But I will…someday. Not now…” sabi ko naman. Wala na akong ibang maisip na sasabihin. Yun nalang talaga. Tapos, tahimik lang na umalis sa pagkakaharang nya si Darryl. Nakatingin lang siya sa akin. Ako naman, tahimik na naglakad ng marahan.

“Master…” sabi nya. Lumingon ako. Nakita ko si Darryl, nakatayo lang duon at nakatingin sa akin.

“Pag kailangan mo ng kausap…andito lang ako. Wag mong kalimutan yon. May mga friends ka parin sa paligid mo na pwede mong kausapin.” sabi nya.

“I know. It’s just that hindi pa ako handang sabihin talaga. May mga problema na dapat I-share sa tamang panahon…” sabi ko, tapos nginitian ko siya.

“Sige.” sabi nya.

“Kailangan ko nang umuwi. Bye…” sabi ko. Naglakad ako palabas ng school na yun ang iniisip. How can I create a distance sa isang tao na ayaw ko namang distansyahan? At mahirap talaga yun, dahil yung taong iyon, mukhang ayaw talagang dumistansya sayo.

Habang nasa jeep ako, tinignan ko ang cellphone ko at nagtext pala si Daphne. Kanina pa. Nagulat ako sa message nya.

“Jino, ikaw ang isasabak namin sa Mr. & Ms. Junior and Senior. Wag ka nang umangal. Ikaw ang napili ng mga professors at classmates natin. Ako ang nagbilang ng boto, kaya walang luto. GOODLUCK!” sabi nya sa akin. Another oh no, so kalaban ko si Darryl? This is not happening.

***
Chapter 20

Ano ba naman ito? At talagang sa text nya sinabi sa akin ha? Nakakagulat naman itong si Daphne. Ang hilig nyang mangbigla! Parang si…Darryl. ARGH! Bakit ba siya ang nakonekta ko? Eh kasi naman pala, magkalaban kami! Patay! Pero matagal pa naman ito eh. Pero…pero…ang number one na kinakatakutan ko eh…ang stage fright! Sobrang nakakahiya kaya ang mangyayari! Lalo na kung mag ta-trunks! Ano naman ang ipapakita ko? Eh ang payat ko. Grabe!

Pagkauwi ko ng bahay, dinampot ko kaagad ang phone. Grabeng shifting ng emotions ito. Kanina lang, medyo bad trip ako, ngayon naman natatawang kinakabahan at kung ano ano pa. Dinial ko na ang number nila Daphne. Nag ring na ito. Sinagot na nya after 4 rings…

“Hello this si Daphne po ito. “Goddess” for short, sino po sila?” bungad nya sa akin. Private line kasi nya ito, kaya alam nyang kakilala nya ang tatawag.

“Daphne! Walang hiya ka, ano itong tinext mo sakin?” sabi ko, medyo sumisigaw ako. Para akong hysterical.

“Ay, Jino? Nabigla ka ba?” tanong sakin ni Daph.

“Parang tanga naman ito, oh! Syempre, nagulat ako!”

“Well, congrats pretty boy. Ikaw ang pinaka-“pogi” according to our teachers and classmates. You got a total of 25 votes! 2nd place si Alex with 10 votes then Giovanni with 3 points. Lahat ng teachers natin ikaw ang binoto!” sabi ni Daphne.

“Teka, teka. Baka mali ka lang ng pagbilang. I demand for a recount!” sabi ko naman.

“Che, magtigil ka nga diyan. Your partner nga pala is Jane. 28 votes ang nakuha niya. Wala akong natangap na boto! Yes! Nasindak siguro sakin ang classmates natin. hahaha” sabi nya.

“Daph, natatakot talaga ako!” sabi ko naman. Seryoso, kabado ako.

“Huwag kang mag-alala, Jino. Ako ang bahala sayo. Supported ka namin ng buong section so don’t worry. Besides, matagal pa naman yun so kaya pa naming I-boost ang confidence mo” paliwanag ni Daph. Medyo tumatag ang loob ko.

“Thanks, Daph. Siya nga pala, I’m competing against Darryl. He told me kanina na siya ang ilalaban sa pagent ng section nila” sabi ko sa kanya.

“Talaga? Eh di good for him. Kainis nga eh, kasali si Clyde! Kailangan talunin niyo siya, huh” sabi ni Daphne sa akin.

“Either ikaw or si Darryl ang bets ko. Pero syempre mas love kita” dugtong ni Daph. Natawa nalang ako.

“Eh di ba may screening pa yun? Kailan yun? Yung pagpili ng final 3 para mag represent ng third year?” tanong ko kay Daph.

“Abay malay ko! Hindi naman ako ang coordinator. Taga bilang lang ako ng boto. Oh siya, sige na, yun lang pala ang itiniwag mo. May gagawin pa ako!” sabi niya.

“Sige Daph, salamat. Bye!”

“Bye Jino”

Tapos binaba ko na yung phone.

Mga 8:00, dumating na ang parents ko.

“Mom, dad…kasali po ako sa pageant namin. Ako yung representative ng aming section” sabi ko. Medyo weird ang pagdedeliver ko.

“Talaga, anak? Wow naks naman. Congrats!” bati sa akin ni Daddy. Surprisingly, mukhang tuwang tuwa ang parents ko sa balita ko. I never joined pagents, at ito ang first time ko. Redundant ba? Medyo hindi pa kasi nag si-sink in sa utak ko ang mga pangyayari. Mahiyain kasi talaga ako. At medyo flattered din ako kasi na ku-cutan or naga-gwapuhan pala sa akin ang iba kong classmates. Sino sino kaya ang may crush sa akin? Joke lang. Yumabang daw ba ako? Minsan lang naman ako mag feeling. Medyo weird nga lang ang title no. Bakit nga ba Mr. Junior & Senior, eh isang pair lang naman ang mananalo? Kasi ang alam ko, it’s really Mr. Hartville (name ng school namin), kaso hindi ata kasali ang 2nd year at 1st year, Juniors and Seniors lang, kaya ayun naging ganun ang name. Ang weird lang talaga.

Kinabukasan, masaya akong pumasok sa school. Pagpasok ko sa classroom, nagpalak-pakan ba naman ang mga classmates ko. Binati nila ako ng “Congrats”, “Yes, Mr. Junior & Senior”, “Congrats, may winner na tayo! Brains and looks!” yun yung mga naririnig ko. Ako naman, parang nasa heaven. Yayks!

“Yabang naman!” asar sa akin ni Alex.

“Uy Alex! Sorry ha. Hindi ko alam eh. I voted for you pa naman!” sabi ko.

“Hala? Okay lang yun! Ikaw nga, ibinoto kita!” sabi sa akin ni Alex.

“Ha? Isa ka pala sa may kasalanan sa pagkanuk nok ko sa pusisyon kong ito!” sabi ko, pero pabiro lang naman.

“Okay lang yan. Sus, ikaw pa. Most versatile student of all time ka” sabi ni Alex. Patuloy lang ang tawanan namin.

***
Nung lunch break na, nagkita kami ni Darryl. Sinabi ko na sa kanya ang siste.

“Ah talaga? So, master magkakalaban pala tayo” sabi ni Darryl.

“Oh? Bakit parang na-down ka?” sabi ko sa kanya.

“Eh kasi Master, natatakot akong kalabanin ka. Ang taas-taas mo, tapos ako last section pa, student mo pa” sabi naman nya.

“Hala? Wala sa akin yun, Darryl! Ayaw ko ngang sumali eh” sabi ko naman.

“Basta master, gusto ko ikaw ang manalo. Deserving ka kasi talaga. Gusto kong makilala ka nila. Gusto kong makilala nila ang isang mabuting taong katulad mo” sabi sa akin ni Darryl. Si heart, kumabog nanaman. At mukhang seryoso ulit si Darryl.

“Iba ka ata Darryl ngayon ha. You’re acting as if I am someone who is very special” sabi ko, tapos nag chuckle ako.

“But you are special.” sabi ni Darryl sa akin. Tama ba ang narinig ko?

***
Chapter 21

Ayan nanaman. Kumakabog nanaman si heart. Hay, ang mga “in-love” talaga, kahit anong sabihin ng isang taong mahal niya, parang napaka big deal lahat ng sinasabi or ginagawa? Ano ba yan. In-love na naman. Hindi dapat ako ma in-love sa kanya. Dahil mali. Maling mali.

“Special ako? Ha ha ha ha! Parang special child?” sabi ko. Tapos tumawa nalang ako ng tumawa. Pero si Darryl, hindi tumatawa. Seryoso siyang naka tingin sa akin.

“Lahat nalang ba ng sinasabi ko sa’yo, joke lang?” sabi niya sa akin, seryoso padin ang mukha. Ako naman, biglang napahinto ng tawa.

“Ah…eh, hindi naman…” sabi ko.

“Pati ba naman ikaw master, hindi ako sineseryoso? Lahat nalang kayo…” sabi ni Darryl. Ako naman, parang na-guilty.

“Na offend ka ba? Sorry na…” sabi ko naman. Tapos bigla siyang tumingin sa akin. Ngumiti siya…tapos tumawa ng malakas.

“Master, ang cute mong mag-worry. Parang batang walang muwang. ha ha ha ha!” sabi ni Darryl sa akin. Ang lakas talaga ng tawa niya.

“Ano ba naman yan, Darryl. Umayos ka nga” sabi ko.

“Ewan ko ba sayo master. Ang dali mong maniwala!” sabi naman niya sa akin. Tumatawa padin siya.

“Huwag kang mag-alala, hindi na ako maniniwala sa mga sasabihin mo!” sabi ko naman.

“Eh di wag!” sabi naman ni Darryl, tawa padin siya ng tawa.

Habang papunta ako sa classroom, iniisip ko yung nangyari kanina. Medyo nainis kasi ako kay Darryl. Bakit siya ganun? Wala ba siyang kaseryosohan sa buhay niya? At iniisip ko din yung…yung nararamdaman ko sa kanya. Para kasing lalong tumitindi itong feelings ko, at ayaw ko nito. Maraming masasaktan, maraming maabala…

Ang pamilya ko…
Mga kaibigan ko…
Ang pag aaral ko…
At syempre, si Darryl…

Ngayon ko lang narealize itong feeling na ‘to. Dati naman, hindi ako ganito. Marahil, matagal na akong “ganito” dahil masyado akong busy. I still don’t know if I am bisexual or gay, but I guess bi because I still find girls extremely attractive (like Diane, na lalong mas naging maganda ngayon). But I don’t know, and I don’t want to think about it. Ayaw ko nito, so as much as possible, ayaw kong I-develop.

Umupo ako sa upuan ko ng tahimik. Binati ako ng Daphne at sinabing mukha daw akong constipated.

“Baliw ka…” yun nalang ang sinabi ko. Dumating na kasi ang professor.

Kinahapunan, nag review kami ni Darryl. Normal lang naman, ginawa namin ang usual na ginagawa namin: mag-aral, mag kwentuhan at kumain. Nung umuwi kami, ayun, hinatid niya muli ako. Pumasok siya sandali sa bahay para maki-CR, tapos umuwi din. Tutok kami sa pag-aaral dahil napaka raming quizes dahil nga malapit na ang Christmas vacation. After 1 week, tapos na ang klase. Christmas party na. Normal naman ang christmas party namin. Kainan, sayawan, kantahan. Ayun. Ang natangap kong regalo eh wallet, tapos may lamang 50 pesos sa loob. Di pa ginawang isang daan. Joke. Tapos si Daphne, teddy bear na malaki ang nakuha niya, galing kasi kay Joshua iyon. Yung classmate namin na may crush sa kanya. Si Alex naman, Metallica CD. Sino nakabunot sa kanya? Eh di ako. Matagal na niyang gusto kasi iyon. Si Darryl? Nike Cap, tapos ang dami pa niyang natanggap galing sa mga nagkaka crush sa kanya. Wala akong regalo sa mokong na yun. Wala kasi akong pera.

Lumipas ang mga araw…wow, ang bilis. December 22 na pala? Wow ha. Gumising ako ng 9:00 am, at sinuot ang salamin ko at bumaba. Pupunta kasi sina Daphne at Alex dito sa bahay dahil tutulungan nila akong gumawa ng buko pandan salad. Bakit?

December 23 is my birthday. Galing no? 2 days before Christmas, mag cecelebrate ako. Grabe, ano? Tatlong araw akong lalamon ng marami. Ngayon, bukas para sa noche buena, at sa 25, sa pasko.

Mga 11:30, nag simula na kaming gumawa ng salad nila Daphne. Magaling kasing magluto ng desserts itong itong si Daphne. Ang taga taste test namin ay si Alex.

“Jino, sino sino ba ang pupunta bukas sa private party mo?” tanong ni Daphne. Natawa naman ako.

“Sino pa ba? Eh di kayong dalawa at si Diane” sabi ko naman.

“Ay? Di mo iinvite si Darryl?” singit naman ni Alex. Napatingin naman ako sa kanya.

“Oo nga. Di ba close kayo?” tanong naman ni Daphne. Oo nga pala, si Darryl.

“O..oo naman, invited siya” sabi ko naman. Iimbitahan ko pala siya. Since hindi ako nakapunta nung 18th birthday niya, kailangan andito siya on my 16th birthday.

After naming gawin yung salad, konting kwentuhan lang kami at umuwi na sila Daphne at Alex. Reserve nalang nila for tomorrow yung ibang kwento nila. Tapos, tinawagan ko na si Darryl.

“Hello?” sabi ni Darryl.

“Darryl, Jino ‘to.”

“Oh, Jino! Kamusta bakasyon?”

“Ayos lang naman. Ikaw ba?”

“Ayos lang din. Medyo malungkot kasi di uuwi ang parents ko…” sabi naman niya. Natahimik ako saglit.

“Ganun ba…”

“Wala yun sakin. Sanay na ako. Bakit ka nga pala napatawag?”

“Eh kasi, birthday ko bukas…invited ka. Dito sa bahay namin”

“Wow! Master, talaga? Salamat ha! Sige punta ako, may dadalhin ako para sa’yo” sabi niya.

“Oh sige. Kahit wala naman eh.”

“Sus, hindi pwede yun. Basta bukas punta ako. Ano oras ba?”

“Mga before lunch.”

“Sige, sige. Advance Happy Birthday, master!” sabi niya.

Pagkababa ko ng telepono, parang narelieve ako.

Mabilis na lumipas ang oras. Nung humiga ako, iniisip ko yung mga maaring mangyari bukas. Excited na ako. Tuwing birthday ko kasi, sobrang saya naming lahat. At nakatulog na nga ako…

Kinabukasan ay naabutan kong nagluluto na ng mga pagkain sina manang. Niyakap ako ni mama at binati ako ng Happy Birthday. Hay, ang saya-saya. Fact: Tuwing December lang ata ako kumakain ng napaka daming karne at fatty foods. Nagluto si mama ng Lasagna, at si manang naman niluluto yung meatballs. I can’t wait na talaga.

Mga 11:30, dumating na sina Alex, Daphne at Darryl. Sabay-sabay pa sila. Nagkita-kita pala sila sa may school at sabay-sabay ng pumunta dito sa amin.

“Happy Birthday, Jino!” bati sa akin ni Daphne. Tapos nilagay nila yung gifts nila duon sa center table namin.

“Master, pagpasensyahan mo na yang regalo ko ha. Maliit” sabi niya. Yung regalo niya, parang nakalagay sa parang paper bag. Cute tignan kasi may kaliitan. May dala-dala ding cake si Darryl. Maya-mata, dumating na din si Diane.

“Jino!” tawag niya sa akin. Tapos ako naman lumapit.

“Happy Birthday” sabi niya sa akin. Tapos, bigla niya akong niyakap. Parang kinilig sina Alex at Daphne at inasar nila ako. Napatingin ako kay Darryl. Nagtataka lang ako, di siya nakikisali sa asaran. Seryoso siyang nakatingin sa amin. Bumitiw na sa pagkakayakap si Diane.

“May dala akong cake sa’yo Jino” sabi ni Diane, tapos nilapag niya yung cake. Tinabi niya sa cake na dala ni Darryl. Nung tinignan ko…parehas pala sila ng biniling cake. Parehas na coockies n’ cream ng Red Ribbon.

“Ay! Kaninong cake ‘to? Parehas kami!” sabi ni Diane.

“Sa akin.” sabi ni Darryl.

“Sorry, Darryl! Hindi ko sinasadya”

“No problem. Pwede namang itapon ni Jino yung akin.” sabi ni Darryl. Medyo natahimik saglit. Nabasag lang ang katahimikan nung tumawa si Daphne.

“Tara na guys, kantahan na natin si Jino ng makapag simula ng kumain!” sabi naman ni Daph. Ayun nga, kinantahan nila ako. Tapos, nag picturan at kumain na. Ang ingay nanaman namin habang kumakain. Si Darryl, medyo natatahimik pero madal-dal parin naman.

Umupo kami sa sofa at sinumalan naming kainin ang ginawa naming buko pandan salad.

“Ang sarap parin talaga, Daph” sabi ni Diane.

“Naku Daph baka itong sa akin nilagyan mo ng kung ano, ha” sabi naman ni Alex. Natawa kami.

“Oo! Lason!” sabi ni Daph, tapos binato niya ng throw pillow si Alex. Lalo kaming tumawa.

“Namiss ko ang buko pandan mo. Jino, this is your favorite salad, right?” sabi naman ni Diane. Ako naman, parang nawala nanaman sa sarili.

“Ah..oo” sabi ko naman.

“Darryl, we met before, but wala pa tayong parang bonding moment. This is our first time together” tanong ni Diane kay Darryl.

“Ye…yes…oo, ito nga ang first time” sabi ni Darryl, sabay subo nya ng buko pandan.

“Wait lang ha kukuha ako…” sabi ko. Tapos nung patayo na ako…

“Ako nalang!” sabi ni Diane, tapos tumayo siya at kinuha ako ng buko pandan duon sa lamesa. Nag-grin sa akin sina Alex at Daphne. Si Darryl, parang…iba. Ewan ko, di ko ma explain ang mukha niya.

“Here” sabi ni Diane nung inabot niya sa akin yung buko pandan.

“Kailangan kong bumawi sa’yo” sabi ni Diane, tapos nakangiti talaga siya sa akin.

“Uhm…Jino?” biglang singit naman ni Darryl.

“Bakit?”

“Kasi…sa January 10 na pala yung screening ng third year contestants” sabi niya sa akin.

“Ah talaga? Sige…handa na rin ako…” sabi ko nalang. Wala kasi akong masabi kay Darryl.

“Ay sasali ka sa Mr. and Ms. Junior & Senior? Congrats!” sabi ni Diane. Napangiti lang ako.

“Alam kong ikaw na ang mananalo diyan, kasi ikaw gwapo ka na, matalino pa” sabi naman ni Diane. Medyo awkward ang dating sa akin.

“Ka…kasali din si Darryl…” sabi ko naman. Natahimik ang lahat. Tapos, tumawa si Diane.

“Ah talaga? Good luck sa inyong dalawa” sabi niya.

Mga 3 ng hapon, umuwi na sila. Naging tahimik si Darryl nung kanalaunan, kaya nag text siya sa akin.

“Sorry master. Medyo ilang ata sa akin si Diane…”

Hindi ko nalang na replyan.

Mga 6 pm, dumating na sina mama at papa, kasama nila si Ate Hannah at boyfriend niya. At guess what, kumain ulit kami?

“Happy birthday little bro” sabi ni ate sa akin.

“Little? Ate, I’m 16.”

“Sus, kahit ano pang edad mo, you’re still my little brother.” sabi sa akin ni ate.

“Hay ate. Namiss kita. Nakakamiss yang mga hirit mo sa akin” sabi ko naman.

“Hoy Hannah, mukhang palagi kayong magkasama niyang boyfriend mo ha” sabi ni daddy. Nasa labas kasi yung BF ni ate. Nagyoyosi. Alam nilang ayaw ko sa nagyoyosi kaya lumabas muna yung BF ni ate. Wala kasing naninigarilyo sa bahay namin.

“Dad, ano ka ba naman? Wag ka ngang ganyan. Iniintindi ko naman ang studies ko eh” sabi ni ate, saka tumawa at niyakap si papa.

“Eh nagtatanong lang naman ako…” sabi ni papa.

Mga 8:30 pm, nasa baba pa ako. Nagbabasa ako ng libro ng biglang may kumatok sa may gate namin. Binuksan ni manang. Tapos pumasok na siya…may kasama siyang iba. Nung pumasok siya sa pinto.

“Jino, yung kaibigan mo bumalik” sabi ni manang sa akin. Tapos…si Darryl pala.

“Huy? Ano ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

“Pwede ka bang sumama sa akin tonight? Let’s celebrate your birthday together” aya niya sa akin.

 

Chapter 22

Muli akong ginulat ni Darryl sa kanyang pagbabalik. Gabi na, ah? Bakit ba siya bumalik? At inaaya niya akong lumabas. Hindi naman ako papayagan nila mama at papa. Pero sa totoo lang…gusto kong sumama.

“Uhm, Darryl kasi…gabi na oh. Hindi na ako papayagang lumabas nila mama” mahinahon kong sabi kay Darryl. Hindi nagsalita si Darryl, lumapit siya kina mama at papa. Pati na din kay ate Hannah.

“Jino, sino itong bago mong cute friend?” sabi ni ate Hannah, habang nakangiti.

“Si Darryl, schoolmate ko. Tutor niya ako. Darryl, yan si Ate Hannah” sabi ko naman. Nag hi si Darryl kay ate.

“Hi Darryl!” sabi ni ate Hannah. Todo ang ngiti niya. Parang walang boyfriend.

“Tita, tito…pwede ko po bang isama si Jino? Ngayong gabi lang po. Kahit sa bahay na po siya matulog, ayos lang po” sabi ni Darryl sa parents ko. Nagtinginan sina mama at papa.

“Saan ba kasi kayo pupunta? Gabi na kasi. Di ba pwedeng bukas nalang?” sabi ni papa.

“Hindi na po, kasi po ayoko nang ilabas si Jino bukas dahil po December 24 na. Ayaw ko naman pong abalahin pa ang celebration ninyong pamilya” sabi ni Darryl.

“Sabagay, tama ka naman. Pero bakit ngayong gabi? Saan ba talaga?” sabi naman ni mama.

“Uhm, malapit lang po sa may sa amin. Sorpresa ko po kasi kay Jino iyon. Huwag po kayong mag-alala ako po talaga ang bahala kay Jino. Kung hindi ko po siya naibalik bukas ng umaga, ipadampot niyo po ako sa pulis” sabi ni Darryl. Nagulat naman ako, pati sina mama.

“Naku hijo, huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Malaki naman ang tiwala namin sa iyo” sabi ni mama.

“Naku Darryl. First time magka night life niyang si Jino, kaya alam mo naman, kaya kami nitong mama niya eh medyo worried lang” sabi ni papa. Tahimik lang akong nakikinig. Medyo nakakailang na ang conversation nilang tatlo.

“Alam ko po iyon. Promise ko po sa inyo na ako po bahala diyan kay Jino” sabi naman ni Darryl.

“Eh Jino, gusto mo bang sumama?” sabi naman ni mama sa akin. Nakatingin sila lahat sa akin.

“O..o..opo. Gusto ko po” sabi ko naman. Kinakabahan kasi talaga ako.

“Sige na nga” sabi ni papa. Napangiti ako sa sinabi niya.

“Basta, Darryl ikaw na ang bahala sa kanya. Mga 9 am, pwede bang iuwi mo na siya dito” sabi ni mama.

“Opo. Sige po 9 am or earlier, iuuwi ko po siya sa inyo” sabi naman ni Darryl. Si mama at papa naman, parang babae ang anak nila. Masyadong mahigpit. Mas nakakailang tuloy.

Nagbihis na ako at nagdala ng extra shirt. Tapos binilinan ako nila mama at papa ng madaming madami. Pero ayos lang naman, mahinahon naman sila. Then sabi nila mag text or tumawag ako kung sakali man. At hayun na nga, lumabas na kami at sumakay sa kotse ni Darryl. Ewan ko ba, pero parang mabilis nanaman ang pagtibok ni heart. Kinakabahan ako na ewan. Ano ba yan.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko kay Darryl.

“Saan? Punta tayo sa bar! Bar tayo ngayon!” sabi ni Darryl. Ako naman, parang nag freak out sa loob ng kotse niya.

“BAR?! ANONG GAGAWIN NATIN DUON? Darryl, ano ka ba papagalitan ako! Hindi ako umiinom!” sabi ko naman sa kanya. Gulat na gulat tuloy ako.

“I want your 16th birthday to be so memorable! Hindi mo naman kailangang uminom eh. Gusto ko lang ma experience mo kung ano bang feeling nang nasa loob ng bar!” sabi naman ni Darryl. Medyo naiinis ako pero curious din ako kung ano ba ang feeling sa loob ng bar.

“Bahala ka ha! Basta ako hindi ako iinom” sabi ko sa kanya. Ang sinabi ko, sinabi ko.

“Sige ba. Basta, pag anduon ka, enjoy ka lang!” sabi naman ni Darryl sa akin. Tahimik nalang ako at kinakabahan.
At ayun na nga. Nakarating na kami sa bar na pupuntahan namin. Platinum Planet ang pangalan nung bar. Ang weird naman. Napansin ko ang daming kabataan ang nasa may labas. Rinig ko na ang malakas na techno music habang papasok palang kami ng glass door.

“Darryl, do we really have to do this?” sabi ko sa kanya. Tapos, hiwakan nya ang kamay ko.

“Andito na tayo, kaya enjoy ka nalang” sabi naman sa akin ni Darryl. Medyo sumisigaw na siya kasi malakas na ang music.

Pagpasok ko sa loob. Ang ingay! Ang daming tao! Ang USOK! Yuck! Nakakainis. Pero ang daming ilaw sa loob. Medyo nakakahilo. May mga nagsasayawan sa may bandang gitna. Tapos ang daming amoy alak na. Umupo kami duon sa table na malapit sa bar.

“Yohoooo!” sabi ni Darryl. Ako naman, tahimik lang at nagmamasid.

“Tara, sayaw tayo!” pasigaw na sabi sa akin Darryl.

“Ayoko! Ikaw nalang!” sabi ko naman.

“Sir! Isa ngang Martini diyan” sabi ni Darryl sa bartender. Binigyan siya, tapos mga 3 inom lang niya, ubos kaagad. Nagulat ako sa kanya.

“Hinay hinay lang!” sabi ko sa kanya.

“Don’t worry master, malakas ata ito!” sabi naman ni Darryl. Tapos umalis siya sa upuan at nakipagsayawan sa ibang tao.

Nung bumalik si Darryl sa table namin, ang dami niyang inorder na drinks. Meron pa yung parang sinisindihan sa bunganga na drink. Tapos meron nung Long Island Iced tea at Vodka with Rocks daw ang tawag duon. Ako naman, tama na ang Shirley Temple.

Dumaan ang maraming oras…at nalasing na nga si Darryl.

“Jino! Jino! Bakit ba ayaw mong uminom? Ano ka, bata? ha ha ha ha” sabi ni Darryl. Pulang pula na siya, tapos medyo naniningkit na ang mata nya. Tapos nag she-shake na yung ulo niya.

“Darryl, sabi mo kaya mo? Bakit lasing ka na?” sabi ko sa kanya.

“Me? Lasing? Master! Di ako nalalasing! Ano ka ba! Wala tong mga alak na to!” sabi ni Darryl sa akin.

“Ang loser naman nyang friend mo!” sigaw nung isang random stranger duon. Tumayo si Darryl, medyo shaky na talaga siya. Ako naman, naka alalay sa kanya.

“Anong gusto mong mangyari! Ano, square tayo?” hamon ni Darryl. Ako naman natakot kasi akmang susugod yung lalake.

“Darryl, ano ba! Sorry. Lasing lang talaga siya. Pasensya na, lalabas na kami” sabi ko naman. Tapos inakay ko na si Darryl palabas.

“Hoy! Bakit tayo aalis? Babanatan ko pa yang mga yan eh…” sabi niya sa akin. Tapos ayon inilabas ko na siya.

“Jino…Jino..Jino…bakit ka ba ganyan Jino?” sabi sa kin ni Darryl habang naglalakad kami papunta sa kotse nya. Nakaakbay siya sa akin. Para siyang zombie sa sobrang kalasingan. Amoy liquor talaga siya. Sobra. At ang pula pula na niya.

“Darryl, bukas, mag usap tayo kapag okay ka na–” sabi ko. Nagulat ako dahil muntik nang matumba si Darryl.

“Mag ingat ka nga! Nakakainis ka naman eh. Bakit kasi pumunta pa tayo dito!” sabi ko. Still, akay akay ko si Darryl.

“Gusto ko kasing mapasaya ka. Ano ba ka ba naman? Ang talitalino mo tapos di mo naisip yung rason na yon? Hay, sabi nga nila may dumb side din ang mga matatalinong kagaya mo” sabi ni Darryl sa akin.

“Masaya naman ako ha? At sa tingin mo ba masaya ako ngayon sa sitwasyon mo? Hay nako” sabi ko sa kanya. Tapos malapit na kami duon sa car niya. Huminto na kami. Nakatingin sa akin si Darryl. Ako rin tumingin sa kanya. For the first time, I looked at his eyes. Diretso.

“So…ano yan? Concerned ka?” sabi naman niya sa akin. Muling kumabog si heart. Ako naman nagulat.

“O..oo naman! Syempre…” sabi ko. Tapos napasandal kami duon sa car niya. Then biglang siya na ang umakbay sa akin at mas dinikit niya ang mukha ko sa mukha niya. Mas lalong kumabog ang puso ko.

“So…ano yun? Love mo ko?” sabi naman ni Darryl. Nagulat ako, pero kalma parin. Darryl is drunk. So apparently, hindi niya alam ang mga pinag sasabi niya.

“Oo. Love kita Darryl” sabi ko. Sinakyan ko nalang ang joke niya…

Until I didn’t expect yung sunod niyang ginawa sa akin.

Darryl starts to kiss me. On my lips. As in intense. Nakakagulat naman siya! Hindi ako nakapag react. Ang lamig ng bibig niya. Naghahalo na yung liquor na ininom niya habang hinahalikan niya ako. Nalalasahan ko na yun. Nung naka gather na ako ng sarili ko for about 15 seconds, naitulak ko siya at sinuntok ko siya sa mukha.

“God damn it! Ano ba yang ginagawa mo? Are you out for your freakin’ mind, Darryl Alfonso?” sabi ko sa kanya. Sobrang nagagalit ako dahil nagulat ako sa ginawa niya. Napaupo si Darryl at napatalikod sa akin. Maya-maya, dahan dahan siyang tumayo at lumingon sa akin. Seryoso na ang mukha niya. Medyo may dugo siya sa bibig dahil na siguro sa suntok ko. Sa kaliwang pisngi ko siya nasuntok.

“I maybe drunk, Jino, pero alam ko parin ang ginagawa ko” sabi ni Darryl sa akin.

“Yeah right, good joke Darryl” sabi ko sa kanya. Galit ang tono ko.
“I love you, Jino” sabi niya sa akin. Seryoso ang mukha niya. Hindi ako nakapag salita. Feeling ko namamanhid ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Ano ito?

“Yeah? Talaga? Wow, excellent. You just WOWED me, Darryl. Ang galing mong mag-joke. Nakakatawa sana eh, kaso…iba yan eh. You’re saying I love you to what? To another guy! What the hell?! Okay, tama na…you’re funny na. Okay? Now, let’s go home” sabi ko. Ninenerbyos talaga ako. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi ko na talaga kinakaya.

“Bakit ba lahat nalang ba, biro? Hindi mo pa ba nare-realize ang lahat? I study hard because of you, I quit smoking because of you, I cut classes because of you, nung nagkasakit ka! Dahil sayo kaya ako naging masaya, kaya lagi akong nakangiti! And I even pretend na may quiz ako sa Physics nuon para lang makasama ka the whole night!” sabi niya sa akin. Sumisigaw na siya.

Kami lang dalawa ang tao duon sa pinagparkingan namin. Hindi ako nagsasalita. Speechless talaga ako. Namamanhid din ako.

“I did all of those because of you Jino, then sasabihin mo ngayon na nagbibiro ako ngayon sa sinasabi kong mahal kita? Ha? Binago mo buhay ko. Nagpapasalamat ako sa’yo. I love you Jino…sana naman…sana naman maniwala ka sa akin…” sabi niya, then he started to breakdown and cry. Sobrang humagulgol siya. Then finally, nakagalaw ako. Niyakap ko si Darryl nang mahigpit. Naluluha na din ako.

“Darryl, please, stop crying…please…” sabi ko habang niyayakap ko siya. Mas lalong tumibok ang puso ko. I can feel his sincerity…I can feel na…na…

Darryl really loves me. And I feel the same way, too.

I called his driver at sinabi kong lasing si Darryl. Dumating siya around 1:45 AM. Nanduon lang kami ni Darryl sa backseat ng car niya, magkatabi sa buong byahe. Nakatulog siya sa balikat ko.

Nung dumating kami sa bahay nila ng mga 2:20, medyo okay na si Darryl. Sabay kaming umakyat papunta sa kwarto niya. Ang laki pala ng bahay nila. Pero parang siya lang ang tao duon.

“Jino…” sabi ni Darryl. Parehas kaming nakaupo sa kama niya. Siya nasa left side, ako naman nasa right side.

“Darryl…alam mo ba?” sabi ko, then nilingon ko siya. I looked at him…straight to his eyes.

“I…I…I also feel the same about you…” sabi ko sa kanya. Then what happened next?

We kissed passionately. Grabe, ang init ng pakiramdam ko. Pero I loved it. Ang tagal namin nag kiss, hanggang sa nakahiga na kami sa kama. Slowly, he took my clothes off, and I did the same thing on him…and then he kissed me more and more intense…he hugged me tight at bumulong siya sa akin…

“I’m doing this because I love you”

So ayun, he started to kiss me from my chest, down to my belly and then…he raised my feet and once again, he kissed me…

And we did it…it was a bit painful, actually. Naluha nga ako eh. Pero okay lang sa akin yun, cause we both loved each other…so much…

***
Chapter 23

That moment was very intense. Grabe ang pawis ko at kaba ko. I can’t describe the experience: it’s breathtaking, mixed with fear, excitement and…and joy. I guess these lines from Vanessa Carlton’s White Houses perfectly describes my feelings:

My first time, hard to explain
Rush of blood, oh, and a little bit of pain
On a cloudy day, it’s more common than you think

After that, he hugged me tight. I can feel his hearbeat. Ang bilis.

After 30 minutes or so, nakahiga lang ako sa left side nung bed, still naked. Naka blanket lang kami kasi medyo malamig because of the aircon. Tahimik lang ako. Nakaharap ako duon sa bintana nila, nakatilikod ako kay Darryl na nakatulog na ata. Ang dami kong iniisip. Parang may sumasanggi sa isip ko. I have this feeling rin kasi eh. Sadness? No. Happiness? I guess, but…Guilt? Uhm…maybe? Nawala ang mga iniisip niyan nung bigla akong niyakap ni Darryl…

“Akala ko tulog ka na?” sabi ko sa kanya.

“Hindi ako makatulog eh…” sabi niya, tapos mas niyakap pa niya ako ng mahigpit.

“Darryl…” sabi ko. May itatanong kasi ako sa kanya.

“Ano yun?” sagot naman niya. Nakayakap parin siya sa akin. Hindi ko pa siya hinaharap. Nakatalikod parin ako sa kanya.

“Bakit ako?” tanong ko sa kanya.

“Matagal na kitang gustong makilala. Simula nung bumalik ako sa school last year, nakikita na kita. Tapos sikat ka pa school dahil ikaw nga ang bet na maging Valedictorian. I really admire you…and nung nagkabonding tayo, I realized that…that…I liked you and I want to be with you…” sabi niya sa akin. Natahimik ako sandali. Tapos ayun, humarap na ako sa kanya.

“Baka naman hindi ka pa sigurado diyan sa nararamdaman mo…” sabi ko naman.

“Gagawin ko ba sa’yo ‘to kung hindi ako sigurado? Totoo ito, Jino” sabi naman sa akin ni Darryl, tapos hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit.

“I didn’t know that…” sabi ko, pero di ko natapos. Di ko masabi.

“That I’m gay?” sagot naman niya. Tapos tumango nalang ako. Natawa siya.

“Magaling lang akong mag tago. Pero kung nagtanong ka, sasagutin ko naman.” paliwanag niya.

“Pero alam mo…” dugtong nya.

“Ano?”

“Ikaw ang unang guy na minahal ko…” sabi niya sa akin. Natahimik ako. Nakakaflatter deep inside.

“Thanks…” sabi ko. Then ngumiti ako. Then he kissed me on my forehead at hinaplos niya ang mukha ko.

“Ako din naman. Believe me, this is my first time to fall for a guy. Dati naman wala, puro girls lang. Pero nung nakilala kita, nagbago ang lahat…” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya. Then, bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin. Then humiga siya ng maayos at inilagay niya yung kamay niya sa ilalim ng ulo niya.

“Bakit nga pala parang wala ang parents mo?” tanong ko sa kanya. Natahimik siya sandali, tapos nagkwento na siya.

“You really want to know the truth about my parents? Hay, palagi naman silang wala dito. Travel sila ng travel, tapos pag andito sila, away sila ng away. Nag start yun nung First year high school ako. Yung dad ko, nagpaalam sa amin na pupunta lang ng China for a business trip. Ayun, di na bumalik! Kaya naiwan kami ni mommy dito. Vacation nun eh after ng first year. Tapos ayun si mommy, alis parin ng alis. Umikot na ang buhay nya sa pag bi-business trip niya. Ngayon, ewan ko kung kailan babalik yun…wala na rin akong pakialam masyado” kwento ni Darryl sa akin.

“Sorry ha. Ganun pala ang nangyari” sabi ko naman. Natawa siya sa akin.

“Huwag ka ngang mag-sorry! Ako nga, di nag sosorry sa sarili ko. Malungkot nuon, yes, pero life goes on. Parte na ng history ng buhay ko yun. Madali naman akong makalimot eh” sabi nya, habang nakangiti.

***
Di ko alam kung anong oras pero nakatulog din pala ako. Nagkwentuhan pa kami ni Darryl ng kaunti then nakatulog na rin kami. Di ko alam kung anong oras nuon. Mga 7:30 na nung gumising kami. Naligo na ako, pati rin si Darryl. Then umalis na kami para ihatid ako sa bahay.

Mga 8:30 AM kami nakarating sa bahay. Nagulat sila mama kasi ang aga ko daw.

“Oh? Jino. Andito ka na pala kaagad” sabi naman sa akin ni mama.

“Hi ma…si daddy?” tanong ko kay mama. Medyo napapayuko ako.

“Pumasok na…oh, bakit parang mamumutla ka?” tanong naman sa akin ni mama. Hindi ko yun alam ah, pero parang di ako makatingin sa kanya.

“Wala po ma. Medyo puyat lang…nag…nag DVD marathon kasi kami ni Darryl sa bahay nila” sabi ko. Ang hirap naman.
“Ah ganun ba. Puyat ka siguro. Si Darryl ba’t di mo pinapasok?” tanong sa akin ni mama.

“Ah kailangan daw niyang umuwi sa kanila…masakit kasi ang ulo niya eh” sabi ko. Masakit pa daw nga talaga ang ulo niya, may hang over pa daw kasi siya. Ganun pala yun?

“Ganun ba. Sige, umakyat ka muna at magpahinga” sabi ni mama. Ganun nga ang ginawa ko. Umakyat na ako.

Pagbukas ko ng kwarto ay humiga ako kaagad. Di kasi kumpleto ang tulog ko. Grabe, hindi ko matignan ng diretso si mama sa mata. May ginawa kasi ako kagabing tsak kong hindi niya magugustuhan. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya…that his son lost his virginity after his 16th birthday…to a guy. Masasaktan siya ng husto. Lalo naman siguro si daddy. Baka magalit siya ng husto sa akin. Baka di niya mapigilan at mabugbog niya ako. Marapat lang na hindi ko sabihin sa kanya. Ang hirap. Sobrang hirap nitong sitwasyong ito na pinasok ko. Pero kailangan kong panindian…nagawa na namin eh. And besides, I love Darryl so much…kaya ko namang itago ito eh. Pero hindi sa mga friends ko…especially Daphne and Alex. Pero mahirap pang mag open kay Alex, tsaka na kapag may lakas ng loob na ako. Kay Daphne, okay pa. Sige, sasabihin ko kay Daph.

Since medyo malapit lang sina Daphne sa amin, nagkita kami sa isang mall.

“Daph…sorry kung pinapunta kita ha. Ang dami pa namang tao ngayon” sabi ko sa kanya, medyo ninenerbyos ako.

“Buti alam mo. Joke lang. Ikaw talaga. Bakit ba? What’s with the rush?” tanong sa akin ni Daphne. Grabe, nanginginig ako, at kabang kaba. Ang mata ko, parang maluluha na ewan. Basta, kaya ko ito…

“Daph…naalala mo yung nasabi ko sa’yo na parang…parang in love ako?” sabi ko kay Daph. Kaya mo yan, Jino! Di nagsalita si Daph. Tumango lang.

“A..a…alam mo kasi…si..si…si..” sabi ko. Hay!

“Si…?” sabi niya. Pumikit nalang ako at huminga ng malalim.

“Si Darryl kasi yun eh. In love ako…kay Darryl” sabi ko. Nung pagbukas ko ng mata ko. Walang reaksyon si Daph. Then nag grin siya at ng chuckle. Tinapik niya ako sa balikat.

“Alam mo Jino, di na ako nagulat” sabi sa akin ni Daphne. Tumawa siya ng tumawa.

“Daphne, seryoso ka ba?” sabi ko naman. Nagulat kasi ako sa kanya.

“Asus, alam ko namang nagkakagusto ka na sa kanya, dati pa. Ikaw talaga, best friend nga kita. Kilalang kilala na kita, Jino” sabi niya sa akin. Napangiti nalang ako.

“May isa pa Daphne…kami na rin kasi eh…yata…” sabi ko sa kanya. Lalo siyang tumawa.

“Aba feeling ka! Ba’t mo naman nasabi? Aber nga?” sabi naman nya.

“Kasi…kasi…may…may nangyari na sa amin kagabi eh” sabi ko. Tumigil sa pagtawa si Daphne. Mukhang duon siya talagang nagulat.

“No way” sabi niya. Then her jaw drops. Oh no. Masyado ko atang na enjoy ang pag oopen kay Daphne.

Chapter 24

Nagulat din ako dahil sa mga pinagsasabi ko kay Daphne. Magkatitigan kami, hindi kami parehas nagsasalita. Feeling ko kinukuryente ako, grabe! Maya-maya, nagsalita na rin si Daph.

“I can’t believe it!” sabi ni Daphne sa akin.

“Me too! I…I did not expect na papayag ako…basta…basta nangyari nalang siya!” sabi ko kay Daph. Medyo gumigilid na yung pawis ko.

“Jino, bakit pinagpapawisan ka?”

“Eh kinakabahan ako sa’yo eh!” sabi ko kay Daph. Sobra talaga ang kaba ko sa dibdib.

“Bakit ka naman kinakabahan sa akin? I’m your friend, right?” sabi sa akin ni Daph, tapos ngumiti siya, pero awkward ang smile niya.

“Eh…eh kasi…unusual kasi itong shineshare ko sa’yo…” sabi ko tapos napayuko ako. Then tumawa si Daphne sa akin, tapos tumingin ako ulit sa kanya.

“Alam mo, kaibigan kita. Kahit ano ka pa, tatanggapin kita” sabi sa akin ni Daphne tapos nakangiti pa siya. Ako naman, nag chuckle, pero nahihiya talaga ako sa kanya.

“Sorry, Daph…” sabi ko.

“Don’t say sorry to me, because you’re just being yourself. It’s not your fault, and there’s nothing wrong with it” sabi ni Daph, tapos nginitian niya ako. Maya-maya, niyakap ko si Daph. Gusto kong maiyak kaso madaming tao. Dun ko napatunayan na Daph is really a true friend to me. Natanggap niya kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Maya-maya, bumitiw na ako sa pagyakap sa kanya.

“Thank you talaga Daph. Pero seriously, I don’t know, hindi ko alam kung…kung ano ba talaga kung ano ako” sabi ko naman.

“Talaga? After na may mangyari sa inyo?” sagot naman ni Daph.

“It’s really hard to explain…I don’t know” sabi ko naman.

“Ikaw lang ang makakasagot niyan, Jino. Sa ngayon, I-enjoy mo nalang muna yan…mukha naman kasing nageenjoy ka eh!” sabi naman ni Daphne tapos tumawa nanaman siya. Ako din, natawa.

“In fairness, malandi ka rin pala!” sabi ulit ni Daph at lalo pang lumakas ang tawa niya.

“Baliw ka!” sabi ko naman, tawa din ako ng tawa.

“Naunahan mo pa ako! Anyway, may balak ka bang sabihin kay Alex?” tanong sa akin ni Daph.

“Yun nga rin eh, gusto ko talagang sabihin kay Alex. Syempre, ikaw at si Alex lang naman ang mga best friends ko. Sasabihin ko din sa kanya, pag buo na ang loob ko. Syempre, iba si Alex. Lalake kasi yun” paliwanag ko kay Daph.

“Hay, kaya mo yan. Anyway…pano…pano si Diane?” tanong sa akin ni Daph. Natahimik ako saglit. Si Diane. Oo nga, siya. Paano siya? Matatanggap kaya niya ako?

“Hindi ko din alam, Daph.” sabi ko sa kanya. Natahimik nalang kami at nag isip.

***

Pagkauwi ko, nagtext sa akin si Darryl.

“Master, can I call you? IMY…” sabi niya sa akin. Then I replied “Yes”.

Maya-maya, tumawag na siya.

“Hello?” sabi ko.

“Hi Master…”

“Oh, Darryl…”

“Wala lang. I miss you…”

Natawa naman ako.

“I miss you too…” sabi ko. Ano ba yan.

“Kumain ka na, master?” tanong niya sa akin.

“Oo. Kumain kami ni Daph kanina…”

“Ganun po ba, master. Nagtatanong lang po…concerned lang” sabi niya, then tumawa siya.

“Thanks…ano gagawin mo mamaya sa noche buena?”

“Wala. Matutulog po. Ha ha ha”

“Talaga? Gusto mo, punta ka dito?” aya ko sa kanya.

“Wag nalang, master. Ang noche buena, cinecelebrate ng pamilya. Besides, sanay na akong di nagcecelebrate ng ganyan, so I’m okay…don’t worry” paliwanag niya sa akin. Ang lungkot naman nun.

“Sige…ikaw bahala” sabi ko naman.

“Asus, master miss mo lang ako eh…”

“Huy, hindi ha…”

“Sobrang miss lang?” sabi naman niya. Tumawa naman ako ng malakas.

“Ewan ko sa’yo”

“Labas naman tayo minsan…”

“Labas? Eh lagi naman tayong magkasama eh”

“Let’s go out as…as…you know” sabi niya. Gets ko yung sinasabi niya…pero…

“As ano?”

“Alam mo na yun…” sabi naman niya.

“Ewan. Sige na, may gagamit pa nitong phone. Bye na” sabi ko naman.

“Sige…bye master…love you” sabi naman niya. Di ako nakasagot, kasi di ko alam ang isasagot ko. I just…hung up.

Ang bilis ng oras. 12 midnight na pala? Yehey! Kainan na. Ang dami naming handa: Carbonara, Fried Chicken, Kanin, Hotdog, Prutas, Buko Pandan (natira sa party ko) and Cake! Ang sarap talaga. Grabe, kakain talaga ako. Ang saya namin nila mama, papa, ate Hannah at ni manang. Walang humpay na kwentuhan at hagalpakan nanaman kami. Ang saya talaga ng pamilya namin. Kahit kailan, di ko sila ipagpapalit. Mga 2:00 am, natulog na kami…

Kinabukasan, nagising ako mga 10:00 AM na. Merry Christmas! Pasko talaga ang isa mga pinaka favorites kong araw. Sobrang saya ko kapag pasko (lahat naman ata eh). Nung bumaba ako, may nakita akong isang basket na ang daming chocolate sa lamesa. Tapos katabi nun, may isang libro. Alamat ng Gubat yung title. Nilapitan ko yung gifts.

“Ma? Kanino to?” tanong ko naman.

“Sayo yan. Galing kay Darryl” sabi naman ni mama. Nagulat naman ako. Ang dami nito!

“Nasa ilalim ng Christmas Tree yung gifts nila Daphne at Alex. Yan kasi ang pinakamalaki kaya di ko na nilagay duon” sabi ni mommy.

Tinignan ko yung nakalagay na letter. Ang sabi…

“Dear Master,

Kasing sweet mo ‘tong mga to. LOL

Darryl”

Ang sabi ko nalang sa sarili ko…buti hindi ito nabasa nila mama at papa.

Chapter 25

“Ang dami naman nyang chocolates mong yan…pahingi ako ng isa” sabi sa akin ni mama, tapos tila kukuha na siya duon sa basket.

“Ma, akin ito lahat no” sabi ko naman sabay hawi sa kamay ni mama. Natawa si mama sa akin.

“Ikaw ha, akala ko ba ayaw mo sa mga chocolates? Akala ko ba di ka masyado diyan? Nag iba ka ata ngayon, Jino!” sabi sa akin ni mama, natatawa talaga siya sa akin.

“Eh…masarap ‘to eh. Sige na iaakyat ko na ‘to” sabi ko kay mama tapos inakyat ko na yung regalo ni Darryl sa akin. Grabe naman siya, ang dami-dami nitong chocolates na ‘to, di ko ‘to kayang ubusin. Kaso, bigay niya sa akin ‘to so dapat, akin lang. Selfish ba? Hindi rin. Basta, ganun yun.

Masaya naman ang pasko namin. Nagpunta pala dito yung mga pinsan kong bata, as usual namamasko sila sa amin. Nakipag laro ako sa kanila. Hay, sarap maging bata ano? Tapos andito din yung mga pinsan ko na ka-edad ko. Kwentuhan din kami lahat. Nasa sala kami ngayon, tapos anduon kami kasama ko yung pinsan kong lalake na ka-edad ko, si Ryan tapos si Tito Freddie, Mommy, Daddy, Ate Hannah, mga batang pinsan ko at dalawa ko pang tita.

“Ang laki-laki na talaga nitong si Jino. Balita ko, running for Valedictorian iyan, katulad ng ate niya!” sabi naman ni Tito Freddie. Natawa nalang ako at medyo nahiya.

“Syempre naman, mana ata yan sa daddy at mommy niya” pagmamalaki naman ni papa sa akin. Hay, si papa talaga. Nahihiya na ako. Inayos ko nalang ang salamin ko, kasi di ko talaga alam ang ire-react ko.

“Naku, yang si Jino, mas matalino talaga sa akin yan. Kaso, sobrang mahiyain!” singit naman ni Ate Hannah.

“Jino, sino ba nililigawan mo ngayon?” tanong sa akin nung isa kong tita, si Tita Alice. Napatingin ako sa kanya. Tila sila’y naghihintay sa sa aking sagot. Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni tita.

“Uhm…” sabi ko.

“Wala pang nililigawan yan. Syempre, bago magka girlfriend yan, eh magtatapos muna nang pag-aaral yan, tsaka na yang relationship-relationship na yan” sabi naman ni mama. Lalo akong yumuko.

“Eh ako nga tita, naka dalawang girlfriend na ako” singit naman ni Ryan. Natawa kami lahat.

“Basta. Jino, ikaw ha. Baka mamaya mabalitaan ko may girlfriend ka na. Magtapos ka muna ng pag-aaral mo” sabi naman sa akin ni papa. Napangiti nalang ako. Sobrang awkward na ng feeling ko.

“Sige po, aakyat lang ako sandali” sabi ko, tapos umalis na ako at umakyat na sa kwarto ko.

Pag-akyat ko sa kwarto, parang hindi ako makahinga. Parang nahihiya talaga ako. Ewan ko ba, feeling ko nasusuka ako, tapos pinagpapawisan pa ako ng malamig. Sobrang awkward talaga, lalo na’t narinig ko ang mga comment nila about sa akin. Paano kaya kung malaman nila ang mga pinag-gagagawa ko ngayon? Tsak, mag iiba ang tingin sa akin ng mga kapamilya ko. Lalo na ang parents ko na sobrang taas nang expectations sa akin. Iniisip ko ang lahat na yan habang naka sandal ako sa pinto ng kwarto ko. Nakatulala lang ako duon, nag iisip ng lahat ng bagay. Maya-maya, nag ring ang cellphone ko. Tumatawag pala si Darryl.

“Hello?” sabi ko.

“Hi master ko. Merry Christmas” sabi ni Darryl. Napangiti ako.

“Merry Christmas too…”

“Sa 27, nuod tayo ng Sine. Film fest”

“Ha? Baka kasi hindi ako payagan nila mama. Saka–” di ko na natapos ang sasabihin ko.

“Wag kang mag-alala. Ililibre naman kita eh” sabi niya sa akin.

***

Ang bilis ng araw. 27 na pala? Parang kahapon lang 26 ah. Wala namang masyadong nangyari nung 26. Kwentuhan with cousins, nuod ng DVD, computer, konting aral (Jino, vacation naman diba?) and then bonding with family at kain na rin.

Nagpunta ako sa may sinehan. Naka jacket na red ako tapos t-shirt na kulay yellow. Inaantay ko si Darryl duon. Maya-maya dumating na siya. Naka black na t-shirt siya tapos grey na skinny jeans. Ang ganda ng ayos ng buhok niya. In short, sobrang gwapo niya ngayong araw na ‘to.

“Kanina ka pa?” tanong niya sa akin. Ang bango niya. Amoy Lacoste Pour Homme, yung pabango na regalo sa akin dati ni ate Hannah.

“Hindi…hindi naman. Tara na, may ticket na ako” sabi ko naman. Tapos sabay na kami pumasok sa sinehan. Nung papasok na sa may madilim na daanan, hinawakan niya yung kamay ko. Gusto kong bumitiw, kaso baka kung ano ang isipin niya.

Medyo nag umpisa na yung movie. Opening credits na. Magkatabi kami sa may bandang unahan. Konti lang ang tao sa pwesto naming iyon. Ang next nang nakaupo eh 6 seats apart from us. Pero sa bandang taas, ang daming tao. Sa isle kasi kami nakaupo. Romance yung pinanuod naming movie. Ang awkward nga eh.

Tapos maya-maya, mga 40 minutes na ng movie or so, bigla siyang umakbay sa akin.

“Darryl…baka may makakita sa atin dito” bulong ko sa kanya.

“Eh ano naman?” sagot niya sa akin.

“Baka kasi may makakita nga” sabi ko sa kanya. Di tinanggal ni Darryl ang pagkaka-akbay niya. Sumandal pa siya sa balikat ko. Ano ba yan, hindi nalang ako nag react.

Nung natapos ang movie, lumabas na kami ng sinehan (malamang, diba?).

“Maganda ba yung movie, master?” tanong niya sa akin.

“Ayos lang.” sabi ko naman.

“Tara, kain na tayo” sabi naman ni Darryl sa akin. Sumunod nalang ako sa kanya.

***
Sa may labas na table kami ng restaurant kumain. Nilibre niya ako, since sinagot ko ang pang sine.

“Master, ito nalang ang ililibre ko sayo ha. Pasensya na kasi na-late ako” sabi niya sa akin.

“Ayos lang yun. Thanks ha” sabi ko sa kanya. Then, an unexpected visitor came.

“Jino!” sabi sa akin ng isang babae. Pagtingin ko, si Diane pala.

“Uy, Diane?! Andito ka pala” sabi ko, tapos napatayo ako.

“Hello. Sabi na eh, ikaw ang nakita ko sa may harap ng sinehan kanina eh” sabi sa akin ni Diane, tapos tumingin siya kay Darryl. Si Darryl din ay nakatingin sa kanya, mukhang nagulat.

“Hi Darryl!” sabi ni Diane. Ngumiti lang si Darryl.

“Wow, mukhang todo bonding kayo ha” sabi sa akin Diane, still smiling. Nagchuckle nalang ako. Ang awkward talaga, as in.

“Ikaw Diane, sino kasama mo?” tanong ko sa kanya.

“Some friends…Jino, can I talk to you personally?” sabi sa akin ni Diane, naka smile parin siya.

“Sige…sure…wait lang Darryl ha” sabi ko. Tumango lang si Darryl habang nakatingin sa akin. Tapos naglakad na kami ni Diane.

***

“Ang hangin dito, no? Sa States, kapag Christmas, sobrang white at di ako makalabas ng bahay madalas. Kasi nag fe-freeze yung pinto namin” sabi niya, tapos tumawa siya. Ako naman napangiti lang.

“Miss mo na ba ang states?” sabi ko naman.

“Hindi masyado…mas namiss ko ang Pinas…kayo…ikaw” sabi niya, tapos tumingin siya sa akin. Ako din napatingin. Bumilis na naman ang tibok ni heart…hay!”
“You know…I’ve seen you inside the theater…with Darryl” sabi niya, in a very serious tone. Oh my God.

Chapter 26

Nagkatitigan kami ni Diane. Hindi ako makasagot, medyo naninigas ang panga ko, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko.

“Wha…wha…what do you mean?” tanong ko sa kanya. Finally, nakapag salita na rin ako.

“Kayong dalawa…parehas kasi tayo ng pinanuod na movie” sabi ni Diane sa akin. Mukha parin siyang kalmado. Samanatalang ako, parang umiikot na ang sikmura ko sa kaba.

“Oh…anong meron dun?” tanong ko naman.

“Well, di ba nga nakita kita sa labas ng sinehan? Ayun, akala ko nagaantay ka lang dun. Tatawagin sana kita kaso papasok na kami nung mga friends ko. Then accidentally, duon ka umupo sa unahan ng line kung saan kami nakaupo…no, not you lang pala. You’re with another guy…Darryl” sabi niya. Tahimik lang akong nakikinig. Kinakabahan talaga ako kay Diane.

“So anyway, the movie started na kasi so hindi na kita tinawag. So nung medyo katagalan, napapatingin ako sa inyo…” dugtong niya, then bigla siyang tumingin sa akin. Parang curious siya na sobra.

“Both of you…you look…sweet together” sabi niya sa akin. Napalunok ako sa sobrang kaba.

“Jino, is there something going on? May dapat ba akong malaman? May…dapat ka bang sabihin sa akin?” tanong sa akin ni Diane, nakatingin parin siya sa akin.

“Wha…what do you want to know?” sabi ko sa kanya. Shaky na ang hands ko.

“The truth” sabi lang niya sa akin.

“Anong truth ba ang hinahanap mo?” sabi ko, medyo tumaas na ang tono ko. Tumitig lang si Diane sa akin.

“Sorry.” sabi ko. Medyo pasigaw na kasi yun. Tumingin palayo si Diane. Grabe, tensyon na tensyon ako. Ang lakas ng hangin. Medyo makapal na pala ang buhok ko. Hinahangin na kasi. Kailangan ko nang magpagupit. Pero kinakabahan talaga ako dito kay Diane, di ko mabasa ang utak niya.

“You know, I have doubts ever since Darryl came to your birthday. Since bagong face lang siya at kakikilala ko palang, inobserve ko ang mga kilos niya. Pansin ko lang na lagi siyang tumitingin sa’yo, and bantay niya lagi ang kinikilos mo…wow, Jino, that must be something” sabi sa akin ni Diane, di parin nagbabago ang reaksyon ng mukha niya. Parang may itinatago siya.

“And…and, ano naman ang iniisip mo sa amin ni Darryl?” tanong ko sa kanya.

“Jino…mag boyfriend ba kayo ni Darryl?” diretsang tanong sa akin ni Diane, tapos nilingon na niya ako. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam ang isasagot ko.

“Bakit mo nasabi yan?” tanong ko. Para akong sira. Tanong ako ng tanong.

“Come on, Jino. Ang dami ko nang naobserbahan. Don’t lie to me” sabi niya sa akin. Medyo nagpanting ang tenga ko.

“I’m not lying to you!” sabi ko sa kanya, nasigawan ko siya.

“Yes you are! Napaka defensive mo! Look at yourself Jino” sabi niya, galit na rin ata siya. Uminit na ang ulo ko kay Diane.

“What makes you think that we’re having a special relationship? Wow, United States have done wonders to your head Diane. Ganyan ka na ba? You’re too malicious!” sabi ko sa kanya, ang taas na ng tono naming dalawa.

“I’m not malicious, I’m just explaining those things na nakikita ko, at nararamdaman ko. And I’m just asking you, ang dami mo nang sinasabi” sabi niya sa akin. Ang lakas ng kabog nang dibdib ko. Hindi dahil sa kilig, kaba o ano pa man. Naiinis ako kay Diane, hindi ko alam kung bakit.

“So Jino, answer me. Yes or No? Are you going out with him or what?” medyo pasigaw niyang sabi. May mga tumitingin na sa aming mga tao. Pero umaalis din. Grabe, nag eeskandalo kaming dalawa dito.

“What if I said yes? What are you going to do? What–” hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil…dahil sinampal ako ni Diane. Kitang kita ko sa kanya na nagulat siya. Nanlaki ang mata niya. Mukhang di na niya nacontrol ang ginagawa niya.

“Sorry” sabi niya, tila nanlulumo at nanglalata ang hitsura niya.

“Sorry din, Diane” sabi ko, mahinahon na ako. Unti unti nang lumilipas ang galit ko.

“Alam mo Jino. Expected ko nang oo ang isasagot mo. But in the back my mind…umaasa parin akong hindi ang isasagot mo…” sabi ni Diane, naluluha na siya. Ako naman, hindi na ako makapagsalita.

“I never expected na…I never expected na ganito…ganyan ka. Nakakainis, kasi, alam mo yun, kung kailan wala na, hopeless na, tsaka mo mararamdaman na mahal mo yung isang tao” sabi niya, tumulo na talaga luha niya. Alam ko na ang ibig ipahiwatig sa akin ni Diane.

“Sana hindi nalang ako umalis…sana hindi nalang kita iniwan. Pero wala eh, nangyari na…” sabi niya, umiiyak siya pero kalmado parin.

“Sorry Diane. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, pero sorry talaga…kung hindi ako yung guy na inakala mo…” sabi ko sa kanya.

“It’s okay. Mabuti na rin na ako naka alam…ayaw ko ng ikaw pa ang magsabi sa akin…sawa na kasi akong iniiwan ng taong mahal ko. Una si kuya, ngayon…ikaw” sabi niya sa akin.

“But this is not the end. We can always be friends…” sabi ko.

“Yeah…but…I’m letting my feelings go…alam kong masaya ka ngayon, Jino” sabi ni Diane sa akin. Tapos ngumiti siya. Ngumiti na din ako.

“I gotta go. Bye” sabi niya, then walang ano-ano, tumalikod at umalis na si Diane. Naiwan akong nakatayo at pinanuod siyang maglakad papalayo. Naaawa ako kay Diane. Pero mabuti na’t nalaman niya, at least hindi na siya mag eexpect. Wala na rin kasi ang feelings ko sa kanya. Ewan ko kung bakit.

Tahimik akong bumalik sa table namin ni Darryl.

“Pasensya na, natagalan” sabi ko.

“Ayos lang master” sabi niya, tapos napansin ko may hawak-hawak siya.

“Ano yan?” tanong ko naman.

“Eto? Ay, hindi ko pa pala napapakita sayo. Pinadalhan ako ni mama ng bagong Digicam” kwento sa akin ni Darryl.

“Tara master, picture tayo! Gusto ko kasi picture nating dalawa ang unang laman nito” sabi niya sa akin.

“Ha? Eh, wala ako sa mood ngayon!” sabi ko naman, tapos hinatak niya ako malapit sa kanya at umakbay siya sa akin.

“Tara na master!” sabi niya. Tinaas na niya yung camera.

“Game master…smile!”

*CLICK* Captured.

Nakita ko. Ayos naman.

“Ang gwapo mo talaga Master ko” sabi ni Darryl sa akin.

“Asus, bola ka nanaman. Mas gwapo ka” sabi ko kay Darryl. Ngumiti siya sa akin.

“Tama yan. Gusto ko ako lang gwapo sa paningin mo, at ganun din ako sayo” sabi niya. Natawa naman ako sa kanya, medyo kinilig din.

“Ang corny mo” sabi ko. Hay, parang namiss kong tumawa.

“Siya nga pala, bakit natagalan kayo ni Diane?” tanong niya sa akin.

“Ah…uhm..wala yun, may sinabi lang siya sa akin” sabi ko.

“Ano nga yun? Selos ako sa kanya eh” sabi ni Darryl, habang nilalaro-laro niya yung camera niya. Natawa ulit ako.

“Ano ka ba. We’re just friends” sabi ko, then nagkatitigan kami. Tapos pinisil ko yung ilong niya.

“Ikaw talaga, kung ano-ano pumapasok diyan sa utak mo…wala yun no” sabi ko sa kanya, then nagtawanan na kami.

***
Mga 5 pm dumating na ako sa bahay. Ayun, kumain, nuod ng TV, kwentuhan with cousins then ayun, computer.

Pagkabukas ko ng Facebook, natuwa naman ako sa nakita ko.

Profile pic ni Darryl ang picture naming dalawa.

******

Chapter 27

Napangiti talaga nitong si Darryl. Ang sweet talaga nitong taong ito. Sana lang ganyan na siya forever. Tapos next nun, nag comment ako sa picture.

“Nice” sabi ko sa comment ko.

Pag-akyat ko sa kwarto ko, muli akong nag-isip. Kamusta na kaya si Diane? Okay lang kaya siya? Alam na rin pala niya. Eversince naman kasi, magaling ng mag observe si Diane, kaya madali ka nyang mahuhuli kung may itinatago ka sa kanya. Feeling ko, nasaktan ko si Diane. Feeling ko, nakagawa ako ng mali sa kanya. Maya-maya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako…

****
Ang bilis talaga ng araw pag bakasyon. Akalain mo yun? Natapos na kaagad? Nung New Year, grabe, first time kong sobrang nag ingay! As in kinalembang ko yung dalawang kaldero namin. Ha ha. Sobrang saya talaga nung new year. Tapos nag fire works display pa sina tito at tita, kasama yung mga pinsan ko. Ang dami din naming handa, and ang saya-saya namin. Binati ko sina Daphne, Alex, Diane at syempre si Darryl. Binati din nila ako, except si Diane. Galit siguro sa akin ito.

Tapos, first day na ng school. Grabe, parang nag iba ng konti ang school namin. Parang na-miss ko itong Brettwood Academy! Namiss ko ang ingay ng mga estudyante, ang bell ring, lahat! At pagpasok ko sa classroom, binati ko lahat ng classmates ko.

“JIIIIIIIINNNOOOOOO!” sigaw sa akin ni Daphne tapos niyakap niya ako.

“I miss you! Grabe, may laman ka na ng konti! Mas gwapo ka na ngayon!” sabi sa akin ni Daphne.

“Thanks Daph! Naparami kain ko nung pasko at new year eh” sabi ko naman. Tapos, tumayo na rin si Alex para batiin ako.

“Jino, what’s up!” sabi niya.

“Okay lang. Na-miss ko kayong dalawa!” sabi ko.

“Wow, mukhang ready na si Jino para bukas ha” sabi ni Daphne.

“Huh? Anong meron bukas?” tanong ko. Napatingin sa akin si Daph at Alex.

“Hala, hindi ata niya alam!” sabi ni Alex.

“Ay shhh–naka limutan kong i-text! Jino, bukas na ang screening para sa pageant!” sabi ni Daph. Natigilan nalang ako. Nakakagulat na naman. Tahimik nalang akong umupo sa upuan ko.

“Pare, okay ka lang?” tanong sa akin ni Alex.

“Hindi masyado. Pero mamaya, mag sink in din ito” sabi ko. Wow, bukas na pala yun? Akalain mo? My God, kinakabahan ako! Kailangan ko ng maghanap ng isusuot ko. Sinabihan ako ni Daphne na ang process pala nun eh parang mag po-pose pose ka sa harap ng tatlong panelist tapos may itatanong sayo, then ayun, sasalain na. Hay, kailangan ko nang maghanap mamaya.

Nung lunch break, nagkita kami ni Darryl duon sa dati naming tinatambayan.

“Naku master, bukas na nga ang screening. Kinakabahan ako. Mahina pa naman ako sa question-question na yan” sabi sa akin ni Darryl.

“Ako rin naman eh. Mahiyain ako no. First time kong sumali sa mga ganyang contest. Bakit kasi ako pa napili” sabi ko naman. Ngumiti si Darryl sa akin.

“Eh bakit hindi ikaw? Eh nasasayo na nga ang lahat ng qualities para maging next Mr. Junior & Senior of Brettwood Academy” sabi ni Darryl, with hand gestures pa yun ah. Tumawa naman ako bigla.

“Hala! Ang pangit ko kaya” sabi ko naman.

“Not to me…hindi sa mga matang to” sabi ni Darryl, tapos tinuro pa niya yung mata niya. Napangiti na naman ako ni Darryl.

“Sweet ka talaga, ano?” sabi ko sabay tawa.

“Nagsasabi lang po ng totoo master ko” sabi ni Darryl sa akin.

“Ha ha ha. Oh siya, matatapos na ang breaktime. Goodluck satin bukas, Darryl. Kaya natin ‘to” sabi ko naman. Then nagngitian na lang kami.

***

Pagka uwi ko ng bahay, yun agad ang inasikaso ko. Sinama ko si manang para mamili nung mga polo ko sa kwarto.

“Manang, ano ba mas maganda, ito po bang checkered or itong green?” tanong ko. Yung checkered na yan, mostly violet at black, basta hindi ko madescribe, pero para sa akin, ito ang gusto kong suotin. Pero ask ko din si manang.

“Yung checkered nalang, Jino. Tingin ko mas gwapo ka diyan. Kahit ano namang suotin mo anak eh gwapo ka naman” sabi sa akin ni manang.

“Naku naman manang. Wag naman po ganyan, mas kinakabahan po ako”

“Kaya mo yan, Jino!” sabi sa akin. Hay, manang talaga.

Pagkauwi nila mommy at daddy, binalita ko na sa kanila. Kinakabahan si mommy, samantalang si daddy ay excited talaga. Sabi niya, magagamit ko na daw ang kagwapuhan na namana ko sa kanya. Natawa ako kay daddy ha. Pinapalakas nila ang loob ko, sabi nila makapasok man daw ako or hindi, ayos daw sa kanila, at least lumaban ako. Ayun, ngayon, nagkaroon na ako ng tiwala sa sarili ko…kahit konti lang. ha ha ha.

***

“Master, goodluck talaga sa atin” sabi niya, habang nasa backstage kami. Sa White Auditorium kami nag screening. May mga students din sa labas, including my classmates at syempre sina Daphne at Alex.

Then maya-maya, may isang 4th year candidate na nagtanong sa akin. Lalaki siya, ang tangkad sobra. Mga mas matangkad pa kay Darryl. Moreno siya, medyo mahaba ang buhok tapos almond eyes din. Sobrang tangos ng ilong, tapos medyo maliit ang labi niya.

“Anong oras yung sa mga seniors?” tanong niya, napatingin kami ni Darryl. Pero siya, sa akin lang nakatingin.

“Next po dito…” sabi ko.

“Thanks…” sabi niya, tapos ngumiti siya. Tapos tumalikod na siya at lumabas na ng stage, tapos maya maya lumingon ulit siya sa akin, at kinindatan ako. Nagulat ako. Maya-maya, tinawag na ulit ako ni Darryl.

“Huy, medyo di pa maayos tong necktie ko. Naku, goodluck talaga master” sabi niya.

“Oo, Darryl. Goodluck sa atin” sabi ko sa kanya. Tapos ayun, inayos ko yung neck tie niya. Tutal, wala namang nakakakita sa amin. Then ayun, tinawag na kaming lahat. Eto na.

“Here are the representatives of each section from the 3rd year department!” sabi nung MC. Then lumabas na kami isa-isa. Grabe, may mga tumitili na kaagad. Lalo akong kinakabahan. Isa-isa kaming lumapit duon sa microphone.

“Hi. My name is Jino Anthony Mendez, from III-I” sabi ko. Then nagcheer sa akin yung mga classmates ko. Nakita ko si Daphne na sobrang sumisigaw sa akin. Napangiti ako. The sumunod sa akin yung taga sectio 2, si Roman Castillo, sect 3, si Charles Paguio then…

“My name is Darryl Alfonso from III-IV” sabi niya. Grabe, parang humiyaw lahat ng tao. Then next sa kanya yung section 5, si Hero Damien Martika, then lastly, section 6 si Randolph Atienza. Then, girls naman…Jane Riza Dela Pena, Corinne Lim, Elizabeth Alonzo, Gianna Romualdez, Kathleen Pineda and si Maria Isabelle Duenas.

Then next na ginawa namin, pinalakad kami isa isa. Kagabi pala, tinuruan ako nung pinsan kong si Joshua na maglakad at mag project sa camera. Beterano na kasi sa modelling yung si Joshua eh. Salamat sa kanya, at least hindi ako mukhang t-a-nga ngayon.

Then ayun, pinapunta na kaming mga guys sa stage para tanungin kami nung judges. Una syempre ako.

“For you, describe the word perfection” yun ang tanong sa akin nung isang judge, yung nasa gitna, prof siya sa 4th year kaya di ko kilala.

“The word perfection for me is not about having pointed nose, good grades, white skin or anything. It is when people finally learn the fact that we all have our own flaws and ups and downs. When people finally say that “I am perfect with my flaws” and when someone use that flaw as an advantage and not as a disadvantage, then that person can be perfect. Thank you” sabi ko. Then nag cheer ang classmates ko, pati rin yung iba. Grabe ang kaba ko kung alam niyo lang!

Then ayun, sumagot na si number 2 and 3. Then next na si Darryl…

“For you Mr. Alfonso, what is your best asset?” tanong nung judge.

“I can say that my best asset is that I am a very loving person. Cause…” sabi niya. Nag pause siya, Naku po.

“I really can’t describe po kasi. I believe po na ang pagmamahal, ineexpress, hindi sinasabi. Thank you” sabi niya. Nagpalakpakan ang lahat. Napangiti naman niya ang audience.

***

Matapos ang girls, elemination na. Final 3 na ang pipiliin para ilaban sa main pageant. Naku po, ito na.

“Our top three guys are….from section 2, Roman Castillo!” sabi nung MC. Nagsigawan ang mga taga section 2, tapos naglakad na papunta sa unahan si Roman. Chinito ang lalaking ito, tapos sikat siya sa school kasi magaling siya mag drawing.

“Next…from section 1! Jino Anthony Mendez!” sabi nung MC. HALA! Ako ba yun? Hindi ako makapaniwala. Dahan dahan akong naglakad at tinabihan si Roman, gulat na gulat ako. Sobrang mag cheer ang classmates ko ng “Jino, Jino, Jino!” Nakakatuwa sila.

“And finally…” sabi ng MC. Naku, kinakabahan ako.

“From section 4…Darryl Alfonso!” sabi nung MC. Wow! Pasok kami parehas ni Darryl! Ang saya-saya ko. Happy ako sa sarili ko at para sa kanya. Sa girls, ang mga nakapasok si Jane Riza Dela Pena (yung partner ko. Yes!), Kathleen Pineda ng section 5 at si Gianna Romualdez ng section 4 (partner ni Darryl).

Tapos maya-maya, sa backstage habang nagaayos ako ng gamit, pumunta sina Daphne at Alex.

“Jino! Congrats sayo! Sabi sayo kaya mo yan eh. Naku, ikaw at si Darryl lang ang pogi kanina, pero syempre, nag iisa ka lang!” sabi ni Daphne sa akin. Tuwang tuwa siya.

“Pards, congrats! Alam kong kaya mo yan!” sabi naman ni Alex.

“Asan si Darryl? Pupuntahan namin!” sabi ni Daphne.

“Andun ata!” sabi ko, sabay turo duon sa may far left. Anduon nga si Darryl. Tapos pinuntahan na nila siya.

Maya-maya, nung pagkasara ko ng zipper ng bag ko, napansin ko may nakatayo sa harap ko. Nilingon ko. Then I saw this familiar face…tama, yung nagtanong sa aking senior kanina. Tumayo ako at humarap sa kanya.

“Hey, congrats. Kasama ka sa final 3 sa Juniors” sabi nung lalaki. Nakangiti siya, at napansin ko na may dimples pala siya.

“Thanks kuya. Good luck mamaya” sabi ko sa kanya.

“By the way, don’t call me kuya. I’m Blake. Nice meeting you, Jino” sabi niya, then nakipag shake hands siya sa akin.


Chapter 28

Tinignan ko siya ng mabuti. Ang tangkad niya. Mukhang mature na ang mukha niya. Para siyang Filipino-Mexican, sobrang lakas ng dating. Tapos ang ganda pa ng damit niya; gray shirt tapos slim cut na black pants. At ang sapatos niya, Gucci sneakers! Mayaman siguro ito.

“Hey Blake. Nice meeting you” sabi ko naman. Tapos maya-maya nilapitan ako nila Darryl, Daph at Alex. Napansin kong nakatingin si Darryl kay Blake, tapos medyo kunot ang noo.

“Jino…” tawag sa akin ni Darryl.

“Hey…you’re Darryl Alfonso…congrats kanina” sabi ni Blake, tapos inabot niya yung kamay nya kay Darryl. Tapos si Darryl tumango lang tapos inakbayan ako. Di niya kinamayan si Blake. Natawa naman si Blake.

“Manunuod pa ba kayo?” tanong sa amin ni Blake.

“Wala na. May klase pa kami” sabi ni Darryl. Dapat ako talaga sasagot, pero inunahan niya ako. Naka tingin lang sina Alex at Daphne sa kanya. Ang weird nga eh.

“Really? You guys are excused, right? Parang ang KJ naman ng teachers niyo kung may classes pa kayo” sabi ni Blake, nakangiti parin siya. Lalong kumunot ang ulo ni Darryl.

“Eh wala eh, basta may gagawin pa kami. Sorry, good luck nalang pare” sabi ni Darryl, tapos bigla na siyang naglakad paalis. Hindi ako sumunod agad, nilingon ko lang si Darryl. Ganun din si Daphne, Alex at Blake.

“Galit ata yung friend mo” sabi ni Blake sa akin, tapos natawa.

“Wala lang yun. Pagod lang. Pasensya na ha” sabi ko kay Blake.

***
Paglabas namin ng White Auditorium, tinawag ni Daphne si Darryl. Nakita namin siya na nakaupo duon sa may hagdan papunta sa entrance.

“Anong ginagawa mo diyan?” tanong naman ni Daphne sa kanya.

“Wala. Medyo asiwa ako dun sa lalaki na yun ah” sabi ni Darryl, medyo galit siya. Tinabihan ko siyang umupo.

“Bakit naman? Mukha namang mabait yung si Blake” sabi ko sa kanya. Tapos lumingon sa akin si Darryl. Seryoso ang mukha niya.

“Blake pala name niya, ha. Ang angas niya, mukha siyang mayabang” sabi ni Darryl.

“Agree ako sayo Darryl! Akala mo kung sino yung Blake na yun ah” sabi naman ni Alex.

“Aba, aba, aba, parang may Union against Blake ngayon ha. In fairness, he is so cute ha. Sobrang pogi” sabi naman ni Daphne. Tapos tumawa siya ng tumawa. Maya-maya, may isang lalaki na umakyat papuntang entrance.

“Daphne?” sabi nung lalaki. Tapos tumigil sa pagtawa si Daph at napatingin dun sa lalaki.

“Clyde?” sabi ni Daph.

“Daph! What are you doing here?” tanong nung lalaki.

“Don’t talk to me! Get out of my face! I hate you!” sabi ni Daphne, tapos bigla siyang tumakbo papalayo. Kami naman, nagulat, tapos sinundan namin si Daphne. As in kaming tatlo. Medyo maliit pala yung Clyde na yun. Mukhang intsik. Tapos kalbo.

***

Tapos, nag canteen kami. Okay lang naman si Daph. Sabi niya, talagang ayaw lang nya talagang makita yung Clyde na yun. Nauna nang bumili sina Daphne at Darryl. Si Alex naman, nasa practice nya sa banda nila, tutugtog kasi sila sa pageant at sa prom. Grabe, ang layo pa nun ah. Ako naman, naiwan akong bumili duon sa Salad Station, yung bilihan ng Caesar Salad sa amin. Hinihintay ko pa kasi ginagawa pa yung salad ko.

“Sir, may 5 pesos po ba kayo?” sabi nung ale.

“Wait lang ha…” sabi ko, tapos nag search ako sa wallet ko. Ang tagal. Tapos maya-maya…

“Here” sabi nung isang lalaki sa tabi ko. Pamilyar yung boses. Pagtingin ko, si Blake pala.

“Hey!” sabi ko. Then ngumiti siya sa akin.

“Uy, nakakahiya naman Blake.” sabi ko. Nagulat naman ako sa kanya.

“Hindi ano. Wala sa akin yun ano” sabi niya.

“Vegetarian ka rin?” tanong ko.

“No, not really. Diet. Ikaw, musta ka ba?”

“Ikaw ang kamusta. How’s the screening?” sabi ko.

“I got in!” sabi ni Blake sa akin.

“Congrats! I guess we’re going to compete with each other”

“Yeah. You’re a pretty tough candidate, huh? Smart and goodlooking” sabi ni Blake sa akin. Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ko. Iba kasi ang titig sa akin ni Blake eh, basta. Yung smile pa niya, kakaiba. Parang sarcastic na ewan. I can’t explain it.

“Sir, ito na po yung Garden Caesar niyo” sabi nung babae tapos inaabot niya sa akin.

“Ah thanks” sabi ko, then kinuha ko na yung salad ko.

“I have to go, Blake. See you around” sabi ko, in a very awkward way. As I turn around and walk away, feel ko parin na nakatingin sa akin si Blake. Hay, ang weird talaga.

Pagbalik ko sa table namin…

“Jino, ba’t ang tagal mo?” tanong sa akin ni Daph.

“Eh wala…si Blake kasi, kinausap pa ako” sabi ko naman.

“Dapat di mo nalang kinausap yung mayabang na yun” sabi ni Darryl.

“Eh, nakapasok nga siya sa Top 3 ng Seniors eh” sabi ko naman. Tapos napatingin sa akin si Darryl.

“Pakialam ko dun. Kayo mong talunin yun no” sabi ni Darryl sa akin. Natawa nalang ako.

***
Uwian…

“Darryl, ingat ka sa pag uwi ha. Bakit di mo kasi dala ang kotse mo?” tanong ko sa kanya.

“May inaayos kasi. Pero baka bukas dalhin ko na siya, para maihatid na kita” sabi ko.

“Sige, ingat ka ha.” sabi ko naman.

“Always, master ko” sabi niya, then he kissed me in the forehead.

“Jino?!” sabi ng isang boses na narinig ko. I turned my head to the left and I was shocked when I saw someone.

It’s Alex.

Chapter 29

Nagtinginan kami ng mata sa mata ni Alex. Di siya nagsasalita. Gulat ang nakikita ko sa kanya. Wala kaming imik parehas ni Darryl. Mamaya, nagsimula na siyang lumapit sa amin.

“Anong ginagawa mo diyan kay Jino? Ha?” sabi ni Alex, tapos bigla niyang tinulak si Darryl. Nagulat ako, tapos bigla kong pinigilan si Alex. Si Darryl naman, wala pa ring imik pero nagulat din siya.

“Alex, calm down” sabi ko sa kanya. Hawak ka yung dalawang kamay niya. Nagpupumiglas nga siya eh.

“Eh binabakla ka nitong lalaking ‘to eh” sabi niya. Nagagalit talaga siya. Grabe, ang lakas nyang magpumiglas. Minumura na nga niya si Darryl eh, pero si Darryl ay tahimik lang.

“Alex! Alex, please, let’s talk. Calm down okay? Calm down…easy…usap tayo. Sige na…” sabi ko, pinapakalma ko talaga si Alex. Ayun, tumigil din siya sa pagpupumiglas. Tinignan niya ng masama si Darryl. Maya-maya, hinila ko siya medyo papalayo kay Darryl.

“Alex, bakit ka ganyan?” tanong ko sa kanya.

“Me? Eh ikaw nga ang dapat kong tanungin eh” sabi ni Alex, galit pa din siya.

“Ano bang gusto mong malaman?” sabi ko naman, kinakabahan ako kay Alex. May pagka bayolente kasi itong taong ito.

“Yung nakita ko. God, Jino! Darryl is kissing you in the forehead! Another guy is kissing you in the forehead! Tayo ngang sobrang close hindi ko ginagawa sayo yun kasi…” sabi niya, galit padin siya.

“Kasi ano? Nakakadiri?” sabi ko, galit din ako. Napatigil lang siya.

“Oo Alex. Baka nga ganun din ako kagaya ng iniisip mo. Oo, may special feelings ako kay Darryl. Ano, mandidiri ka na sa akin?” sabi ko sa kanya.

“Hindi ganun, Jino. Nagulat lang ako, kasi sa lahat ng tao, hindi ko inaakalang magkakaganyan ka!” sabi niya sa akin.

“Eh hindi ko naman ginusto ‘to eh! Gusto ko siyang pigilan, gustong gusto ko. Pero, wala eh…hindi ko kaya” sabi ko naman sa kanya. Naiiyak na ako kay Alex.

“Alam na ba ni Daphne ito?” tanong niya. Huminto muna ako saglit at huminga ng malalim.

“Oo…” sabi ko. Nagulat din si Alex.

“Alam na niya? Samantalang ako, hindi pa? So ano yun, pinagkaisahan ninyo akong tatlo?” tanong niya sa akin. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.

“Kasi…kasi…kasi natatakot akong sabihin sayo. Kasi lalaki ka rin. Inisip ko na magbabago ang ugali at pagtrato mo sa akin kapag nalaman mo kung ano ako. Ayokong mawala ang friendship natin, Alex. Pasensya ka na, pero natakot talaga ako” sabi ko, naiiyak na talaga ako sa kanya.

“Ganun na ba tingin mo sa akin, Jino? Makitid ang utak? Yun ba?” sabi niya.

“Hindi sa ganun…eh kasi–” di ko na natapos, nagsalita na si Alex eh.

“Eh bakit inisip mo na magbabago ako sa’yo? Pinangunahan mo ako, Jino eh. Kaibigan kita. Pinapahalagahan kita. Mahalaga ka sa buhay ko, kayo ni Daph. Pamilya ko na kayo eh! Matatanggap ko yun, dahil hindi mapapalitan ng isang bagay na yan ang naging samahan natin. Natanggap ko nga nung namatay ang totoong parents ko, at inampon lang ako, tapos yan lang na maliit na bagay, hindi ko matatanggap?” sabi naman nya. Masyadong emosyonal si Alex ngayong gabi. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Nung 1st year high school kasi, kakamatay palang nung mommy at daddy ni Alex because of a car accident. Then palaging nangaaway yang si Alex ng classmates namin. Tapos inampon siya nung tito at tita niya. Kami lang ni Daphne ang nakapagpatino sa kanya. Kami lang ang talagang naging kaibigan niya.

“Sorry Alex. Sorry talaga. Ito ang naging pinaka-sukatan ng pagkakaibigan natin. You’re a true friend, and you deserve my trust 100%. Sorry kung hindi ko nasabi kaagad sa’yo.” sabi ko sa kanya.

“Basta Jino. Kahit anong mangyare, dito lang ako sa side mo, tikboy. Sangang dikit parin tayo” sabi niya, then he offered his hand for a shake hands. Tinanggap ko naman. Naayos din. Pinuntahan din niya si Darryl at nag apologize dito.

“Pare pasensya na. Nabigla lang. Alagaan mo ‘tong si tikboy ha. Kung lolokohin mo ‘to ako ang unang sasapak sayo” sabi ni Alex sa kanya. Natawa lang si Darryl.

“Oo naman Alex. Ano bang ginagawa ng isang soldier? Eh di ang pagsilbihan ang kanyang master” sabi naman ni Darryl tapos tumingin sa akin.

***

After 2 days…

“Full name: Blake Richmond Arcilla. From: IV-II. Height: 5’11. Wow ang tangkad ha…Age: 18. Ka-edad mo, Darryl! Also known as: Brettwood Academy’s Ultimate Casanova. Wow, ano ba yan! Grabe siguro ‘to…he is open for both guys and girls…Oh my God! Jino, mag ingat ka!” sabi ni Daphne, habang binabasa niya ang isang website na may entry na “Top 10 Most Handsome Guys of Brettwood Academy”. Surprisingly, #1 si Blake. Actually, si Daphne at Alex pamilyar na ang mukha sa kanya pero ako hindi talaga. Apathetic kasi ako sa mga ganyan ah.

“Ano ba yan, bakit ba kasi interisado kayo sa kanya?” tanong ko naman.

“Eh kasi cute siya. In fairness, Jino, nandito ka! Pang #8 ka oh. Tapos kasama si runner-up si Darryl at ikaw Alex, kaso last ka tapos medyo maliit yung font na ginamit sa name mo” sabi ni Daphne, tapos nagtawanan kami. Andito pala kami sa tapat ng Science Building, sa may hagdan papakyat at nagwa-wifi gamit ang laptop ni Alex. Medyo mainit nga eh, pero ayos lang. Makapag internet lang. Malakas kasi signal dito eh.

“Loko loko ka, Daphne. Baka nakakalimutan mo akin yang laptop na gamit mo” sabi naman ni Alex, pero tumatawa parin sya.

“Naks master, ka level mo pala si Blake. Di katulad ko…” sabi naman ni Darryl. Natahimik kami lahat.

“At talagang ganyan ang sabi mo, Darryl? Tumigil ka nga diyan. Cute ka kaya” sabi naman ni Daph.

“Darryl, ano ba yan?” sabi ko naman, tapos inakbayan ko siya.

“Eh master, nagsasabi lang naman ako…” sabi niya, tapos yumuko siya.

“Naku Darryl no, wag ka ngang ganyan. Basta ako, Darryl for Jino ako no. Isa ata ako sa bestfriend ni Jino no, kaya mahalaga ang opinion ko” sabi ni Daphne, natawa nanaman ako sa kanya.

“Ako din boto ako kay Darryl” sabi naman ni Alex.

“Thanks ha…” sabi ni Darryl kina Alex at Daphne.

“Ay, Alex! Naiwan ko yung Foreign Language book ko sa locker! Samahan mo ako, please?” sabi ni Daphne.

“Ano ba yan! Kasi makakalimutin eh. Tara na nga! Sige, Jino, Darryl, una muna kami ha” sabi naman ni Alex.

Naiwan kami ni Darryl sa tapat ng science building. Nagitinginan kami.

“Oh, ba’t ganyan ka makatingin?” tanong sa akin ni Darryl.

“Eh ang gwapo ng soldier ko eh. Ba’t di ko titignan?” sabi ko naman. Natawa si Darryl.

“Master ko…baka ipagpalit mo ang soldier mo sa isang master din..” sabi naman sa akin ni Darryl. Inakbayan ko siya, tapos kiniss ko yung head niya. Buti, wala masyadong tao sa tapat ng Science Building. Tsaka saglit lang naman yun eh.

“Sus, hindi ah. Ang master, di kayang protektahan ang isa pang master, ang soldier, oo. Kaya dun nalang ako sa soldier. Gwapo pa” sabi ko naman. Tumawa si Darryl.

“Promise mo yan master ko ha. Wag kang magpapadala dun kay Blake” sabi naman niya sa akin.

“Selos ka sa kanya?” sabi ko naman, tapos nakatawa pa ako. Tinanggal ko na ang pagkakaakbay ko sa kanya.

“Ako? Medyo…” sabi naman nya. Lalo akong nangiti.

“Sabi na eh!” sabi ko naman.

“Kasi naman, mahirap makahanap ng katulad mo master ko. Ang gwapo mo na, matalino ka pa” sabi naman niya.

“Asus, tama na yan” sabi ko naman, tapos nagkulitan kami.

“Guys, what’s up?” sabi ni Blake. Natigilan kaming dalawa.

Chapter 30

“Huy!” sabi sa amin ni Blake. Natulala kasi kami sa kanya.

“Hey, Blake” sabi ko nalang. Tapos, napansin ko yung mukha ni Darryl eh parang inis nanaman. Umakyat siya papunta sa stairstep kung saan kami nakaupo. Tapos, bigla nalang siyang tumabi sa akin. Ayun, nasa gitna ako ni Blake (sa right side) at Darryl (na nasa left side).

“Hey, start na ng practice ng pageant next week. Monday” sabi sa akin ni Blake….pero ang totoo, sa aming dalawa ni Darryl talaga ang reminder na yun. Mukha kasing ako lang ang kausap niya.

“Okay. Punta kami” sabi ko nalang.

“Hi, Darryl!” sabi niya, tapos nakatingin pa siya kay Darryl. Si Darryl naman, diretso padin ang tingin, tapos tumango lang. Parang badtrip na naman siya.

“Anyway, Jino inadd kita sa Facebook. I saw that you’re a fan of Fall Out Boy.” sabi niya sa akin. Aba, inadd kaagad ako.

“Yeah. Why?” sabi ko naman.

“Me too! Dance Dance is my favorite song. How about you?” tanong niya. Wow, may common interest pala kami nitong si Blake.

“I love Dance Dance! But my favorite is This Ain’t a Scene, It’s an Arms Race” sabi ko naman.

“I also love that song! Grabe, we should chill pala sometime together, tapos soundtrip tayo ng Fall Out Boy” sabi sa akin ni Blake.

“Sige ba! Kaso nawala ko yung CD ko ng From Under the Cork Tree nila” sabi ko naman. Medyo kumportable na ako sa kanya…except Darryl.

“Ay…sayang naman yun” sabi sa akin ni Blake.

“Jino, halika na. Puntahan na natin sina Daphne at Alex duon sa lockers. Baka kung ano na nangyari sa mga yun” sabi ni Darryl, bigla kasi siyang tumayo. Seryoso padin ang mukha niya. Ako naman, nagulat, kaya napatayo na din ako. Gayun din si Blake.

“Uhm…Blake, we have to go na ha. May pupuntahan pa kami” sabi ko nalang. Halata kasing naiinis na naman si Darryl.

“Okay. Promise mo yung soundtrip natin ha” pahabol pa niya, tapos ngumiti pa. Hay grabe. Tapos tumango nalang ako, at naglakad na kami ni Darryl.

Habang naglalakad…

“Akala ko ba di mo ako ipagpapalit dun?” sabi ni Darryl sa akin. Ang bilis niya maglakad.

“Ha? Eh kinausap ko lang naman siya eh. Masama ba yun?” sabi ko naman.

“Ewan ko sa’yo. Basta, ayaw ko sa taong yun” sabi ni Darryl sa akin.

“Wala naman siyang ginagawang masama eh. Mabait naman siya, actually” sabi ko.

“Basta, ayoko dun” sabi ni Darryl. Natutuwa ako sa kanya. Ang cute niya kasing magselos.

***
A week later, ayun, start na ng practice namin for the pageant. Blockings, paglakad, project, pose, opening number…yun ang gagawin namin lahat. Buti nalang, okay kami ng partner kong si Jane. Mabait itong babaeng ito. Para siyang si Daphne, pero lesser ang ingay. Sobrang ingay kasi nung si Daphne eh. Iba kasi ang humor nitong si Jane, madalas di nagbabago ang expression ng mukha niya.

“Alam mo, Jino, sa totoo lang, ikaw ang pinakagwapo dito” sabi sa akin ni Jane, habang nagaayos siya ng buhok backstage. Tumawa naman ako.

“Grabe, Jane! Pinapalakas mo lang ang loob ko!” sabi ko naman.

“Hindi no…actually, ikaw ang pinakapogi talaga. Di ka nga kaputian pero hello, ang lakas ng dating mo, lalo na yang smile mo. Yung ibang candidates eh sobrang pa-cute tignan. Parang mga pa-tweetums feeling mo naman member sila ng N*Sync. Yung iba, akala mo edited lang sa photoshop ang mukha, pero ikaw talaga natural lang. Ay may gwapo din palang dalawa, yung Blake ba yun at si Darryl Alfonso, yung ka-batch natin” sabi ni Jane. Natatawa talaga ako sa kanya. Ang lakas nyang manlait.

“Ikaw talaga. Pero oo, gwapo talaga yung Darryl” sabi ko. Syempre, kailangan kong i-highlight si Darryl.

“Pero alam mo ba, magka-batch dati yung dalawang yun. Ka-batch sila ng ate ko. Sikat sila sa batch nila.” sabi ni Jane sa akin. Naku, di ko alam ‘to ah!

“Talaga? Eh bakit 4th year na si Blake?” tanong ko naman.

“Eh hindi naman siya nag-stop like Darryl. Bumagsak lang yan! Alam mo ba, pamangkin kasi siya ng principal natin kaya ayan mabalis nakabalik. Pero hindi naman siya bopols ano. May pagka tarantado lang…at chickboy pa” sabi ni Jane.

“Ah? Talaga?” sabi ko. Yun lang kasi ang nasasabi ko.

“Oo chickboy. Pwede sa chicks, pwede sa boys!” sabi ni Jane, tapos nagtawanan kaming dalawa.

“Oo, alam mo Jino kwento pa sa akin ni ate ito ha. Sa batch nila, pinagsabay niyang syotain yung isang classmate niya na girl, tapos may syota pang 27 years old na lalake! Spell EW!” chismis sa akin ni Jane. Naku Jane buti nalang wala siya dito.

“Jane, ano ba yan! Tumigil ka na nga!” sabi ko naman, naiilang na kasi ako.

“Well, I can’t blame them. Gwapo si Blake at mayaman pa. San ka pa?” sabi ni Jane. Then mamaya…

“Hey, Jino!” sabi ng isang lalaki. Matangkad, moreno, may dimples kapag nakangiti, short hair….at kamukha ni Blake. Si Blake nga! Nagpagupit na siya! Aba, parang pinaghandaan niya ang pageant ah. He looks better with short hair.

“Oh, nagpagupit ka?” sabi ko naman. Biglang natahimik si Jane at nagayos nalang ulit ng buhok.

“Yeah. Kailangan eh. Besides, ayaw ko na nung buhok ko dati.” sabi naman niya.

“Uy Jino, anyway I got this for you” sabi niya, then may pinakita siyang CD sa akin. CD ng Fall Out Boy! Yung nawala kong album nila.

“No way, Blake! Nakakahiya” sabi ko, natatawa ako na ewan. Ang awkward.

“No! It’s okay. It’s a pleasure to find someone who likes Fall Out Boy, too. Kaya you deserve that” sabi naman niya, then inabot niya sa akin yung CD.

“Thanks, Blake” sabi ko naman. Ang bait naman niya sa akin. Tinago ko na sa bag ko yung CD tapos nag CR ako.

Sa CR…

“Uy, Darryl andito ka pa?” sabi ko naman.

“Master, kinakabahan talaga ako eh” sabi niya sa akin. Mukha ngang kinakabahan siya.

“Tsk, gwapong soldier, wag kang kabahan. Remember, kasama mo naman ako, diba?” sabi ko sa kanya, tapos inayos ko na yung buhok ko. Tapos, bigla niya akong niyakap mula sa likod.

“Wag na tayo umattend, master. Labas nalang tayo” sabi niya sa akin.

“Hala? Eh baka mapagalitan tayo” sabi ko, tapos bumitiw na siya sa akin.

“Tara na” sabi ko, tapos hinawakan ko na kamay niya at lumabas na kami ng CR.

***
Blockings na kami. Ang nagtuturo sa amin ay si Ms. Luna, ang aming Gym teacher nung 2nd year.

“Okay, blockings muna tayo then mamaya pararampahin ko kayo” sabi niya. Then ayun, block na nga. Parang pose muna nung boys, the girls. Ang mga fourth year candidates pala sa boys ay sina Blake, Dan Mulally at si Frank Lauren.

“Roman, upo ka sa right, then angas look ha. Then Dan, ikaw din. Darryl, upo ka rin sa left side ni Dan. Angas look ha, parang hip-hop ang posing natin dito. Then ikaw Frank, tayo ka duon sa likod ni Roman. Tapos ipatong mo yung kamay mo sa left shoulder ni Roman, tapos angas look ha” sabi ni Ms. Luna. Ang galing niya magturo ng posing.

“Now, ikaw, gitna ka Blake then Jino. Blake, ipatong mo yang siko mo sa shoulder ni Jino tapos mag hip-hop look and pose ha. Ikaw din Jino, ilagay mo nalang yang hands mo sa bulsa mo” sabi ni Ms. Luna. Tumitingin sa amin si Darryl. Hay, ewan ko ba.

***
After ng practice, nag ayos na ako ng gamit ko.

“Uy Jino tara, ihahatid kita” sabi ni Darryl sa akin.

“Sige. Thanks. Wait lang” sabi ko naman. Tapos maya-maya, ayun inayos ko ang gamit ko. Di sinasadyang nilabas ko yung CD ng Fall Out Boy.

“Uy, ano yan? Akala ko ba nawala yan?” sabi ni Darryl. Busted, anong gagawin ko? Tsak magagalit ito sa akin pag sinabi kong bigay ni Blake ito.

“Uhm, binili ko nung isang araw” sabi ko naman. Oh my God, nagsinungaling ako kay Darryl.

Chapter 31

“Nagugutom na ako. Kain muna tayo, pwede ba?” sabi sa akin ni Darryl. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Tahimik lang ako, kasi medyo guilty ako nung hindi ko sinabi ang totoo sa kanya.

Kumain kami sa isang Steakhouse na malapit sa school. 5:30 palang naman, kaya maaga pa.

“Master, ba’t ang tahimik mo?” tanong sa akin ni Darryl.

“Wala naman…may iniisip lang” sabi ko naman, tapos kumain na ulit ako.

“Ano ba yun? Share ka naman” tanong sa akin ni Darryl. Tapos napatingin ako sa kanya.

“Wala talaga, Darryl” sabi ko. Grabe, nagiguilty ako. Kahit maliit na bagay lang yun, it’s still a lie. Kumakabog na naman si heart.

“Master naman….ano yun? Makikinig ako. You don’t look well kasi eh” sabi niya.

“Darryl…kasi…yung…yung CD” sabi ko. Kinakabahan talaga ako.

“Galing kasi kay Blake yun eh” ayan nasabi ko na. Hay nako. Nagbago ng bahagya ang mukha ni Darryl.

“Eh hindi ko sinabi sayo kasi baka magalit ka sa akin…” sabi ko naman.

“Bakit mo ba kasi tinanggap pa yan?” sabi niya sa akin, seryoso ang mukha nya at boses niya.

“Nakakahiya din kasi kay Blake. Imagine bumili pa siya ng CD para sa akin tapos, hindi ko tatanggapin. Atsaka wala namang malisya iyon…” sabi ko naman. Nakatingin lang sa akin ng seryoso si Darryl. Ako naman, kinakabahan.

“I’m sorry, Darryl…” sabi ko, then yumukod ako. Ang hirap naman.

“Okay lang naman sakin yun master…” sabi niya, tapos napatingin ako sa kanya. Medyo maaliwalas na ang mukha niya.

“Pero sana sinabi mo nalang sa akin. Pero naiintindihan naman kita kung bakit mo nagawa yon” sabi niya sa akin. Lalo tuloy akong naguilty. Hindi nalang ako nagsalita. Maya-maya, ngumiti na si Darryl.

“Uy, tama na yan! Ang cute mo kapag nahihiya ka” sabi niya sa akin, tapos tumawa siya. Natawa na din ako.

“Bolero ka na naman. Lahat nalang napapansin mo” sabi ko nalang.

“Eh cute ka naman talaga eh. Anong magagawa ko dun?” sabi niya. Napasaya na naman ako ni Darryl.

***
Pagka-uwi ko ng bahay, mga 7:00 PM na. Hindi na ako kumain kaya diretso na ako umakyat para mag-aral muli. Aral, aral, aral. Namimiss ko na ngang magsubsob sa pag-aaral ng mga subjects ko. Mga 9:00 PM natapos ako. Ang tagal! It seems na namiss ko ang mag-aral. Feeling ko hindi na ako pumapasok.

Mga 10:58 na, nakahiga na ako, pero di pa natutulog. As usual, nagiisip na naman kung ano-ano. Like yung quiz para bukas sa History, yung pageant…si Darryl…

Calling: Darryl🙂

Yan ang bumungad sa cellphone ko.

“Hello?” sabi ko.

“Master, bakit gising ka pa? Di ba may quiz ka tomorrow? Dapat tulog ka na. Order ‘to ng soldier mo” sabi niya sa akin. Napangiti ako.

“Eh ba’t ikaw, gising ka pa? Matulog ka na din, order ng master mo”

“Hindi matutulog ang soldier hangga’t di natutulog si master. Kaya master ko, tulog ka na” sabi ni Darryl. Natutuwa naman ako dito sa taong ‘to.

“Hindi pa nga ako inaantok. Sige na, ikaw nalang muna matulog” sabi ko sa kanya.

“Master…tulog ka na kasi, ayaw kong mapuyat ka. Sige ka, baka bumagsak ka niyan dahil puyat ka”

“Ang kulit mo naman soldier…sige, pero isang kondisyon” sabi ko.

“Ano yun, master?”

“Sabay tayong pipikit ha…” sabi ko. Corny na rin ako.

“Sige master…basta, be honest ah. Nanunuod si God” sabi niya.

“Okay…1…2….3…” sabi ko. Tapos pumikit na ako. Tapos narinig ko na binaba na ni Darryl ang cellphone niya.

Ang cheesy. Pero habang nakapikit, nagiisip pa rin ako. Nabanggit ni Darryl ang God. Muling bumalik sa utak ko ang ginagawa kong ito ngayon. Siguro, nagagalit siya sa akin. Or maybe not? Tama ba ito, papa God? Help me naman oh. Minsan kasi pumapasok padin ito sa isip ko…pero bahala na…inaantok na rin kasi ako. Atsaka, nagpromise ako kay Darryl na matutulog na ako…

***

Kinabukasan, after History Exam, nag check kaagad kami. Natanggap ko na ang paper ko. I got the highest score, 29 out of 30.

“Daphne, I could have done better” sabi ko sa kanya. Upset kasi ako. Slight.

“Walang hiya, di pa ba better yan? You almost got the perfect score!” sabi niya.

“But I want the perfect score!” sabi ko. Medyo mataas ang tono ko.

“Jino, okay lang yan. No one’s going to take that valedictorian crown naman from you eh” sabi ni Alex. Tinapik siya ni Daphne tapos nagtitigan sila. Akala nila siguro, medyo off si Alex nun. Hindi ko nalang pinansin.

***
Nung breaktime, gusto kong mapagisa, pero nakita pala ako ni Darryl na nakaupo duon sa pinag rereviewhan namin.

“Am I disturbing my master?” tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kanya.

“Wow. Your english is very good na, I must say” sabi ko, tapos ngumiti ako. Tapos ayun, kiniss niya ako sa left cheek ko.

“Thanks to you, master at nag improve ang abismal english ko” sabi niya naman, parang nagpapaempress. Joke.

“Wow, nice. Abismal. That’s stunning. Anyway, kamusta?” sabi ko sa kanya. Tapos umupo siya sa tabi ko.

“Ikaw ang kamusta, mukhang malungkot ka ha” sabi niya sa akin. Tapos nalungkot nanaman ang mukha ko.

“Eh kasi, hindi ko na perfect ang quiz sa history eh” sabi ko, tapos napayukod ako.

“Ganun? Ilan ba nakuha mo?” tanong niya sa akin.

“29 out of 30” sabi ko.

“Ha? Ganun? Tapos di ka pa masaya?” sabi niya sa akin.

“Hindi talaga. Look, Darryl, I never got a perfect score in my entire life. As in hindi talaga. And I strive for perfection, kahit man lang sa quiz or test scores. Pero all in all, I want to be perfect.” sabi ko sa kanya.

“Alam mo master, makakaperfect ka rin sa score mo no. But to be perfect as in walang flaws? Malabo yun master. Walang taong ganun, wala” sabi niya sa akin. Pero malungkot padin ako.

“Besides, depende naman sa tao ang perfection eh. And to me, you’re the most perfect guy in the whole wide world” sabi niya, then inakbayan niya ako. Napangiti niya ako duon.

“You know what, I think I’m so lucky to have you as my…” sabi ko sa kanya.

“As your…ano yun master?” sabi niya. Then again, pinisil ko nanaman ang nose niya. Mahilig kong gawin sa kanya yun.

“You know what I mean” sabi ko, tapos nagngitian lang kami.

***

Bago ako bumalik ng classroom ay dumaan muna ako sa CR para mag ayos ng medyo magulo kong buhok. Naghilamos na rin ako ng konti at nagulat nalang ako nung bigla akong humarap sa salamin.

“Blake?” I said. I almost screamed till my lungs came out. Para kasi siyang kabuteng sumusulpot kung saan saan.

Chapter 32

Tila tumayo lahat ng balahibo nung makita ko ang reflection ni Blake sa mirror. Grabe! Nakakagulat naman siya. Tapos seryoso pa ang mukha niya. Para siyang multo na nakatayo sa likod ko.

“Anong ginagawa mo diyan?” sabi ko, tapos nilingon ko siya. Naghahabol ako ng hininga ko kasi sobrang nagulat talaga ako.

“Mag c-cr. Bakit mukhang takot na takot ka diyan? Ha?” tanong niya sa akin. Nakangiti siya.

“Ba’t ba kasi di ka nagsasalita?” tanong ko naman.

“Eh tinitignan kita eh” sabi naman niya. Ano ba naman itong si Blake? Ba’t niya ako titignan? Anong dahilan.

“Ah ganun ba. Siguro di ka pa nakakakita ng panget” sabi ko, tapos tumawa ako in an awkward way.

“Hindi. Actually, you’re very good looking. Alam ko nasabi ko na sayo yan. Pero, hindi nakakasasawang sabihin eh. So, it’s fine” sabi niya, then yung ngiti na naman niyang yun. Ang ngiti niyang parang…nang aakit? Parang ganun.

“Ah ganun ba. Thanks. Sige, una na ako Blake. May klase pa ako” sabi ko, then naglakad na ako palabas. Then immediately, hinawakan niya yung kamay ko.

“Practice mamaya ha” sabi niya. Then swear, I felt his index finger caressed into my hands. Nag chills nga ako eh, pero tumango nalang ako tapos diretso lakad.

Nung pumasok ako ng classroom, andun na yung teacher.

“Uy, ba’t ang tagal mo?” bulong sa akin ni Daphne.

“Nag CR kasi ako eh. May sasabihin pala ako sayo” sabi ko, mahina lang ang boses namin. Atsaka mahina naman ang pandinig ni Mam Duenas, yung teacher namin ngayon sa subject na ‘to, Filipino.

“Ano ba yun?” sabi naman ni Daphne.

“Eh kasi…si Blake, medyo iba ang feeling ko sa kanya” sabi ko naman.

“What do you mean ‘iba’?”

“Kasi kanina sa CR, nagkita kami, tapos ayun konting usap. Then hinawakan niya yung kamay ko, tapos parang hinimas pa niya…basta ang weird” sabi ko. Tapos grabe, pinipigilan ni Daphne ang reaction niya. Nagulat din siya.

“Sabi naman sayo may pagka playboy iyon. Mag ingat ka. Natutunugan ka nun na medyo sablay ka!” sabi ni Daphne sa akin. Maya-maya…

“Ms. Daphne, maya-maya na ang chismisan” sabi nung teacher namin.

“Sorry mam” sabi naman ni Daph. Medyo natatawa ako.

***
After class eh dumeretso na kami sa practice. Pictorial na namin! Excited ako dito kasi this is my first photoshoot. Grabe, kinakabahan ako pero excited na din. Medyo nakaka adjust na ako sa sitwasyon ko ngayon. Sabay kami ni Darryl na pumunta sa venue, tapos habang naglalakad, may mga nag ha-hi sa aming students. Nakakahiya ng konti pero medyo flattering.

“Naks, master. Ang daming nag ha hi sayo. Sikat ka na talaga” sabi sa akin ni Darryl habang naglalakad kami, tapos umakbay siya sa akin.

“Hala, marami din kaya yung sayo!” sabi ko naman, nakangiti kami pareho.

“Asus, mas madami yung sayo. Pag sumikat ka na, wag mong kalimutan ang soldier mong handa kang ipagtananggol kahit anong mangyari!” sabi sa akin ni Darryl. Bigla akong tumawa.

“Ang OA mo! As in! Ano ka ba, hindi ako sisikat. At kung ganun man, I’ll never forget those people I love” sabi ko, tapos ngumiti ako sa kanya. Napangiti ko ng todo si Darryl. Effective ata ang banat ko.

“Kasama ba ako diyan sa mga love mo?” tanong niya sa akin. Tapos napangiti ako.

“Oo naman…” sabi ko. Tapos ayun tuloy tuloy lang kami sa paglakad.

***

Ayun, photoshoot na. 4 na photographers ang kinuha nila. Grabe, ganito pala ito! Feeling ko tuloy artista na ako. Joke, minsan lang ako mag feeling. Tatlong picture daw ang kukunan, 2 solo at isang partner pic. Ayun, tatlong set ng damit ang dala ko. Si Darryl, topless duon sa isa niyang picture. Ano ba yan, kumabog nanaman si heart. Tapos si Blake, grabe, photogenic talaga ang taong iyon. Parang lahat ng damit niya bagay sa kanya. Tapos ayun, ako. Whew! Mabait naman yung photographer, kaya hindi ako masyadong kinabahan. Mga 30 minutes ang tinagal ko, tapos nung natapos na ako, nauna na kami ni Darryl para umuwi.

Three days later, nakuha na namin yung picture.

“Master! Ang gaganda naman ng kuha natin, para na tayong artista” sabi ni Darryl sa akin.

“Gosh alam mo ba Jino, ang cute mo dun sa tarpaulin ninyo sa tapat nung Auditorium! Grabe! Sabi ko “Gosh, Best friend ko ito!” Grabe, ang gwapo mo friend” sabi naman ni Daphne sa akin.

“Hala, Daph?! Talaga? Nakakahiya naman yun! Pero salamat ha. Uy, proud siya sa akin” biro ko naman kay Daphne.

“Siya nga pala, Darryl, malapit na ang 3rd Grading exam, mag review na tayo, ha?” sabi ko naman.

“Sure master” sabi niya.

***
So ayun, we spend most of our weeks na puro review, review, review until pumasok ang exams.

After naming magtake ng exams, nagkita kami ni Darryl duon sa pinagrereviewhan namin…

“Bakit tayo nagkita dito?” sabi ko. Then maya-maya may inabot siya sa aking box.

“Para sayo to oh” sabi niya. Nagulat ako.

“Bakit? Para saan to” sabi ko naman.

“Happy Monthsary…” sabi niya, nakangiti. Oh my, January 24 na pala ngayon.

Chapter 33

“Oh, master ko? Nagulat ka ba?” sabi niya, nakangiti padin siya.

“Ah…oo…medyo” sabi ko. Nag sink in na sa akin ang lahat. One month na pala kami ni Darryl…or should I say, “kami” pala.

“Happy Monthsary, soldier…” sabi ko sa kanya, tapos ayun pinisil ko ulit ang ilong niya. Yun kasi ang paborito kong gawin kay Darryl eh, ang ganda kasi ng ilong niya. Tapos tinignan ko yung isang maliit na box na binigay niya sa akin.

“Buksan mo na yang bigay ko sayo” sabi niya sa akin.

“Sige. Ano ba ito?” sabi ko, tapos binuksan ko na. Isa siyang wristband na kulay green tapos nakasulat: “MY SOLDIER”. Napatingin ako sa kanya, tapos ngumiti ako.

“Grabe, salamat ha. Buti nakahanap ka ng ganito” sabi ko.

“Hindi, pinagawa ko yan. In fact, may kapartner yan” sabi niya, tapos nilabas niya yung isa pang wristband na kulay green din, ang nakasulat naman ay “MY MASTER”.

“Pair yan, kaya pag suot mo yan, parang kasama mo na din ako, at ganun din ikaw. Kapag suot ko ito, feeling ko kasama na kita” sabi ni Darryl. Nakangiti lang ako talaga, wala akong masabi.

“Wow…Darryl…ang sweet mo naman. Salamat ha” ayun, may nasabi din. Tapos bigla syang umakbay sa akin, tapos sumandal siya sa balikat ko. Surprisingly, walang tao sa paligid dahil karamihan ay may exam pa.

“Una palang yan, master ko. I want to spend more monthsaries, anniversaries, birthdays, special occassions and marami pang iba with you…” sabi niya. Medyo kinilig ako dun ha.

“Grabe, bolero ka talaga” sabi ko naman.

“Hindi ah” sabi naman niya. Tapos ayun, simple lang namin sinelebrate yung araw na yun. Mga 2 oras kaming nandun, nagkwentuhan tapos nag picturan. Tapos ayun, dumeretso na kami sa practice para sa pageant.

Habang nasa backstage at nagaayos ng mga sarili namin…

“Uy, ang cute naman nyang wristband mo, san mo nabili yan?” tanong sa akin ni Jane.

“Ah…eh…wala, binigay lang” sabi ko naman.

“Ganun ba? Kasi parang nakita ko si Darryl may ganyan din, baka sabay kayong bumili” sabi niya. Hala? Grabe, observant talaga itong si Jane. Alam niyo kasi, matalino itong si Jane at asset nya talaga ang sobrang observant at ma-usisa. Bagay siyang researcher kasi talagang tignan ka palang nya, marami na siyang mapapansin sayo. Sana naman hindi niya alam na…alam niyo na.

“Ah talaga? Baka nagkataon lang” sabi ko naman, medyo ninenerbyos na ako dito kay Jane.

“Baka nga. Pero ewan ko…yeah, siguro nagkataon nga lang yon” sabi ulit ni Jane.

***

Wala namang masyadong ginawa sa practice. As usual, naglakad, nag pose at inaral yung routine. Tapos blockings ulit para sa mga rampa. Tatlo kasi ang rampa eh: Swimwear (dito ako kinakabahan. oh my God), Eveningwear at ang Rockstar outfit, yan kasi ang theme namin, rockstar. I need to consult Alex kasi siya ang rakista sa aming tatlo nila Daphne. Manghihiram ako sa kanya ng ibang kulay na skinny jeans dahil yun daw ang maganda sa akin. Hay ewan, basta sa swimwear ako kinakabahan. Nakakahiya kaya iyon.

After ng practice…

“Jino, hatid kita sa inyo” sabi sa akin ni Darryl.

“Eh hindi mo dala kotse mo, diba?”

“Yun nga eh. Commute tayo papunta sa inyo” sabi niya.

“Ha? Eh paano yun?” sabi ko naman.

“Tsk, maaga pa oh! 5:00 pa lang. Tara na” sabi niya. Ayun, pumayag na rin ako.

Tapos yun, sumakay kami ng jeep. Pero di pa umandar at umalis kasi wala pang gaanong pasahero. Nag pasakaya muna. Then maya-maya, may sumakay na isang tao na di ko inaasahan. Si Blake.

“Huy! Andito pala kayo” sabi ni Blake, tapos ayun umupo siya sa tapat namin. Sa right side kami nakaupo ni Darryl.

“Yeah. Taga san ka ba?” tanong ko.

“Taga Tandang Sora ako. Ikaw?” sabi niya.

“Ay! UP Village ako. Medyo malapit lang pala kayo sa amin” sabi ko naman.

“Yeah, yeah. Medyo nga. Darryl, you’re from Novaliches, right? Ba’t dito ang way mo?” tanong niya kay Darryl. Si Darryl naman, tumitig muna sa kanya tapos nagsalita din.

“May naiwan kasi akong libro kina Jino. Nagpapatutor ako sa kanya” sabi ni Darryl.

“Nice. Uy, Jino minsan daan ako sa inyo ha, pwede ba?” sabi ni Blake. Nakangiti pa siya. Lalo tuloy sumimangot si Darryl. Tinatabig tabig na niya ako.

“Oh, pag iisipan ko” sabi ko.

“Bakit, di ba ako welcome sa inyo?” tanong naman ni Blake.

“Hindi naman sa ganun, busy lang kasi ako” sabi ko naman.

“Great. Anyway, ang cute naman nyang wristband mo. Kanino galing?” tanong ni Blake sa akin. Nagkatinginan kami ni Darryl.

“Uhm…bigay lang” sabi ko.

“Wow. Meron din kasi akong wristband. Sandali ha, tignan ko sa bag ko” sabi niya, then naghanap siya sa bag nya.

“Ba’t mo ba kinakausap yan?” bulong sa akin ni Darryl. Hindi mapakali ang mukha niya.

“Hayaan mo na. Ikaw naman kasi masyado kang obvious na inis ka” sabi ko.

“Eh naiirita ako sa kanya eh” bulong niya ulit. Maya-maya, tumingin na sa amin si Blake. Natapos na siya sa paghahanap.

“Ay, naiwan ko pala sa bahay” sabi niya. Then si Darryl, parang nabunutan ng tinik. Medyo natawa pa. Siniko ko nga siya eh.

“Ganun ba, Blake? Sige ayos lang” sabi ko naman.

“Uy, sige sige guys, dito na pala ako” sabi niya.

“Bye Jino…” sabi niya, then tinapik niya yung balikat ko at tumingin sa akin.

“Bye Darryl” sabi niya. Nagtitigan lang sila. Ewan ko, pero parang may tensyon sa pagitan nila. Feeling ko mananapak itong si Darryl.

“Darryl, ayos ka lang?” bulong ko sa kanya. Tumango lang si Darryl. Patuloy kami sa pagbyahe.

***

Pagka baba namin ng jeep at habang naglalakad kami papasok sa village namin, tahimik parin si Darryl.

“Soldier ko…” sabi ko, tapos inakbayan ko siya.

“Bakit kanina ka pa tahimik?” dugtong ko.

“Wala master…may naisip lang ako” sabi niya.

“Ano naman yun?” tanong ko. Matagal na hindi umimik si Darryl.

“Wala yun master ko. Kalimutan mo na” sabi naman niya. Nakarating na kami sa gate namin.

“Oh siya dito na ako. Salamat sa paghatid” sabi ko.

“Sige, goodnight master ko” sabi niya, tapos kiniss niya ako sa cheek ko.

“Ingat ka sa paguwi…” sabi ko naman. Tapos binuksan na ko na yung gate.

“Master…!” sabi niya. Lumingon ako at tumingin sa kanya.

“Wala. Sige pumasok ka na” sabi niya. Ayun, tuloy lang ako pagpasok sa loob.

Nung malapit na ako sa may pinto namin, naririnig kong sumisigaw si daddy. May umiiyak. Si Ate. Si Ate yun! Pagpasok ko sa loob, nakita kong umiiyak si ate. Si mama din, naluluha na. Si daddy, galit na galit! Sumisigaw siya.

“Hindi ba’t sinabi ko sayo nuon pa na wag na wag kang sasama dyan sa lalakeng yan! At di ba, sabi ko, wag kang mag boboyfriend hangga’t di ka tapos sa pag-aaral mo!” sabi ni daddy. Ako naman, nakatayo lang ako duon sa gilid ng pinto. Sobrang clueless ako. Nagkatinginan kami ni daddy, tapos bigla siyang umalis. Sinundan siya ni mama.

Nilapitan ko ang ate Hannah ko na nakaupo sa sofa namin at sobrang umiiyak.

“Ate, what’s wrong? Bakit galit na galit si daddy?” tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin. Halatang kanina pa siya umiiyak.

“Jino, I’m sorry. Nag li-live in kami ng boyfriend ko. Hindi na ako nag-aaral, and worst, buntis ako” sabi ni ate. Oh my God.

Chapter 34

Parang bumagsak ako sa sinabi ni ate. Nanlambot ang buo kong katawan. Umurong ata ang dila ko sa sobrang gulat. Bakit nangyari sa kanya yun?

“Ate naman, bakit mo ginawa yun?” sabi ko, naluluha na din ako sa nangyari sa kanya. Grabe ang iyak ni ate.

“Di ko din alam, Jino. Basta, nahulog nalang ako sa kanya. Ayun, dumating sa point na yung pinapadala sa aking pera para pambayad ng tuition binibigay ko na sa kanya, tapos pang-gastos namin sa bahay. Hanggang sa tumigil na ako sa pag-aaral ko” sabi ni ate sa akin. Napaiyak na din ako sa kanya.

“Paano ka na? Sayang ka ate, sayang ka! Ang talino mo pa naman, tapos sinayang mo lang ang tiwala sayo nila mama at papa!” sabi ko, tapos umiyak na rin talaga ako. Ganun din si ate.

“Diyan ka na nga!” sabi ko, tapos iniwan ko na siya. Nasaktan ako sa ginawa ni ate. Role model ko pa naman siya. Matalino kasi siya talaga. Consistent top 1 nung elementary at valedictorian nung high school. Kung kailan pa 4th year college na, tsaka pa nagloko. Malapit na eh, malapit na! Naiinis ako sa kanya, kasi mali talaga yung ginawa niya, pero naaawa din ako. Pinuntahan ko si mama duon na naka tayo sa tapat ng pinto ng kwarto nila ni daddy.

“Ma…” sabi ko. Humarap sa akin si mama mula sa pagkakayuko niya.

“Nagulat ang daddy mo. 3 weeks na palang buntis yung ate mo. Since November last year pa sila nag li-live in. December siya huminto…” sabi ni mama, naiiyak na naman siya. Niyakap ko si mama.

“Ano bang nangyari diyan sa ate mo?” sabi ni mama sa akin. Muling umiyak ng sobra si mama.

***

9:00 PM

Pumasok ako sa kwarto ng tahimik. Iniisip ko parin ang mga nangyari ngayong gabi. Grabe, parang kanina lang ay masaya ako tapos ngayon, ang lungkot ko na. Naiiyak nanaman tuloy ako. Tinignan ko ang cellphone ko. Ang daming messages. Galing kay Darryl, Daphne, Alex at sa iba ko pang classmates. Pero tamad akong magbasa ng kahit anong messages ngayon…hangga’t sa nakatulog na ako.

***

Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na sina mama at papa. Pumasok na sa opisina. Si ate naman, tulog na. Mga 7:00 AM ay umalis na ako ng bahay.

Sa school, habang nakaupo ako sa sahig sa tapat ng room namin dahil naka lock pa ito, lugmok na lugmok padin ako. Madami kasi akong iniisip. Para siyang sirang CD na paulit ulit ang image sa isip ko. Tulala lang ako at sobrang balisa. Maya-maya, nakita ako ni Daphne.

“Jino!” sabi niya, tapos umupo siya sa tabi ko. Nawala ang ngiti niya nung nakita niya ang sobrang lungkot kong mukha.

“May problema ka ba?” tanong niya sa akin.

“Oo, Daph. Sobrang laki” sabi ko naman, tapos tumingin ako sa kanya.

“Share mo naman. Baka may maitulong ako” sabi niya sa akin. Natahimik ako sandali at inayos ko ang polo ko. Si Daphne naman, inayos yung skirt niya at ang pagkakaupo niya.

“Kasi alam mo ba…si ate, nag stop siya sa studies niya, at nakikipag live-in na siya sa boyfriend niya” sabi ko.

“Si ate Hannah? Talaga? Eh di ba matalino yun?” sabi ni Daphne, sobra din ang gulat niya.

“Oo Daph. And worst, buntis ang ate ko” sabi ko, at napayuko ako. Napa gasp si Daphne. Tapos lumingon ako sa kanya, malungkot na din ang mukha niya.

“Jino, anong sabi ng daddy at mommy mo?”

“Nagalit, syempre. Pagkadating ko sa bahay, kitang kita ko na sobrang galit na galit si daddy. Si mama naman umiiyak. Pati ako, nadala na rin” sabi ko, naiiyak na naman ako. Hinawakan ni Daphne ang shoulder ko.

“Pagsubok lang yan Jino. Just promise me not to let go, okay? You need to be strong. Lahat ng bagay may sulusyon” sabi niya sa akin.

“Hindi kasi ako makapaniwala. Bakit si ate nagkaganun?” tanong ko kay Daph.

“Hindi ko din alam Jino. Siguro, tadhana na talaga nya yun. Pero ngayon, ikaw dapat ang maging matatag para sa pamilya mo. Andito lang kami para sayo, di ka namin iiwan” sabi ni Daphne tapos nginitian lang niya ako.

***
Maya-maya sa lunchbreak, magkasama kami ni Darryl na kumain duon sa may rooftop ng Science building. Nakadungaw lang kami duon sa parang viranda. Tahimik padin ako, as usual. Sina Daphne at Alex kasi, tumulong duon sa pagbabantay ng quiz bee. Gusto rin nang mga yun na mag skip ng classes.

“Master, nakwento na pala sa akin ni Daph yung nangyari. Wag ka na malungkot” sabi ni Darryl sa akin. Pero wala lang, nakatingin lang ako sa kanya. Tapos ayun, medyo lumayo siya sa akin.

“Huy, anong gagawin mo?” sabi ko. Nakatayo siya sa harap ko at nakangiti.

“Master, gusto kitang patawanin. Wait lang ha” sabi niya, tapos maya-maya. Nag makeface siya na parang weird. Parang duling tapos, ayun, nag cartwheel pa sa harapan ko. Ako naman, sa sobrang ka kornihan niya, natawa nalang ako.

“Wow, tumawa ka na master ko, salamat naman!” sabi niya sa akin, tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nung bumitiw ako, dumungaw ulit ako. Tapos siya, tumabi sa akin at hinawakan ang right hand ko. As in mahigpit na naman.

“Hindi kita iiwan ha. Promise ko yan sayo” sabi niya sa akin. Tapos ayun, napangiti na talaga ako ng tuluyan.

“Sandali Darryl, baba lang ako at bibili ako ng inumin sa canteen” sabi ko.

“Hala? Samahan na kita, ang taas nitong rooftop eh” sabi niya.

“Eh wag na, sige dito ka nalang muna. Babalik ako kaagad ha” sabi ko, tapos ayun tumakbo na ako papunta duon sa stairs pababa.

Habang naglalakad ako pababa duon sa may hagdan, may nakita akong nakaupo duon sa parang malaking space ng hagdan. Si Blake.

“Blake? Anong ginagawa mo diyan?” sabi ko naman. Lumingon sa akin si Blake at tumayo. Nakangiti na naman siya.

“Huy, nakita ko kayo kasi kaninang umakyat, so I followed” sabi niya. Then ako naman, na weirduhan ako.

“Bakit ka aman susunod?” sabi ko.

“Wala lang. Oh wait, ito yung wristband ko oh” sabi niya. Tapos pinakita niya sa akin yung suot suot niyang wristband. Nagtaka ako. Kaparehong kapareho nung sa akin, pero kulay red lang. Tapos nakasulat duon, “MY ANGEL” naman.

“Weird ha, kasi alam mo, sobrang parehas tayo ng wristband” sabi ko.

“Really? I guess they came from the same person” sabi ni Blake sa akin. Kakaiba ang tingin niya at yung ngiti niya, nakaka kaba.

“Wow…it can’t be…kanino ba galing yan?” sabi ko sa kanya. Lalong lumapit sa akin si Blake, ganun padin siya kung makangiti. Natatakot na ako sa kanya.

“Kay Darryl. Remember, we used to be batchmates, alam mo ba yun?” sabi niya. Nagulat ako duon. Oo, alam ko na batchmates sila dati…dahil sinabi sa akin ni Jane. Pero si Darryl, hindi pa niya sinasabi sa akin iyon.

“Talaga? Bakit ka niya binigyan nyan?” sabi ko. Kinakabahan na talaga ako. As in.

“Of course. He’s my ex boyfriend. Not surprising, right?” sabi ni Blake sa akin. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nung sinabi niya yun sa akin.

Chapter 35

Alam niyo yung feeling na parang nahihilo kayo at gusto niyong sumuka nalang? Yun ang nararamdaman ko. Nagsalita na ako.

“Ano…anong sinabi mo?” sabi ko. Actually narinig ko talaga, kaso…parang hindi kayang pumasok sa isip ko.

“Oo. Ex ko siya…” sabi ni Blake sa akin. Parang isang espada na tumusok sa akin ang salitang iyon ni Blake. Lalo pa akong kinabahan nung unti unti siyan lumapit sa akin.

“Pero nuon yun…dahil…” sabi niya, tapos hinawakan niya yung chin ko. Lalong lumakas ang kabog ng heart ko. Grabe.

“Ikaw na ang gusto ko…” sabi niya. Then maya-maya may narinig akong bumababa. Pagkalingon ko, nakita ko si Darryl. Biglang inalis ni Blake ang kamay niya sa chin ko, at parehas kaming nakatingin kay Darryl. Tapos ayun, humarap na siya sa amin. Kaming tatlo, nagtitigan. Hangga’t nagsalita si Darryl.

“Jino, bakit ang bilis mo atang nakabili?” tanong ni Darryl. Hindi ako makapag salita. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko kay Darryl.

“What’s up, My Angel?” biglang sabi ni Blake. Nagulat ako at biglang napatingin ako kay Blake. Si Darryl din, nagulat. Halatang kabado siya.

“Hindi pa pala alam nitong si…uhm…” sabi ni Blake, tapos halata kong tinanaw niya yung nakasulat sa wristband ni Darryl.

“Wow, master pala ang endearment mo sa kanya. Parang sa akin dati, My King. Darryl, you’re still sweet as hell. I admire you for keeping that commendable attitude.” sabi ni Blake, tapos tumawa siya at pumalakpak pa. Ang sarcastic ni Blake. Si Darryl, halatang nagagalit na.

“Jino…anong nangyayari dito?” sabi ni Darryl. Ako naman, nakatingin lang sa kanya. Hindi ako makapagsalita.

“Tsk, tsk, tsk. Darryl, Darryl, Darryl. My angel, alam mo ba…” sabi ni Blake, tapos bigla siyang umakbay sa akin. As in ang higpit nung akbay niya, tapos magkalapit pa yung mukha naming dalawa.

“Alam mo bang kanina pa hindi makapagsalita si Jino dahil sa narinig nya? Akala ko pa naman, he knows everything about us and it’s perfectly okay…pero yun pala, wow. Jino’s one hell of a clueless guy. Sayang, ang sweet mo pa naman, hindi ka naman honest” dugtong ni Blake. Tapos inalis ko bigla yung pagkaka akbay niya sa akin. Si Darryl, galit na talaga siya. Ang ginawa niya, bigla niyang sinugot si Blake.

“Gago ka, ha?!” sabi ni Darryl, tapos sinapak niya bigla si Blake. Dun na ako nagsimulang mag react. “Hoy! Darryl”, bigla kong sigaw. Ang bilis ng pangyayare, nakita ko nalang ang sarili ko na inaawat ko na sila dahil nagsasakitan na. Grabe, nakahiga na sila duon at pilit na saktan ang isa’t isa. Maya-maya, bigla kong hinatak si Blake.

“Tama na! Tumigil nga kayo!” sabi ko. May kaunting dugo sa may bibig si Blake, dahil sa sapak ni Darryl kanina. Si Darryl naman, sobrang nagulo ang uniform at mas madumi siya compared kay Blake.

“Jino, wag ka nang lumapit sa lalakeng yan!” sabi ni Darryl, galit pa din. Hindi ko na kaya, gusto ko nang ilabas ito.

“Bakit? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Blake eh di hanggang ngayon mukha parin akong tanga!” sabi ko, nagagalit na ako.

“Wait…Jino, mapapaliwanag ako” sabi niya. Pero hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Bumaba na ako, iniwan ko sila.

“Sandali…Jino! Jino!” sabi ni Darryl, tapos bigla siyang sumunod sa akin pababa.

***
Habang naglalakad ako palayo, ang daming pumasok sa isip ko. Bakit Darryl? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Bakit mo ako niloko? Akala ko ba, honest ka sa akin. Nakakainis ka, Darryl! Nakakainis ka!

Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng nalakad ko. Nakarating ako sa may back gate at sa may paradahan ng mga sasakyan. Hanggang duon ay nasundan ako ni Darryl.

“Jino! Pakinggan mo nga ako!” sabi niya, tapos hinawakan niya yung kanang balikat ko. Hindi ko alam, pero inalis ko talaga yung kamay nya. Bayolente yung pagkakaalis ko. Tapos, lumingon ako sa kanya.

“Huwag mo nga akong hawakan!” sabi ko, pasigaw.

“Let me explain!” sabi niya, yung mukha niya, mukhang desperado na talagang makapagpaliwanag.

“Explain what, huh? God, Darryl you lied to my face” sabi ko.

“Playboy si Blake. Dalawa pala kaming boyfriend niya kaya ako nakipag break sa kanya! Tapos na yun, matagal na!” paliwanag niya sa akin.

“Hindi naman kaso sakin yun eh!” sabi ko. Maya-maya, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko na kaya. Sobra na ang nararamdaman ko.

“That fact na sinabi mo sa akin na I’m the first guy you loved, napakalaking kasinungalingan na sa akin yun, Darryl. Tapos…tapos malalaman ko ex-boyfriend mo pala si…what, si Blake. Kaya pala ang cold ng treatment mo sa kanya. Ni hindi mo nga sinabi sa akin na magka batch pala kayo, nalaman ko pa sa ibang tao” sabi ko, tapos pinunasan ko yung tumutulong luha ko. Kunot na kunot ang noo ko dahil sobrang ang galit ko sa kanya. Tahimik lang si Darryl, at mukhang paiyak na rin.

“Pinanghawakan ko yun, Darryl. Pinanghawakan ko na totoo yung sinabi mo…na ako ang unang lalaking minahal mo. Naniwala ako dun. Pero, hindi pala. Wala na sa akin na naging kayo ni Blake eh, matatanggap ko pa iyon. Pero the fact na you told me that stupid lie, ang sakit nun para sa akin” sabi ko, tapos umiyak na talaga ako. Hindi ko na mapigilang humagulgol. Tumulo na rin mula sa mga mata ni Darryl ang luha.

“Jino, please…” sabi niya, then he tries to touch me, but hinawi ko ang kamay niya. Umiling ako at umiyak na lang.

“Akala ko, hindi mo magagawa sa akin yon. Pero ikaw pala yung isa sa mga taong sasaktan lang ako” sabi ko, then umiyak na talaga ako.

“Jino, sorry. Pero hindi ko sinasadyang masaktan ka. Gusto ko na talagang sabihin sayo kaso ang hirap eh. Hindi ako makahanap ng tyempo.” sabi ni Darryl sa akin. Umiiyak na din siya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo ko. Tapos huminga ako ng malalim.

“You don’t need to explain, Darryl. Malinaw na sa akin ang lahat. Goodbye…” sabi ko, then naglakad na ako papalayo.

“Jino! Jino! Sandali lang naman!” sigaw sa akin ni Darryl. Hindi ko na siya nilingon pa.

Pumasok ako sa loob ng CR at duon ako nagkulang at umiyak pa ng umiyak. Kailangan kong ilabas ito. Ang sakit. Sobrang sakit. Ang sama ko, pero mas nasaktan ako dito kaysa duon sa balitang nabuntis si ate Hannah. First time kong makipag relasyon, at first time kong masaktan dahil dito. Ang sakit pala ng feeling ano? Parang bumagsak ang mundo ko. Parang gumuho…para akong nahulog sa bangin at tumusok sa isang puno. Ang hirap. Ang sakit talaga.

***
Kinabukasan, nakwento ko na kina Alex at Daphne ang buong pangyayari kahapon. Nasa gym kami nuon para sa PE namin. Siya nga pala, minsan lang kami mag PE na as in activities. Pangatlo palang ata ito? Puro kasi lectures eh. Nakaupo kami sa gilid ng gym.

“Puta, asan yung Darryl na yun? Nak ng…di ba sabi ko Jino, kapag sinaktan ka nya, ako ang unang sasapak dun?” sabi ni Alex.

“Baliw ka, naunahan ka na ni Blake. Nasapak na diba?” sabi naman ni Daphne.

“Tumigil ka nga, Daph! Kita mong niloko itong kaibigan natin, nakukuha ka pang magbiro! Humanda sa akin yung Darryl na yun” sabi ni Alex, talagang nagagalit siya.

“Alex! Huwag ka ngang ganyan. Hayaan mo na siya.” sabi ko naman. Malungkot kong sinabi kina Alex at Daphne. Inakbayan ako ni Daphne, na nasa kaliwa ko. Napapagitnaan nila akong dalawa.

“Friend, boys are whatever. Makaka move on ka rin diyan” sabi niya.

“Eh Daphne kasi, hindi ko alam…pero mahal ko parin siya eh. Pero masakit talaga” sabi ko naman.

“Pag isipan ng mabuti, Jinoboy. Baka nadadala ka lang ng mga pangyayari sa ngayon” sabi naman ni Daph. Napabuntong hininga na lang ako.

“Anong isip-isip. Wag na! Tapusin mo na yan” sabi naman ni Alex.

“Ang nega nito! Palibhasa kasi single pa. Wag ka ngang ganyan. Naku Jino, give chance naman to Darryl” sabi sa akin ni Daphne.

“Bahala ka. Ikaw ang masusunod. Basta Jino, kung ano man ang desisyon mo, nandito lang kami ni Daphne para sayo. Kami ang iyong sandigan” sabi ni Alex with matching hand gestures na parang super hero. Natawa si Daphne, ako napangisi lang.

“Salamat sa inyong dalawa. Kung wala kayo, hindi ko alam kung ano ako ngayon…” sabi ni Jino.

***

Buong araw kong hindi nakita si Darryl. Ayos lang yun, hindi ko naman siya gustong makita. Well, not now. Masakit padin kasi. May tinawagan ako sa cellphone

“Hello? Diane?” sabi ko sa tinawagan ko.

Chapter 36

Nakipag kita ako kay Diane duon sa coffee shop na malapit sa school namin. Naghintay ako ng mga 20 minutes din, tapos ayun dumating na si Diane. Surprisingly, I noticed her hair…she cut it short, but still she looks beautiful. But…

“Diane!” sabi ko, tapos inaya ko siya na maupo kami. Duon kami umupo sa table sa may labas ng coffee shop. Magkaharapan kami.

“What happened to your hair?” sabi ko.

“Wala naman. For a change. I got tired of wearing a long na rin eh” sabi naman ni Diane. Mukhang kalmadong kalmado siya, ako naman, kinakabahan.

“You didn’t need to do that. Your long hair was beautiful, but you still look stunning with short hair. It’s just that sana hindi mo nalang binago” sabi ko. Natawa si Diane.

“Bakit? Hindi ba pwedeng baguhin? Ikaw nga eh. You’re already handsome and smart when you’re still straight but you choose to change and become what you are now” sabi ni Diane sa akin. Ako naman, natahimik.

“Inevitable naman yung sa akin eh” ayun, may lumabas din sa bibig ko.

“Sa bagay. Well, I’ve heard that you’re one of the candidates for the Mr. and Ms. Junior and Senior. Congrats!” sabi sa akin ni Diane.

“You’re welcome” sabi ko, tapos ngumiti ako.

“Yeah. So, bakit mo ba ako pinapunta dito?” tanong niya sa akin. Inayos ko ang uniform ko, kinakabahan kasi talaga ako.

“Diane, I know na parang hindi mo pa tanggap kung ano ako ngayon, but I need your help” sabi ko.

“Ano ba yun?” tanong sa akin ni Diane.

“Kasi…si Darryl, so diba kami na. Tapos ngayon, sa pageant, may nakilala akong guy. Blake ang pangalan. Tapos nalaman ko nalang na ex boyfriend pala niya yun…eh ang sabi niya sa akin na, I’m the first guy he loved…” explain ko kay Diane.

“Hmmm…ex boyfriend niya yung nakilala mo…si Blake, right? Hmmm…naging mag boyfriend nga sila dati, but…” sabi ni Diane, tapos natigilan siya.

“Sure ka ba na may love talagang naramdaman si Darryl?” dugtong ni Diane. Bigla akong napatingin sa kanya. Na curious ako sa sinabi niya iyon.

“Ha? Elaborate mo nga” tanong ko.

“Kasi, kahit na mag boyfriend sila, you can’t tell if it’s really romantic or just…casual relationship. Have you asked Darryl if he really loved Blake?” sabi sa akin ni Diane. Tinamaan ako sa sinabi niya, napayuko ako at umiling.

“Maybe you should ask him. Pakinggan mo yung side niya. That’s the best thing na magagawa mo” sabi ni Diane, then she smiles.

“Eh kasi Diane ang hirap din eh…may problema pa akong isa. Hindi ko alam kung kaya ko pang makipag balikan sa kanya” sabi ko kay Diane.

“Kasi alam mo, nabuntis si ate…at medyo nagkakagulo sa pamilya namin. Kapag pinagpatuloy ko ito, parang nakaka guilty…” pagpapatuloy ko.

“Eh bakit ka naman magiguilty?” tanong ni Diane sa akin.

“Basta, may guilt feeling ako” sabi ko naman.

“Eh di nasa sayo yan Jino. Nasasayo kung ano ang dapat mong gawin” sabi ni Diane.

“Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang tama? Or kung piliin ko ba yun, sasaya ba ako?” sabi ko naman.

“Jino, kadalasan, magkaiba ang isang bagay na tama at magpapasaya sa atin. Hindi naman lahat ng tama ay nagpapasaya sa atin at hindi rin lahat ng nagpapasaya sa atin ang tama” sabi ni Diane. Ako naman, wala na akong masabi.

“Basta, ikaw na sa sarili mo ang makaka alam niyan. Pag isipan mo. Give it some time…” sabi ni Diane at ngumiti siya.

“Alam mo. Salamat. At sorry, ha. Dahil na disappoint ka sa akin…” sabi ko. Lalong ngumiti si Diane.

“Wala na sa akin yun. Basta Jino, magpakabait ka ha. Pag isipan mong mabuti ang mga gagawin mo.” sabi ni Diane. Tapos tumayo na kaming dalawa. And then I hugged her. Tightly. God, salamat sa kanya. Akala ko nawala na siya sa akin. Salamat naman at hindi.

***
Kinabukasan, uwian. After kumain, pumunta si Daphne duon sa teacher namin sa Physics para kunin yung project nya, tapos si Alex naman nagpractice saglit sa bahay. Ewan ko ba, kasi naman parang ayaw ko nang mag stay sa bahay ng matagal. Palagi na kasing mainit ang ulo ni daddy. Hindi na kami katulad ng dati na masaya. Ngayon, parang ang lungkot lungkot na naming lahat. Nawala na yung kulitan sa dinner table, lahat lahat na. Kagabi nga eh, nasigawan ako ni daddy dahil hindi ko naubos ang pagkain ko. At ang arte ko daw sa pagkain. Pati yun napansin na niya, eh hindi naman niya yun napapansin dati. So ayun, ito ako, nakatambay sa tapat ng Science Building mag isa. Ng biglang may tumawag sa akin.

“Jino…” sabi ng boses sa akin. Pamilyar. Mula sa likod ko. Paglingon ko…

“Oh, Blake, anong ginagawa mo dito?” tanong ko naman.

“Are you mad at me?” tanong niya.

“Obviously.” sabi ko, tapos tinalikuran ko siya. Tapos tumabi siya sa akin.

“Why? Eh hindi ko naman alam na hindi pa sayo sinasabi ni Darryl eh” sabi ni Blake.

“Wala akong pakialam. Basta, galit ako” sabi ko. Naka frown pa ang mukha ko. Ang pangit ko na naman. Natawa naman si Blake.

“Ganun ba? Okay…so, I’m sorry, Jino for hurting your feelings” sabi ni Blake.

“Uy, ano ba? Nag sorry na nga ako eh!” sabi niya ulit, kasi nakita niya na nakasimangot parin ako at walang sinasabi. Maya-maya may kinuha siya sa bag niya.

“Ito oh. Peace offering” sabi niya, tapos may inabot siya sa akin. Tinignan ko naman.

“Candy?” sabi ko. Yung candy, hugis bear siya, tapos nakadila tapos duling ang mata. Wacky pose.

“Ayan, sayo na yang candy ko. Yan lang kasi ang pwede kong gawing peace offering eh. Galing Japan yan” sabi ni Blake sa akin.

“Hindi ako nakukuha sa Candy. Ano ako, bata?” sabi ko naman, naiinis parin ako. Si Blake, hindi na ngumingiti. Seryoso na din ang mukha nya.

“Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?” tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. Ganun din siya sa akin. Nagkatitigan kami ng medyo matagal.

“Sige na nga…okay, di na ako galit sayo” sabi ko. Tapos ngumiti si Blake at nag “YEEES” tapos yumakap siya sa akin.

“Ano ba, Blake?” sabi ko, tapos bumitiw na siya.

“Huy, wag na tayong umattend ng rehearsals ngayon, pareparehas lang naman ang gagawin eh. Pasyal tayo, sakay tayo sa bago kong motor!” sabi ni Blake. Nagulat naman ako.

“Baka pagalitan tayo!” sabi ko naman.

“Wala yan, isang beses lang naman eh, tara na!” sabi ni Blake, tapos bigla niya akong hinatak.

***
Duon sa may parking, nakita ko yung motor niya. Ang ganda, kulay silver. Yung 2009 Suzuki Boulevard M109R.

“Ang ganda naman nito” sabi ko. Tapos sumakay na si Blake.

“Oo, limited edition yan ha. Sakay ka na!” sabi niya, tapos pinasa niya sa akin ang helmet. Ayun, sumakay na ako.

“Oh, tara na” sabi ko. Tapos kinuha niya yung kamay ko at pinakapit niya sa kanyang baywang.

“Higpitan mo ha. Isipin mo boyfriend mo ako” sabi ni Blake. Natawa nalang ako. Ayun, pinastart na nya.

“Siya nga pala, Jino. Nakalimutan ko. This is my first time na magpatakbo ng motor! Kakadeliver palang nito dito sa school kanina!” sabi ni Blake, at bigla niyang pinaharurot ang motor niya.

“Whaaaat?! Blake!” sabi ko, pasigaw.

“Woooo! Kapit ka lang, Jino!” sabi ni Blake sa akin. Ang higpit nga ng pag-kapit ko sa kanya. Grabe, nag motor lang kami. Kung saan saan kami nakapunta. Hindi nga ako pamilyar sa ibang places eh. Basta, para akong lumilipad. Ang saya! Masaya palang kasama itong si Blake. Ang bait naman pala niya.

Mga 7:30 PM, hinatid na niya ako pauwi gamit ang motor niya. Pagkababa ko, hinubad ko na ang helmet at binigay ko sa kanya.

“Totoo bang first time mong magpatakbo? Ang galing mo kasi eh” sabi ko naman.

“Well, sa province pa angkas angkas pero oo, first time ko” sabi ni Blake, natawa naman ako sa kanya.

“Thanks ha…” sabi ko, tapos nagtitigan ulit kami. Tapos hinawakan niya yung pisngi ko and…

He kissed me on my left cheek.

Chapter 37

Nakakagulat naman yung ginawa ni Blake sa akin. Tinitigan ko siya, yung ngiti niyang kakaiba eh andun na naman. Maya-maya, nagsalita siya.

“Can I date you, Jino?” he said. Oh my God, totoo ba itong narinig ko? Kinakabahan na naman ako. Pero ibang kaba…hindi katulad nung intensity na naramdaman ko kay Darryl dati. Pumikit ako at huminga ng malalim. Inhale, exhale. At binuksan ko muli ang aking mata, at nagsalita.

“Blake…I’m sorry” sabi ko. Nawala ang ngiti sa mukha ni Blake.

“But…but why?” tanong niya.

“Don’t ask why…ayaw ko lang talaga. I don’t think na it will work…” sabi ko. Seryoso padin ang mukha ni Blake.

“Bakit ka sumama sa motorcycle ride. I thought you’re in for a date” sabi niya sa akin.

“How dare you? We’re just friends, right? Hanggang dun lang tayo. Pumayag akong sumakay sa motorsiklo mo, hindi sayo” sabi ko, medyo insulting din kasi si Blake.

“You still love him, right?” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya, kilala ko kung sino tinutukoy niya. Sino pa ba, eh di si Darryl? Kumabog nanaman ang heart ko. This time, iba na. Naalala ko si Darryl. Hindi ako nagsalita, pero sa totoo lang…oo mahal na mahal ko parin si Darryl. Natawa sa akin si Blake.

“Ang swerte ng taong yun sa’yo, alam mo ba? I think God is giving him so many blessings because of what I did to him” sabi ni Blake. Parang nagising ang dugo ko sa kanya.

“What?” tanong ko. Natawa ulit si Blake.

“Hindi mo pa pala alam, no? Well, 3 months ang tinagal namin. Ako nanligaw sa kanya. Napaka vulnerable niya nuon kaya madali ko siyang nasungkit. Then he found out na may iba pala akong kinakalantaring lalake, then ayun, in just a snap, nag break kami” explain sa akin ni Blake, nakatawa padin siya. Grabe. I can really sense that he is a heartless bastard.

“Wow, ganun ganun nalang yun?” tanong ko kay Blake.

“Well…boys they come and boys they go. Nothing really last forever” sabi ni Blake. Natawa pa siya sa sinabi niya. Ako naman, tahimik lang ako na tumitig sa kanya.

“I can’t believe you did that” sabi ko. Grabe tong si Blake.

“Sige na, gabi na. Go home” sabi ko, then binuksan ko na yung gate namin.

“Uy next time ulit, motorcycle ride tayo ha” sabi niya.

“No. That would be the first and the last one. Thanks” sabi ko, then tumalikod na ako pagkasara ko nung gate at naglakad palayo. Halfway through, narinig kong pinaandar na ni Blake ang motor niya.

Nagsisisi tuloy ako. Bakit ako sumama sa kanya? Nandidiri ako sa sarili ko. May mga ganung tao pala talaga katulad ni Blake . Akala ko sa TV or pelikula ko lang nakikita ang mga yun. Gawin daw bang laruan ang love? Grabe siya. Mabuti nalang at sa cheeks lang naka goyong ang taong yun. Tatlong beses ako maghihilamos mamaya. Si Blake ang isang tao na hindi deserving para mahalin. Aanhin niya ang good looks niya kung ganun ang ugali niya? Grabe. Nung pagbukas ko ng pinto, nakita kong nakaupo duon sa daddy sa may sofa.

“Oh Jino. Andito ka na pala. Kumain ka na ba?” tanong ni daddy.

“Opo dad. Kayo ho ba?” sabi ko.

“Oo. Halika ka nga at maupo ka. Magkwentuhan muna tayo” sabi ni daddy. Nakatingin ako sa mukha niya. Mas ayos na siya ngayon, pero bakas padin sa kanya ang sobrang lungkot.

“Dad…ano po yun?”

“Alam mo Jino, pasensya ka na sa mga inasal ng tatay mo nitong mga nakaraang araw, ha? Masyado lang akong naging problemado. Hindi ko ineexpect na magagawa sa atin ng ate mo yun” sabi ni daddy.

“Okay lang yun dad. We can always move on naman po” sabi ko.

“Masyado ba kaming mahigpit sa inyo ng mommy mo?” tanong ni daddy.

“Hindi naman po…masaya po ako” sabi ko naman. Totoo naman yun. We’re a very happy family…until that tragic thing happened.

“Sabi kasi ng ate mo, hindi daw niya nagagawa ang gusto niya at hindi siya masaya. Masyado kasi naming napwersa ang ate mo. Hindi naman niya talaga gustong mag nursing, pero pinilit namin siya dahil nga maganda ang trabaho duon at matalino naman ang ate mo. Pero…hindi naman namin naitanong kung ano ba talaga ang gusto niya at kung saan siya masaya” paliwanag ni daddy. Tahimik lang ako na nakakikinig sa kanya.

“Jino, anak, ayaw kong gawin sayo yun. Baka dumating ang panahon na magbulakbol ka rin sa amin” sabi ni daddy.

“Naku dad, hindi ko ata kayang magawa sa inyo yun”

“Basta. Kung saan ka masaya anak, susuportahan ka namin. Kahit ano pang gawin mo, nandito lang kami sa likod mo. Basta, wag ka lang gagawa ng makakasama sayo ha” sabi ni daddy. Napangiti ako sa sinabi niya.

“Dad naman! Hindi talaga ano” sabi ko.

“Alam ko naman iyon. May tiwala kami sayo ng mommy mo” dagdag pa niya.

***
Pag akyat ko sa kwarto, I feel so…happy. Feeling ko kasi parang nawala ang isang baggage sa buhay ko. Hindi pa naman completely ayos ang family ko, but at the same time, I feel that malapit nang mabuo ulit ang happiness sa pamilya namin. Nakakamiss din kasi eh. At isa pa…nalaman kong may tiwala pala talaga sa akin ang parents ko. Akala ko kasi dati, porket masaya kami, eh parang kulang ang tiwala nila. Sana rin naman magkaayos ayos na sila nila ate. Sa totoo lang kasi, mataas ang expectations nila kay ate Hannah, dahil sobrang talino niya. Nakapasa siya sa top 5 universities dito (hindi ko nalang sasabihin kung saan siya napunta). Sa isang school niya tinake ang gusto niyang course, Communication Arts. Napasa niya, pero hindi siya pinayagan ni daddy nuon. Kaya ayun, nag nursing siya.

Pagkahiga ko ay kinalikot ko ang cellphone ko at nakita ko ang picture namin ni Darryl. Nung nakita ko yun, I realized how much I missed this guy. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita, at ngayon ko lang narealize na sobrang namimiss ko na siya. Yung mukha niya, yung mata niya, yung kilay niya, yung ilong niya sobrang gusto kong pisilin at yung mga paglalambing niya sa akin.

Pero may kirot parin akong nararamdaman. Ang taas ng pride ko, ano? Pero sa totoo lang, nung sinabi sa akin ni Blake kanina iyon, naawa ako kay Darryl. In fact, kaya ako nagalit kay Blake ay dahil affected ako sa ginawa niya kay Darryl. Pero…pero…ahhh! So ano ba? Naguguluhan ako. Gusto ko siyang kausapin na ayaw. Basta, bahala na.

***
Monday, sabay sabay kaming pumasok nila Alex at Daphne. Nagkukwentuhan kami sa upcoming pageant sa February 12. Ang bilis ng panahon ano? February 04 na ngayon, ilang araw nalang. Grabe!

“Alam mo Jino, kinakabahan ako sayo. Sana manalo ka talaga. Ikaw ang pinaka deserving sa lahat” sabi ni Alex.

“Ay naku, buti nga at hindi nakasama yung si Clyde. Huy! Wait lang, tignan niyo oh!” sabi ni Daphne. May tinuturo siya duon sa may bulletin board tapos may iba pang students na tumitingin.

Voting siya para sa mga students kung sino sa tingin nila ang mananalo sa pageant. Andun lahat ng photos ng candidates.

“Jino…nangunguna si Darryl…then sumunod ka” sabi ni Alex. Nakita ko nga. Si Darryl mayroong 207 votes, ako naman mayroong 200 votes.

“What the–Jino, pabor ba sa school ang love triangle ninyong tatlo nila Blake? Eh siya ang number 3 eh!” sabi naman ni Daphne. Tinuro niya. Siya nga ang number 3 with 180 votes. Hindi ako makapag salita.

“Tara na guys, medyo awkward na eh” sabi ko. Kasi awkward na talaga, may mga tumitingin na sa akin at may kumuha pa ng stolen shot ko. Nakakahiya na ng konti. Konti lang naman.

Masaya kaming lumakad papuntang classroom ng makasalubong namin si Darryl. After 4 days na hindi ko siya nakita, ayun, nagpakita rin siya.

“Hoy, anong ginagawa mo dito?” tanong naman ni Alex. Biglang nag shift ang emotion niya. Ako naman, hindi ako makagalawa. Para akong nakakita ng multo.

“Gusto ko lang kausapin si Jino” sabi ni Darryl, medyo natatakot siya.

“Kausapin? For what? Pare buti pa umalis ka nalang” sabi ni Alex. Ang tapang niya.

“Shhh! Alex, calm down. Ano ka ba” sabi naman ni Daph. Ako naman, napayuko lang ako.

“Jino, pwede ba tayong magusap? Sige na” sabi ni Darryl sa akin. Napatingin ako sa kanya. Alam niyo, hindi ko maibuka ang bibig ko. I guess hindi pa ako ready. Nung tumitig ako sa kanya, parang nanariwa ang lahat sa akin. Yung moment na yun na nalaman ko ang pagsisinungaling niya.

Walang ano-ano, bigla nalang akong nag walk out.

“Jino!” narinig kong sabi ni Daphne. Sinundan niya ako. Ganun din si Alex. Nagkulong akong mag isa sa loob ng CR at humarap sa salamin. Naramdaman ko ulit yung sakit na yun. After 4 days na hindi ko siya nakita, medyo okay na ako. Pero nung nakita ko siya, ayun, bumalik ulit lahat.

***
Grabe na ang preperations namin para sa pageant. Tatlong araw na kaming sobrang busy. 4 days nalang, ayan na. Pageant na. Medyo tumulong na din kaming candidates sa pag-gawa ng set design. Si Jane ang madalas kong sinasamahan ngayon dahil sobrang naiirita ako kay Blake dahil sa ginawa niya. Ang sama ng ugali niya. Now, I can see him mingling with the props director na 2nd year high school. Lalakero ang loko.

With Darryl naman, as much as I wanted to talk to him, I don’t know. Something inside me is telling “No, not yet! Hello, he lied to your face”. Parang ganun? Ewan ko kung kaartehan lang ito pero yun eh, ganun ang nararamdaman ko.

Kapag medyo magkalapit kami ni Darryl backstage or onstage, bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Parang gusto kong tumakbo nalang at umiyak sa isang tabi. May kirot parin kasi talaga. Sometimes, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, at sometimes nahuhuli din niya ako. Gusto ko siyang kausapin, pero not now talaga. Kapag okay na ako, oo kakausapin ko na siya. Mahirap din kasi na kausapin ko siya tapos may galit at sakit parin sa akong nararamdaman. Ayun…

February 10, 2010 – Dress rehearsals namin ito. Grabe, ang dami kong dala! Kasama ko sina Alex at Daphne nung ginawa namin ito. Grabe ang support nila sa akin. The best ang dalawang ito. Hindi hindi ko sila ipagpapalit. Buti nalang 3 days prior to the pageant, walang pasok kasi sunod sunod ang events: February 07 – Singing Contest; February 08 – Dance contest; February 09 – Grand Finals ng Quiz Bee at February 10 ang Fun Day sa school namin. Ewan ko ba kung bakit kapag foundation day, hindi nila sinasabay ang fun day. May topak talaga ang Brettwood.

Backstage, hindi ko na kaya. Kinakabahan na talaga ako. Nakasuot kami nung Rockstar attire namin. Grabe ang kaba ko. Nakita ko si Darryl na nakatayo lang sa tabi ko. Ah! Hindi ko na kaya. Kakausapin ko na siya.

“Darryl…” sabi ko. Lumingon siya sa akin kaagad. Yung mukha niya, mukhang kinakabahan din siya.

“Goodluck ha” sabi ko. Yun lang ang nasabi ko.

“Thanks” sabi niya, tapos ngumiti siya. Ako naman, hindi. Instead ang ginawa ko, medyo umurong ako palayo. Hay! Ang arte ko. Pero ewan, may something na pumipigil sa akin. Pero medyo nakaramdam ako ng relief nung nakausap ko siya.

After naming mag dress rehearsal, rest day namin bukas para okay na okay na ang lahat. Sinabihan kami nung instructor namin na wag kaming kabahan at proud siya sa amin. Wow. Hindi ko ineexpect ito, pero sobra ang kaba ko.

***
Ang ginawa ko nung rest day? Grabe, parang halos 5 beses ata ako kung maghilamos. As in, tapos super naging vain ako. Naglagay pa ako ng pipino sa mata ko. Sina mama at papa ay tinulungan ako. Nagpamasahe ako kay manang at nag foot spa pa ako. Grabe, kinakabahan talaga ako.

“Anak, goodluck ha! Kaya mo yan” sabi ni daddy habang minamasahe niya yung paa ko. Grabe, naging 1 day king ako sa bahay. Nakakatuwa naman at supportive sa akin ang parents ko.

Natulog ako ng maginhawa ang pakiramdam at medyo kinakabahan. 10 AM ang calltime for tomorrow. Ang sarap ng higa ko dahil namasahe ako ni manang. Tomorrow is the day. Shocks, bukas na ang judgment day.

Zzzzz…

*RING RING* sabi ng alarm ko. He! Magtigil ka diyan

*RING RING* ang kulit. Ano ba?

*RING RING* ayan na! Tatayo na!

SHOOOT! 11:10 AM na! Late na ako sa calltime! AAAAALIIIIS na Jino!

Chapter 38

Halos mahulog ako sa kama ko nung makita ko yung oras. Kumaripas ako pababa ng banyo. Napansin kong kumakain sina Mama at Papa kasama si Ate. Nakita nila akong tumakbo pababa ng hagdan.

“Jino! Baka malaglag ka! Sige ka, pagnagka black eye ka hindi ka masyadong gwapo!” narinig kong sabi ni ate.

“Mas lalong hindi ako makakasama dun kapag nalate pa ako ng isa pang minuto sa last rehearsals namin!” sabi ko, habang nasa loob ako ng banyo.

Pagka ligo ko ay diretso na ako nagbihis kaagad. Tapos kumuha ako ng isang slice ng bread at nag toothbrush.

“Ma! Malelate na talaga ako sa practice!” sabi ko. 11:40 na kasi, grabe, kinakabahan ako!

“Siya, siya mag taxi ka na Jino. Manang! Samahan mong kumuha ng taxi si Jino!” sabi ni mama, para kaming nagpapanic. Isang maleta ang dala-dala ko at kumaripas na kami ni manang palabas.

“Goodluck anak! Manunuod kami mamaya!” sigaw sa akin ni mama. Grabe, hinihingal na ako!

Nakasakay naman kaagad ako ng taxi at surprisingly, tila pinalipad ni manong ang taxi niya at nakarating ako sa Brettwood ng…12:00 ng hapon.

Hingal na hingal akong dumating sa White Auditorium. Lahat sila nakatingin sa akin. Pati si Darryl.

“Miss…pasensya na po dahil late ako” sabi ko, medyo hinihingal pa.

“Hay, Mendez. Sige na, ayusin mo muna sarili mo. Alfonso, tulungan mo itong si Jino” sabi ni mam. Naku naman mam, sa lahat naman ng tao, bakit si Darryl pa ang inutusan mong mag tulong sa akin. Si Darryl naman, kinuha agad yung maleta kong dala-dala. Tapos dumeretso kami sa backstage.

Sa backstage, magkahiwalay ang dressing room ng babae at lalake (redundant ba? ha ha ha). Nakaupo ako duon sa malaking dresser tapos may malaki ring salamin sa likod. Si Darryl nasa tabi ko, inaayos yung maleta ko.

“Pawis na pawis ka naman. Magpunas ka nga” sabi ni Darryl sa akin. Tapos inabot niya yung panyo nyang gamit gamit sa akin. Ang bait talaga niya. Litaw ang kaputian niya sa suot niyang t-shirt na kulay red.

“Thanks ha” sabi ko. Tapos nagkatitigan kami ni Darryl. Parehong seryoso ang mukha namin. Tapos mga ilang sigundo, iniwas ko ang tingin ko. Suddenly kasi naging awkward ang feeling ko. Oh…sino yung nag tatambol? Oh wait, parang…hala! Si heart…kumakabog na naman ng mabilis.

“Jino…goodluck mamaya ha” sabi ni Darryl sa akin, habang inaayos niya yung maleta ko. Tapos nung tumayo na siya and inabot ko ang panyo niya. Kinuha naman niya.

“Salamat. Goodluck din ha” sabi ko. Then maya-maya, gamit ang panyo niya, pinunasan niya yung mukha ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tahimik lang niyang ginawa yun. Ewan ko ba, pero medyo gumaan ang feeling ko sa kanya.

“Usap tayo mamaya…after ng pageant” sabi ni Darryl sa akin.

“Darryl–” di ko na natuloy. Bigla kasing may pumasok sa loob eh. Guess who? Si Blake.

“Hey, lovebirds. Or I must say, ex lovers. Tawag na kayo” sabi ni Blake. Nakakaasar talaga siya. Iba siyang magbiro…or nagbibiro nga lang ba siya? Naunang lumabas si Darryl at binangga pa niya si Blake. Si Blake naman, tumawa ng sarcastic.

“Easy lang! Ganyan ba trato mo sa ex mo?” sabi niya. Tapos ako, sumunod na ding lumabas. Then suddenly Blake grab my arm.

“Akala ko buntis ka na eh” sabi niya. Uminit ang ulo ko sa kanya. Ang ginawa ko, I grab his collar at tinulak ko siya hanggang mapasandal siya sa pinto ng dressing room.

“Alam mo, sige. Ipapahiram ko muna yang mukha mo para sa pageant. Pero once na nagsalita ko ulit, I swear Blake rarampa ka ng duguan ang mukha mo” sabi ko kay Blake. Tapos binitiwan ko na yung collar niya at umalis na ako. Narinig kong tumawa lang si Blake.

***
Grabe, mga 3 pm, ayun break time na namin at tapos na ang final rehersal. Si Daphne ang mag memake up sa akin backstage at nakausap ko na siya. Nasa canteen kami ngayon kasama si Alex at kumakain.

“Guys…kinakabahan talaga ako” sabi ko.

“Jino, normal lang yan. Basta kami, manonood at susuportahan ka, okay?” sabi ni Daphne.

“Alam niyo ba, sabi ni Darryl sa akin magusap daw kami mamayang after ng pageant” sabi ko, tapos biglang sumeryoso ang mga mukha nila.

“Oh, anong sabi mo?” tanong naman ni Alex.

“Hindi na ako naka sagot eh. Sumingit kasi si Blake sa eksena” sabi ko.

“Ikaw ba, gusto mo pa ba siyang kausapin?” tanong ni Daphne. Hindi ako makasagot.

“Feeling ko gusto mo talaga. Kung ano ang gusto mo, sundin mo” sabi ni Alex sa akin. Napatingin kami parehas ni Daph sa kanya.

“Oo…gusto ko talagang makipag usap sa kanya” sabi ko.

“Eh ayun naman pala eh. Eh di go, kausapin mo na” sabi ni Daphne.

“Sige…mamaya after ng pageant…kakausapin ko na siya” sabi ko.

***
Ang bilis ng oras, akalain mong 7 pm na at ilang minutes nalang mag start na ang pageant. We’re all wearing our rockstar outfits para sa opening. Nakaline-up na kami sa backstage at nakasalang na yung host sa stage. Ang daming naghihiyawan sa labas. Mukhang puno ang White Auditorium.

“Goodevening everyone! Welcome to the Annual Mr. and Ms. Junior & Senior Personality of Brettwood Academy!” sabi nung host. Palakpakan ang mga tao.

“Let’s all welcome the 6 handsome men and 6 beautiful women from the Junior and Senior department!” dugtong nung host. Oh my, rarampa na kami. Ito na!

So ito, ang suot ko is parang ganito: Black tight skinny jeans tapos belt na chains, black leather jacket na sleeveless, red top na may loud print na “Peace Love and Rock and Roll”, tapos spike punk bracelet. Yung buhok ko eh yung tayo-tayo (ano ba yan) tapos kinulayan siya ni Alex ng red sa taas.

“Goodevening everyone. My name is Jino Anthony Mendez from the Juniors Department!” sabi ko, then nagtilian yung ibang audience. Nakita ko yung tarpaulin ko na gawa ng classmates ko, at yung iba pang posters. Tapos nag ye-yell sila ng “Jino! Jino! Jino”. Nakakatuwa.

Tapos ayun, si Jane rumampa na din, at 3 pang contestants. Then si Darryl na. Ang suot niya eh white sando, tapos yung pants niya yung parang pants yung kay Edward Scissorhands, then may hikaw siyang isa. Yung buhok niya brushed up then naka shades pa siya, tapos may dala-dala siyang gitara. Tinanggal muna niya yung shades niya saka siya nagsalita.

“My name is Darryl Alfonso from the Juniors Department! Go Juniors!” sabi ni Darryl. Tila magunaw ang buong auditorium dahil sa sigawan. Ang lakas ng appeal talaga ni Darryl. Oh well.

Si Blake naman, naka trenchcoat tapos parang ginaya ang suot ni Neo sa The Matrix. Walang originality. Boo. Okay, galit ako sa kanya, pero he looks good naman.

Pagkatapos namin magrampa, nagready na kami para sa swimwear. WALANGYADIAKOREADYDITONAHIHIYA AKO! Ito na ang part na kinatatakutan ko. Agad akong nagbihis ng trunks. Grabe, nahihiya talaga akong lumakad duon.

“Jino, ayos ha” sabi sa akin ni Jane, naka swimsuit na siya.

“Hala! Nahihiya nga ako eh” sabi ko.

“Wag kang mahiya, sabay naman tayong rarampa diyan eh” sabi ni Jane. At ayun na nga tinawag na ang mga candidates.

Kinakabahan ako nung una, pero surprisingly, nung nasa stage na ako, nawala na lahat. Ang galing kasing magdala ni Jane sa stage. Grabe ang babaeng ito, ang tibay talaga niya. Pinalakpakan naman kami dahil mahusay naman ang pagrampa namin on-stage.

“See? Ang galing natin, hindi ba?” sabi ni Jane.

Next, evening wear. Now, this is my favorite. Yung coat ko eh kulay black tapos yung polo ko eh kulay light yellow sa loob. Nasuot ko na yun, kaso…

“Shocks! Naiwan ko yung necktie ko!” sabi ko bigla. Halos itaob ko na ang maleta ko sa paghahanap, wala talaga. Maya-maya, lumapit si Darryl sa akin at may inabot.

“Oh, ito. May extra pa ako” sabi niya. Binigyan niya ako ng isang red na necktie.

“Thanks–” sabi ko. At hindi ko inexpect eh yung siya pa mismo ang nagsuot sa akin ng necktie. Dahan-dahan niyang sinuot yun sa akin at talagang inayos niya. Tapos nung natapos na, ngumiti lang siya at hinawakan ako sa mukha. Hindi kami napansin nung ibang candidates dahil busy silang magbihis. Besides, nagtutulungan din sila sa quick change.

***
After nung rampa namin sa evening wear eh iaaward na yung special awards, best in talent ang una. Siya nga pala, couple of days ago, nag shoot na kami ng best in talent. Ang talent ko eh is tumugtog ng flute, si Jane naman eh Arnis. Si Blake, nag gymnastics. Si Darryl naman ay sumayaw.

“And may we have the results for Best in Talent?” sabi nung host, tapos inabot na sa kanya yung envelope.

“And the Mr. Best in Talent award goes to…Darryl Alfonso from the Junior Department!” sabi ni host. Palakpakan naman ang crowd. Then ayun, nag step forward si Darryl at sinabitan siya ng sash at binigay yung trophy.

“And the Ms. Best in Talent award goes to…Allison Reyes from the Senior Department” sabi nung host. Si Ate Allison yung kumanta ng the prayer. Maganda ang boses niya, as in.

“And now for the Best Rock Star outfit” sabi nung host.

“And the Mr. Rock Star award goes to…Jino Anthony Lorenzo from Junior Department!” sabi ni host. Wait, ako ba yun? Weh, di nga? Hala! May special award ako. Congrats! Ayun, tuwang tuwa naman ako. Ang nanalong Ms. Rock Star eh galing din sa Juniors, si Kathleen Pineda.

Then Mr. and Ms. Congeniality as sina kuya Dan Mulally at si Jane Dela Pena (yung partner ko. Go partner!) Then Best Swimwear…

“And the best Swim Wear award for the guys goes to…Blake Richmond Arcilla” sabi nung host. Ewan ko lang ha, pero sobrang lakas talaga ng palakpakan sa kanya. As in. Oh well, deserving kasi maganda talaga ang katawan ni Blake at magaling siyang magdala. Ang sa girls naman ay si ate Dina Feliseo. Parehong Seniors ang nanalo.

“And next is the Mr. and Ms. Photogenic…the winners are Darryl Alfonso from the Junior department and Jane Dela Pena, also from the Junior Department!” sabi nung host. Naks, nakadalawa si Darryl. Ang ganda naman kasi talaga ng rehistro ng dalawang ito sa camera. Si Jane kasi kahit walang make-up, maganda parin.

“And last but not the least…Best Evening Wear…and the winners are…” sabi ni host.

“Jino Anthony Mendez from the Junior Department and Dina Feliseo from the Senior Department!” sabi nung host. Hala? Naka dalawa pa ako? Wow! Ayun, nag step forward kami ni ate Diane at hinug niya ako.

“Nice one, Jino. I love the necktie” sabi nung host. Wow. So, palong palo pala ang necktie ko? Thanks Darryl.

“And now…we’re moving on to our Question and Answer portion” ehem, sabi ni host. Wow, ito na ang kinakakabahan ko.

Unang sumalang si Roman. Nag buckle siya pero tuloy padin. Then una sa girls si Ate Alice. Ayos naman. Then next si Blake…

“What part of your body is your best asset” yun ang tanong na napili niya.

“Honestly, for me it’s my eyes. Because I think I can express my emotions through my eyes and I got my eyes from my mom. And I consider her eyes as the most beautiful eyes ever. Thank you” ayun, tapos na siya. Palakpakan from the audience

Sumunod sa kany eh si Jane. Maganda ang sagot niya (biased ata ako?), then si Dan, then Allison, then…me…

“Jino…the question is: How would you change the world if you were to play God for a day?” ayun…

“Actions speak louder than words. I would act to uplift thoughts and sentiments of the mankind and the change will follow automatically” sabi ko. Ang panget ng answer ko! Pumalakpak naman ang iilang tao (pa-humble?) tapos nag cheer sa akin ang classmates ko.

At sumagot na nga ang iba…ang pinaka huling sasagot ay si Darryl…

“And the question for Mr. Alfonso is…Do you think that the youth today faces more pressure than the previous generation?” sabi ni host. Then binigay na niya yung mic kay Darryl.

“Uhm…I think…” sabi ni Darryl. At nag pause na naman siya ng matagal. Pero this time…matagal talaga. The crowd started to chatter. Gosh, Darryl! Anong nangyayari? Napayuko nalang siya and…

“Sorry…” sabi ni Darryl tapos binigay niya yung mic kay host. Nag walk out siya.

“Oh…well, thank you candidates. For the mean time, let’s hear a special number from a band from the Junior Department…please welcome, The Ryders!” sabi ni host.

Sa backstage, nakita kong nakadukmo si Darryl and he looks very upset. Maya-maya ay dumating na si Daphne.

“Jino! Ano nangyari kay Darryl?” tanong niya.

“Hindi ko din alam eh! Naaawa nga ako sa kanya eh” sabi ko nalang kay Daph. Tapos ayun, nagpa foundation na ako sa kanya.

Maya-maya, nilapitan ko si Darryl.

“Okay ka lang?” tanong ko. Tapos tumingin siya sa akin.

“Oo naman. Okay lang. Goodluck sayo. Sana ikaw ang manalo cause I know you’re the best” sabi ni Darryl tapos ngumiti siya.

***
“And this is the moment we’ve all been waiting for. The top 6 candidates!” pambungad ni host. Wow, ito na.

“First we have…Dan Mullaly from the Seniors Depatment!” sabi ni host. Applause naman ang buong senior crowd.

“Then…we have Blake Richmond Arcilla, also from the Seniors Department!” sabi ni host. Oh my God, pasok si Blake. Applause na naman.

“And the last guy to join our top 3 is…Jino Anthony Mendez from the Juniors Department!” sabi ni host. Talaga? Di nga? Oh my God. Nakapasok ako…but…but…poor Darryl. Hindi siya nakasama sa Top 3. Medyo nalulungkot ako for him. Ang naka pasok sa girls ay si Jane, Kathleen Pineda at si ate Dina Feliseo.

Nung lumakad na paalis yung mga hindi nakasama…bumulong sa akin si Darryl nung dumaan siya sa may likod ko.

“Meet me after you won…” sabi niya. Hindi ako lumingon pero narinig ko ang sinabi niya.

“Now, we’re going to give you headphones because we’re going to ask the same questions for all the candidates. Guys, this is the 2nd round of our Question and Answer portion!” sabi ni host. Then ayun, pinagsuot kami ng headset.

Wala talaga akong naririnig nung naka headset ako. May music na pinapatugtog. Some rock song or something. Kinakabahan na talaga ako. This is the moment. As in…malapit na. Napapikit nalang ako at hinintay ang turn ko…at ako na nga.

“Let’s welcome Mr. Jino Anthony Mendez!” sabi ni host.

“Hi Jino, kinakabahan ka?” sabi niya after kung lumapit.

“Medyo po” sabi ko naman.

“Okay this is your question!” sabi ni host. Napalunok nalang ako sa kaba.

“What would you say is the biggest problem facing our educational system today? Why?” sabi ni host. Pumikit muna ako at huminga ng malalim. Then…eto na.

“The biggest problem faced by our educational system is that it believes it’s a system. A system is a set arrangement of things. However, education means to impart knowledge by giving and taking to empower the uneducated. This has been forgotten in the process of being a system, which needs to learnt once again” yan ang answer ko. Whew. Naka survive din! At nagpalakpakan ang crowd. All of them are shouting na.

“Thank you very much, candidates! Let’s just for the judges’ decision. Then a couple of minutes later, we’ll all welcome our newest Mr. and Ms. Brettwood 2010!” sabi ni host.

Habang nakatayo ako duon, at sobrang kaba. Nakita ko si mama at papa, pati si Ate Hannah. Nag checheer sila sa akin. Nakita ko din si Alex at Daphne. Nag che-cheer. Andun din si…si Diane. Nakangiti at chincheer ako. At si Darryl…si Darryl na nakangiting nakatitig sa akin. First time in my life, nakitang magkakasama ang mga taong importante sa buhay ko. Sabay sabay silang nag checheer at pinapalakas ang loob ko. Nandyan sila para sa akin, manalo man o matalo. Kaya para sa kanila ang gabing ito.

***

“And now we have the results…” ayun sabi ni host. Kapit kapit na kami ng kamay.

“The 2nd runner up for Mr. Brettwood is…Dan Mullaly!” sabi ni host, then palakpakan ang crowd! Tapos ayun, nag akbayan kami ni Blake. May mga naririnig akong nag checheer ng Jino! Jino! Jino! At meron ding Blake! Blake! Blake! Mixed emotions ang lahat ng tao.

“Wow! We are down to our final two! Who’s going to take the crown?” sabi ni host. Kinakabahan na talaga ako.

“And the 1st runner up is….”

*DRUMROLL*

“Blake Richmond Arcilla” sbai ni host. 1st runner si Blake. Tapos, ako nalang ang nag iisang katungali niya. It means…

“Our new Mr. Brettwood Personality is a Junior! Mr. Jino Anthony Mendez! Congratulations!” sabi ni host. Nakita kong tuwang tuwa ang classmates ko pati na ang pamilya ko. Sa girls naman, 2nd runner up si ate Dina Feliseo, then 1st RU si Jane then ang Ms. Brettwood ay Junior din, si Kathleen Pineda.

“Seems like Juniors dominated this year’s pageant! We’ll see next year for the nest Mr. and Ms. Junior and Senior of Brettwood Academy!” sabi nung host.

Grabe ang saya ko. Feeling ko, nakatungtong ako sa langit. Ang daming tao ang nagdagsaan sa stage para magpa picture. Sina Alex, Daphne at marami pang iba. Nagsisiksikan na nga sila eh. Picture dito, picture duon.

Sa gitna ng nagkukumpulang tao, nakita ko si Darryl na nakatayo duon sa ibaba ng stage at nakangiti sa akin. Ang dami ng taong kumukuyog sa akin. Pilit ko siyang tinatanaw. Andun lang siya, nakatayo. Pilit akong gumalaw at pinilit kong lumapit sa kanya, pero wala eh. Ang daming tao at panay ang papicture nila. Seryoso ang mukha ko nung tinitignan ko siya. Nakangiti lang siya. Sa dami ng tao, siya lang ang tinitignan ko. Feeling ko nga blurred ang mga tao sa paligid ko. Pilit parin akong umaalis sa crowd, pero wala talaga eh.

“Kuya, papicture naman?” sabi nung babae sa likod ko. Lumingon ako at pinagbigyan siya. At nasundan pa ito ng dalawa, tatlo at apat pang picture.

Paglingon ko ulit sa harap ng stage, tinuon ko ang sarili ko sa ibaba ng stage.

Darryl was gone.

Chapter 39

Mga 9:50 pm, halos wala ng tao sa loob ng White Auditorium. Yung ibang ay nagaayos nalang ng stage. Si Alex at Daphne ay nandun pa. Maging si Diane, hindi pa umaalis. Si daddy at mama naman ay kasama ko. Nauna na si ate Hannah sa kotse. Nasa baba kami ng stage. Hindi ako mapakali at tingin ako ng tingin sa cellphone ko. Wala kasi akong load. Ayun, nilagay ko nalang sa loob ng maleta ko ang cellphone ko.

“Jino, may inaantay ka pa ba?” tanong ni daddy sa akin. Tumingin ako sa kanila.

“Sige po ma, dad, mauna na po kayo. May kakausapin pa po kasi ako” sabi ko, then I hugged my dad and kissed my mom.

“Congrats ulit, Jino! Proud na proud kami sayo” sabi ni mommy sa akin, tapos kiniss niya ulit ako sa forehead. Ngumiti ako.

“Good job, kid!” sabi ni daddy.

“Thanks, sige po, una na kayo” sabi ko naman. Binigay ko na yung maleta ko. At ayun naglakad na paalis sina mama at daddy. Maya-maya, pinuntahan ako ni Daphne at Alex.

“Uy Jino, bakit di ka pa sumabay sa parents mo?” tanong ni Daph.

“Si Darryl kasi eh, kakausapin ko na siya. May usapan kaming maguusap kami after ng pageant” sabi ko, tapos tumitingin tingin ako sa paligid.

“Eh teka, san kayo maguusap? Nasabi niya ba sayo?” tanong naman ni Alex. Oo nga pala ano?

“Wait baka nagtext na siya” sabi ko. Oh my! Yung cellphone ko? Kinapakapa ko sa bulsa. Wala. Wallet at panyo lang ang nasa loob. Ay oo! Nasa maleta ko yun. Wait, inabot ko yung maleta ko kina daddy! Andun sa loob ang cellphone ko! What if nagtetext na si Darryl? What if tumatawag siya? What if… hay! Ano ba yan.

“Nadala na pala nung parents ko yung cellphone ko. Lagot na” sabi ko sa kanila.

“Hanapin nalang kaya natin?” sabi ni Daphne. Ayun, nagsimula na kaming maghanap. Sumunod din pala si Diane sa amin.

Una naming pinuntahan ay yung place na pinagrereviewhan namin. Hinanap ko all over the place. Wala talaga. Ang dilim dilim na din kasi sa place na yun.

“Tara dun tayo sa parking” sabi ko naman. Habang papunta kami duon, kinakabahan akong tunay. Ang lakas ng kabog nang dibdib ko. Sana nandun siya…sana…pero…

Wala din siya duon…

Hinanap ko ang kotse niya. Wala talaga. As in, all over the parking place, wala. Grabe ang nararamdaman ko, para akong babagsak. Nanghihina ako. This is the chance na makakausap ko si Darryl, pero anong ginawa ko? Pinakawalan ko. Wala nalang akong ginawa kung hindi umiyak. Nilapitan ako nila Daphne, Alex at Diane. Walang ano-ano, niyakap ko nalang bigla si Daphne.

“Daph, ang sakit sakit pala. Bakit ko ba siya hindi kinausap nung madami pang pagkakataon? Mas masakit to kesa nung nalaman kong nagsinungaling siya eh” sabi ko, while still hugging Daphne. Totoo, sobrang sakit talaga.

“Jino, don’t give up” sabi ni Diane sa akin. Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Daphne at tumingin kay Diane. Umiiyak padin ako.

“Hindi kita ni let go para lang mapunta sa iba. You deserve Darryl, and Darryl deserves you” sabi ni Diane. Medyo tumigil na ako sa pagiyak nun.

“I know. Bitter padin ako dahil I still can’t accept the fact na ganyan ka. Pero ano pa ba magagawa ko? Kung hindi man tayo pwede, syempre kailangan mapunta ka sa isang taong deserving para sayo. And it’s Darryl.” sabi ni Diane.

“Kaya Jino, don’t lose hope. Hindi mo man siya makausap ngayon, I’m sure gagawa ng paraan si God para matupad yan” sabi ni Diane. Naiiyak na ulit ako, pero this time, dahil natouch ako sa sinabi ni Diane. I hugged her, and she hugged me back. This time, sobrang feel ko ang sincerity niya. Napaka nuanced ng moment, pero feel ko na she’s completely letting me go…and she wants me to be happy.

That night, as I ride on a taxi para umuwi na, muli kong naisip si Darryl. Sino nga bang hindi maiinlove sa isang Darryl Alfonso na may 5’9 na height, maputi ang complexion, maganda ang ilong, mata, ang kilay…at higit sa lahat, mahal ka at wala nang iba? Hindi na ata ako makakahanap ng isang tao na sobrang maglambing kagaya ni Darryl. Siya lang talaga yun, wala nang iba. Tahimik ko nalang siyang inisip sa loob ng taxi.

10:47 PM nang makarating ako sa bahay. Medyo pagod na ako, umiyak pa kasi ako eh. Tsk. Na surprise ako nung nakita ko si mama na nakaupo sa dining table namin.

“Ma? Ba’t gising ka pa?” tanong ko sa mama ko.

“Eh hinihintay pa kita eh. Pinauna ko nang matulog ang tatay mo” sabi ni mama. Umupo ako sa dining table namin.

“Thanks for the support ma. Hindi ko kaya yun kapag wala kayo” sabi ko kay mama, tapos ngumiti ako.

“Walang ano man yun Jino. Syempre, pamilya mo kami” sabi ni mama. Maya-maya may saglit na katahimikan.

“Siya nga pala…naiwan mo itong cellphone mo. Kanina pa nagriring at may nagtetext” sabi ni mama, tapos pinakita niya yung cellphone ko. Ako naman, tahimik kong kinuha at tinignan ko.

You have 6 missed calls and 16 unread messages ang nakalagay. Tinignan ko, lahat ng missed calls kay Darryl; lahat ng text messages, kay Darryl. Pagbukas ko ng inbox puro “asan ka na?”, “hintay kita dito”…pero napansin ko may isang message duon na nabuksan na. Date: February 12, 2010. Time: 10:01 PM.

“Jino…master ko…antay kita dito sa front gate…usap tayo…miss ka na ng soldier mo…iloveyou…”

Napatingin ako kay mama. Siya din pala ay nakatingin sa akin. Grabe, hindi ko mabasa ang emosyon ni mama. Kinakabahan kasi ako. As in sobrang kaba. Alam kong si mama ang nakabasa ng text message na yun. Tahimik na naman sa buong dining place namin, until nagsalita si mama.

“Jino, ano ba ang relasyon mo kay Darryl?” tanong ni mama sa akin. Oh my, ito ang moment na hindi ko inaasahan sa buhay ko. Ang kaba ko, abot langit na talaga. Hindi ko kayang sagutin, pero kailangan ko.

“Ma…hindi ko din alam kung pano nagsimula…pero yes ma, I think I’m in love with him. Sobra” sabi ko nalang.

“Napagisipan mo na bang mabuti yan, anak? Baka nadadala ka lang ng sobrang emosyon” tanong ni mama sa akin.

“Hindi ma. Ang tagal ko nang iniisip, pero yun padin ang nahahanap kong sagot. Mahal ko siya ma, mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga alam kung ano gagawin ko kung mawala siya sa buhay ko” paliwanag ko kay mama. Ngumiti si mama sa akin.

“Alam mo anak, natatandaan ko sayo yung pinsan ko. Paborito kong pinsan iyon dahil sa halos sabay na kamin lumaki. Nung high school kami, napansin kong masyado siyang seryoso sa buhay at sa pag aaral niya. Ni hindi nga siya nag kaka girlfriend…until makilala niya yung transferee sa amin, isang lalaki. Napalapit siya duon…hangga’t sa magtapat siya sa akin na ayun…gusto na pala niya yung lalaking yun” kwento ni mama sa akin.

“At ano po ang reaksyon niyo?” sabi ko naman.

“Tinanggap ko siya. As long as wala siyang ginagawang masama…at masaya siya, walang kaso sa akin iyon…” sabi ni mama sa akin. Napangiti ako sa sinabi ni mama. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

“Malaki ka na talaga, anak. I guess nahanap mo na talaga ang sarili mo, Jino. At ngayong nahanap mo na, susuportahan kita. Mahal kita, anak. Alam mo yun. At kahit ano pang gawin mo, nandito lang ako sa tabi mo” sabi ni mama sa akin. I dunno, sudden burst of energy forces me to stand up and hug my mom. Nakahinga ako ng maluwag sa kanya. Mahal na mahal ko talaga ang mom ko. Siya ang unang unang nakapag move on sa amin nung nabuntis si ate. Napaka positive kasi ng mom ko. She believes that everything happens for a reason, at ang lahat ng bagay ay choice ng isang tao, at walang sino man ang makakapigil nuon.

***
As I went to my room, I tried calling Darryl (thank goodness to Diane, na naka line ang cellphone at pinasahan ako ng worth 350 na load). Pero…pero…cannot be reached ang cellphone niya.

Ilang beses ko siyang tinawagan pero wala talaga. Cannot be reached talaga. Bakit kaya? Nalulungkot na naman ako. Hangga’t sa makatulog ako ng kaka-try sa pagtawag sa kanya…

***
Kinabukasan, pag gising ko. Nakita ko. Mayroon akong 10 unread messages. Mabilis akong bumangon sa kama ko at tinignan ang messages ko. Loading…ano ba yan, ang tagal! Ay hindi, normal lang. Sadyang excited lang ako, dahil baka nag reply na si Darryl sa messages ko sa kanya…

Pero wala. Puro kay Daphne, Alex, Diane at sa iba ko pang classmates na nag congratulate sa akin…

Sigh…alam niyo ba yung feeling na excited ka sa new messages sayo, pero wala…hindi naman pala galing sa taong gusto mong magtext sayo ang message? Ganun na ganun ang nararamdaman ko.

Buong Sabado akong nagantay ng message niya para sa akin, pero ayun, wala parin akong nakikita. Ni text man lang niya, wala talaga. Mukha akong ewan na every minute ay tinitignan ko ang cellphone ko kung nag message ba siya. Wala talaga eh. Wala.

***
February 14, 2010. Ano bang meron sa araw na ‘to? Actually, ilang taon kong hindi pinapansin ang araw na ito pero karamihan ay isa ito sa mga pinaka mahahalagang araw. Valentine’s Day. Eh para sa akin naman, hindi ko ito pinapahalagahan kasi wala naman akong syota, di ba? As in wala…ano yun, mag cecelebrate ako mag isa? Ganun ba?

Pero ngayon…

Ngayon…

Iba na eh. Si Darryl kasi, di parin nagtetext sa akin..

Ngayon ko lang narealize na masakit palang hindi ka pansinin ng taong mahal mo kapag Valentine’s Day. I texted him, but he didn’t reply. So yeah, mukha na naman akong ewan.

Mga bandang 11:52 ay napagdisisyunan kong mag internet. Binati ako nila Daph at Alex at ni Diane din ng Happy Valentine’s Day. Sabi nila, cheer up daw ako. Inaya nila akong mag single’s day, kaso sabi ko wala ako sa mood. So naisipan ko nalang buksan ang Facebook ko. May napansin ako…

You Have 1 New Message

Binuksan ko…at nabasa ko kung kanino galing…

It was from Darryl…so I clicked it at binasa ko:

Dear Master Jino,

Hi! Magpapacorny si soldier ngayon dahil ala lang, gusto niya. ehehehe. Alam mo ba master, nung una kitang nakita. Nakarinig ako ng isang malakas na bell ring. Parang hindi siya matapos tapos na tunog? At kakaiba ang bell ring na yun, hindi ordinaryo. Kasi, nung nakita lang kita, dun ko lang narinig ang bell ring na yun. Napansin ko kaagad kahit sinungitan mo ako na meron kang magandang puso. Napansin ko din ang looks mo. You’re the most handsome guy I’ve ever seen. Alam kong gasgas na sayo ang salitang yan pero hindi ako nagsasawang sabihin dahil yun naman ang totoo. Walang makakakontra sa akin. Nung makasama kita, mas lalong sumaya ang buhay ko. I’ve treasured those precious three and a half hours na pinagsamahan natin nung nagrereview tayo. Sa bawat pag correct mo sa mistakes ko, sa bawat pagtawa mo, sa bawat pagkain natin ng sabay, lahat yun ay mahalaga para sa akin. Nagbago ako para sayo master. Inayawan ko ang paninigarilyo dahil sayo. Gusto ko kasing maging maganda sa paningin mo. Kumpara kasi sayo master, parang walang wala ako. Ikaw ang taong may future, pero ako wala. Pero nung nakilala kita master, natuto akong mangarap ng mabuti sa buhay ko. Ikaw ang nagsilbing role model ko. Ikaw ang nagahon sa akin sa madilim kong kinalalagyan. Binago mo ang buhay ko master.

Pero ang bilis ng panahon, ano? Hindi sinasadyang malaman mo ang sikreto ko. Actually, balak ko talagang sabihin sayo iyon pero alam mo, natakot ako. Naging kami ni Blake few months bago ako tumigil sa pag aaral nuon. Kung matatandaan mo yung nangyari sa amin nung girlfriend ko nuon, tragic di ba? Mahinang mahina ako nun, at pinaramdam sa akin ni Blake ang saya. Binalik ni Blake ang saya ko. Naging kami, for three months. Hangga’t sa nalaman ko nalang na may isa pa siyang karelasyon bukod sa akin. Wala akong ginawa ng kahit ano. Basta, nakipag hiwalay ako. Nasaktan ako, oo. Pero agad akong nakapag move on. Minahal ko ba si Blake? Palagay ko hindi. Malungkot lang ako nuon at kailangan ko ng makakasama, kaya siguro nafall ako kaagad sa lies ni Blake.

Pero sayo, Jino. Master ko. Naramdaman ko ulit ang naramdaman ko dun sa huling ex GF ko. At mas matindi pa. Ikaw, ikaw talaga ang unang lalaking minahal ko. Alam mo ba nung nag away tayo dahil nalaman mo yung truth about me and Blake, halos gusto kong patayin ang sarili ko dahil nagsisisi ako na hindi ko sinabi sayo kaagad. Pinangunahan kita, master. Kaya eto, humihingi ako ng pasensya sayo.

Ngunit huli na ata ang lahat…

ouch, dito na nagstart tumulo ang luha ko.

mukhang ayaw mo na atang makipagbalikan sa akin. I tried calling you, pero hindi ka sumasagot. Gusto kong makipagkita sayo nung gabing yun, pero hindi ka pumunta. I guess I have to face the moment of truth. Naiintindihan ko iyon, master. Ito lang kasi ang chance kong magpaliwanag sayo, at wala na. Promise ko, hindi na kita guguluhin pa. Hahayaan na kita. Pero palagay ko hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Mahal na mahal kita, Jino. Kahit na hindi maging tayo, mahal na mahal na mahal padin kita. Once a soldier, always a soldier, master. I’m your most loyal soldier, at poprotektahan kita hangga’t mamatay ako.

Ingat ka master ko. Goodbye. I love you…

Darryl

Hindi ko alam, pero dumukmo nalang ako sa computer ko at umiyak ako ng umiyak.

“Darryl…sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang hindi makipagkita sayo…promise, tinatawagan kita…pero wala..wala eh” sabi ko nalang habang umiiyak ako. Feeling ko katapusan na ng lahat at wala na akong magagawa pa. Bumagsak na ang mundo ko.

I guess it’s the end. It’s the end of me and Darryl. Hay, it’s amazing how time passes by…how time can change and manipulate things…parang ang bilis dumating sayo…at ang bilis din kunin.

Pero sabi nga nila, don’t cry because it’s over. Smile, because it happened. I guess ganun na nga lang ang gagawin ko. Darryl entered into my life and made an impact that I will never forget.

It’s 12:03 AM na pala. In a few hours, prom night na. And me and Darryl…is finally over.

Or is it?

THE END

Epilogue part 1

4 years later.

Jino Anthony Mendez. 19 years old turning 20 this year. 3rd year PreLaw Student at the University of the Philippines Diliman.

Hay, alam niyo bang I still wear this eyeglasses? Medyo nadagdagan kasi ang grado ng mata kaya ito, nagsalamin na ako ulit. Hindi na kasi kaya ng contact lens.

Maraming ginagawa. 4th week palang ng first semester, madami ng requirements ang prof. Case studies, analyzations, written reports, etc. Basta, nakakatuliro. Nakakamiss maging bata, ano? Parang dati lang naglalaro lang ako ng lego at ang pinakamahirap na sa akin ay ang pagbuo ng barkubarkuhan.

Siguro nga sobrang bilis talaga ng panahon…

May mga bagay na nagbabago.
May mga taong dumadating.
May mga taong umaalis.

Oh well, siguro interested kayo kung ano na nangyari sa kanila, ano?

Ate Hannah is now married to her boyfriend. Ang cute nung baby nila. 3 years old na siya ngayon. Babae, at ang pangalan eh Natasha. Ako ang ninong niya. Mabait din naman ang asawa ni ate Hannah. After nyang manganak nuon, pinagpatuloy niya ang pag aaral niya at naka graduate siya. Pinursige na niya ang pag nunurse at isa na siyang nurse ngayon sa America. Susunod na in a week ang asawa niya pati si Natasha. Naku, mamimiss ko ang inaanak kong iyon.

Si Blake? Ayun, after nyang grumaduate sa high school, medyo ginulo parin niya ako at madalas siyang mag message sa FB ko. Ang ginawa ko, inignore ko siya. Balita ko ay sa San Sebastian siya nag college. Hindi ko alam ang course niya. Pero nabalitaan ko na 2nd year ulit siya ngayon dahil umulit siya ng semester. Tamad padin si Blake at mahilig pading mambabae at manlalake.

Diane flew back to the US. Sabi niya dun siya mag cocollege. Pero madalas padin kaming mag usap nuon at magka chat sa Yahoo Messenger. Medyo mahaba na ulit ang buhok niya at maganda parin siya. Ngayon, Tourism ang tinetake ni Diane sa US. Ang dami na niyang napuntahan like London, Milan at Norway. Sabi nga niya, kapag sobrang yaman na niya eh isasama niya kami nila Alex sa pagtotour around the world.

Si Alex naman ay nasa ibang school, sa St. Benilde siya nag aaral. He’s taking Culinary Arts. Nagka interes siya sa pag bebake at pagluluto dun sa Basic Cooking class namin nung 4th year high school. I remember pa nga na super sarap nung binake niyang chiffon cake nun sa klase. Naka 99 siya nun. Madalas parin kaming lumabas kasama ni Daphne. Minsan nga ay dito siya sa UP tumatambay at nagbabonding kami nila Diane dito. Iba na ang style ngayon ni Alex. Mas mukha na siyang kagalang galang at ang ikli na ng buhok niya. May pastry shop na rin sila ng foster parents niya, at siya ang madalas mag bake para sa shop.

Si Daphne ay schoolmate ko pero magkaiba kami ng course. Psychology ang kinukuha niya ngayon sa UP. Siya ang Salutatorian ng batch namin. Ewan ko ba, pero lalong gumanda si Daph. Sabi niya madalas daw siyang napepressure at puyat lagi dahil sa requirements at mga pinapa analyze, pero ang ganda padin niya. Ha ha ha. Maybe pressure is her friend. She’s really doing well in studies, at matataas parin ang grades niya. Proud nga ang parents niya sa kanya palagi. May boyfriend na siya, Jeff ang pangalan at parehas sila ng course. Matagal na sila ng boyfriend niya, 2 years na din. At legal pa sila sa parents ng bawat partido. Nakakatuwa si Daph, para kasing natagpuan na niya ang taong magmamahal sa kanya sa katauhan ni Jeff.

At ako. Ako? Wala naman masyadong nagbago sa akin, yun lang, katulad nung nasabi ko kanina. I ended up being the class Valedictorian. Tantararan! Congrats! Natupad din ang pangarap ko. Oo, masyadong mataas pero pinaghirapan ko rin naman yun…ayun, PreLaw student ako. May interes talaga ako sa Law nuon pa man. Kaya nga sabi nila sobrang pala aral ako kaya no sweat sa akin ang pag la-law. Hindi kaya! Mahirap din ito. Nakakapressure. Pero masaya ako dahil gusto ko ginagawa ko eh. Iniisip ko nalang, pag di ako mag aral eh mas mapepressure ako sa korte pag naging abogado na ako. Or worse, hindi ako magiging abogado. Tumangkad nga rin pala ako. 5’8 na ako. Yes! Grabe, antagal kong inintay ito. Nung 18 birthday ko ako nadagdagan ng height. Ang saya-saya!

May nakalimutan ba akong banggitin?

Ay oo…

Si Darryl…

at…oh my God, hindi niyo pala alam ang nangyari nung prom night namin?

Ito yun…

Epilogue part II (Last Part)

(Flashback, 4 years ago)

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakadukmo duon sa computer desk ko. Ang sakit ng ulo ko, grabe. Inisip ko, panaginip lang ba ang nangyari kagabi? Or totoo talaga iyon? Kinuskos ko ang mata ko at kinamot ko ang ulo ko. Nakita kong bukas pa ang PC ko kaya ginalaw ko ang mouse. Nung ginawa ko iyon, ang black screen ay napalitan ng image ng Facebook inbox ko…at nandun ang letter ni Darryl.

Hindi pala panaginip ang lahat. Totoo pala ang nangyari kagabi. Totoo pala na nabasa ko ang goodbye letter sa akin ni Darryl. Ano ba yan, ang aga aga nadepress ako kaagad.

I pretend that everything is okay. Kumain ako ng breakfast, nakipagkwentuhan sa pamilya ko, at so on and so forth. I still smile, even though inside, nalulungkot talaga ako.

After naming kumain ng tanghalian, nagkwentuhan muna kami ni Ate Hannah.

“Kailan ba ang due mo ate?” tanong ko.

“Hindi ko pa alam. Next week magpapacheck up ako…” sabi ni Ate sa akin.

“Siya nga pala, Jino. Di ba JS Prom niyo na mamaya?” sabi ni ate. Medyo nalungkot ako.

“Oo ate…bakit?”

“Wala lang. Kasi mukhang hindi ka excited” sabi ni ate. Napangiti lang ako.

“Natatandaan mo ba yung damit ko nung first Prom ko nung high school?” sabi ni ate.

“Hmmm…di na masyado” sabi ko naman.

“Yung brown dress ko! Grabe, feeling ko ang ganda ganda ko nun. Alam mo Jino, prom is like, the best night ever. Hindi kumpleto ang high school mo kung hindi ka umattend ng JS Prom” sabi ni Ate Hannah.

“Eh ate, iniisip ko nga kung aattend pa ako ng JS Prom eh” sabi ko kay ate Hannah.

“Ano? Jino, please! Wag kang ganyan. Masaya ang JS Prom, promise!” sabi niya.

“Eh hindi naman ako masaya eh” sabi ko, tapos lalong nalungkot ang mukha ko. Pati si ate, ganun din.

“Bakit naman?” tanong ni ate. Ngumiti nalang ako.

“Wala ate…basta…” sabi ko.

***
Mga 3 pm ay nagpunta ako kina Daphne. Kasama ko si Alex at si Diane. Pinakita ko sa kanila ang final message sa akin ni Darryl sa Facebook.

“Hala, Jino! Sure na ba siya sa mga sinabi niyang yan? Nagpaliwanag ka na ba? Oh no this is not happening!” sabi ni Daphne. Ako naman, tahimik lang ako.

“Jino, mag explain ka sa kanya! Naman oh! Dapat hindi mo hinahayaang ganun nga ang tingin niya sa sitwasyon! Sabihin mo na…sabihin mo na naiwan mo yung cellphone at hinanap mo siya nung gabing yun!” sabi naman ni Alex.

“Guys! Tama na. Kung ayaw na nya, wag na. Please lang. Hayaan na natin yung tao” sabi ko, malungkot padin.

“So…you’re giving up na?” tanong ni Daphne sa akin.

“Sumuko na siya…ano pang magagawa ko?” sabi ko naman, tapos napabuntong hininga nalang ako.

“Jino, wait lang ha. Pwedeng peram ng phone mo?” sabi ni Diane. Out of nowhere naman siya masyado, parang wala sa timing. Nagulat ako, at hindi na nagsalita. Binigay ko nalang sa kanya.

“Thanks. Wait lang ha, CR lang ako” sabi ni Diane tapos lumabas siya sa kwarto ni Daph.

“Anong nangyari dun?” sabi ni Alex. Lahat kami nagulat sa kanya.

“Anyway, Jino! Kailangan magusap kayo ni Darryl ng personal. Hindi pwede yan! Hindi ka ba nalulungkot?” sabi ni Daphne. Tumingin ako sa kanya.

“Itong mukhang ‘to, hindi ba to nalulungkot?” sabi ko, sabay turo sa mukha ko.

“Pagod na kasi akong umiyak, kaya hindi na ako makaiyak. Nasasaktan ako, pero pagod na ako eh…” sabi ko nalang. Pero hindi ako umiiyak. Ayaw kong lumabas na sinungaling no. Pinipigil ko lang, pero masakit talaga.

“Jino, mabuti pa, magpakasaya nalang tayo mamaya sa prom” sabi ni Alex sa akin.

“Iniisip ko pa nga kung aattend ako or hindi na eh. Parang…parang ayaw ko kasi” sabi ko naman.

“Hala! Umattend ka! Malay mo, may mangyaring maganda mamaya” sabi naman ni Daphne sa akin.

“Ano namang maganda ang mangyayari?” sabi ko naman.

“You’ll never know, Jino. Alam mo namang sobrang spontaneous ng mga bagay bagay. Sabi nga sa Forrest Gump, Life was like a box of chocolates. You never know what you’re gonna get” sabi ni Daphne sa akin.

“Pagiisipan ko” sabi ko nalang, ng matahimik na si Daphne. Maya-maya, bumalik na si Diane.

“I’m back. Daphne, ano ng plano natin for you?” tanong niya kay Daph.

“Ay Diane! Sige, halika, tulungan mo naman ako maghanap ng dress tapos ayusan mo ako ng bongga” sabi ni Daphne after nilapitan siya di Diane.

Ang busy ng mga taong ito para mag prepare para sa Prom, pero ako, lungkot na lungkot at tila wala ng saya sa buhay. Nakararating ako ng bahay ng 5:00 pm, at isang oras nalang ay prom na namin. Ang ginawa ko, naligo nalang ako at humiga sa kama ko ng mag-isa at nagmuni muni. Hindi kasi talaga ako excited eh. Pinagiisipan ko rin talaga kung sasama ako or hindi. Hanggang sa makatulog ako…

*RING RING RING*

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. 6:40 na pala. Si Diane ang tumatawag sa akin.

“Hello, Diane?” sabi ko.

“Jino! Nagtext sa akin si Daphne na wala ka daw sa prom. Bakit?” tanong sa akin ni Diane.

“Eh…wala eh. Nakatulog kasi ako, atsaka ayaw ko din sumama. Bakit ba?”

“Jino, you HAVE to be at the Prom! Seriously, you HAVE!” sabi ni Diane sa akin, seryoso siya at medyo pasigaw.

“Wait…Diane, I don’t–why? Bakit ako pupunta?” tanong ko.

“Basta, just please come! Pumunta ka, kailangan nandun ka” sabi ni Diane sa akin. Then she hungs up. Oh no, tinaranta naman ako nitong si Diane.

Naligo ako, nagayos at binihis ko ang damit ko na pang prom. Nag coat ako na black tapos white ang polo ko, tapos I’m wearing my red necktie…no, I forgot! It’s Darryl’s necktie! Yung pinahiram niya sa akin…well, wala na akong time para magpalit dahil 7:30 na at kailangan ko ng umalis.

Habang nasa taxi ako papuntang Edsa Shangri-La Hotel (dun kasi ang venue namin), tila nasa tiyan ko na ang puso ko sa sobrang kaba. Excited din kasi ako dahil sa prom, pero na cucurious talaga ako sa sinasabi sa akin ni Diane. Grabe, bakit kaya ganun nalang kung makapag react siya?

Mga 8:10 ako nakarating sa venue. Sa Isla Ballroom ang exact location namin, so pumunta ako dun. Pagpasok ko, nagulat ako sa ganda ng setting. Para kang nasa ibang lugar. The lighting, set design…everything is so fabulous. Plus ang gaganda at ang gagwapo lahat ng nagsimunta. Naglakad ako at hinanap ko sina Alex at Daphne. Nagpapatugtog sila ng music. Nakita ko sila na nakaupo sa table malapit duon sa may aircon. Kumakaway sila sa akin at inaaya sa table nila. Lumapit ako duon at parang nakawalang baboy na naman ang reaksyon nila Alex at Daphne.

“Akala namin, hindi ka pupunta!” sabi ni Alex sa akin, mukhang masayang masaya siya.

“Napilitan nga lang ako nung una, pero mukhang masaya ito eh” sabi ko nalang. Tapos inaya na nila akong umupo duon sa table, kasama din namin yung iba kong classmates, katulad ni Jane.

“Mr. Brettwood! Buti dumating ka!” bati sa akin ni Jane.

“Binobola mo na naman ako partner! You look fabulous. Ikaw din, Daphne” sabi ko. Ang gaganda nga nila ngayong gabi.

Ewan ko ba, pero nililibot ko ang mata ko. May hinahanap kasi ako eh. Nakita ko si Blake na sobrang saya kasama ang mga senior friends niya. Sila yung maingay dun sa may bandang corner. Siya ang ayaw kong makita…pero parang wala talaga “siya”.

“Si Darryl ba, nandito?” tanong ko kay Alex.

“Hindi ko siya nakikita eh…” sabi ni Alex. Maya-maya, nag shift na ang kanta sa mga sweet songs. Tumayo na si Alex at inaya si Shane, yung isa naming classmate para mag sayaw. Si Daphne naman sinayaw ni Adrian, taga section 2. Ako? Naiwan ako sa table namin at nakinig nalang ako sa music. Hay, isa pala ako sa mga magbubutas ng bangko ngayong prom night. Nag eenjoy akong tignan na sumayaw sina Alex at Daphne. Ang saya-saya nilang tignan. Hay, sana ganun din ako kasaya kagaya nila.

Habang nag peplay ang 2nd sweet song, may tumawag sa akin. Si Diane ulit.

“Hello?” sabi ko.

“Jino, pumunta ka sa may lobby, ngayon na” sabi ni Diane.

“Bakit ba kasi Diane? Come on, tell me!” sabi ko.

“Basta! Bilis, punta ka na” sabi niya, tapos binaba na niya ulit.

Ayun, sinunod ko. Pumunta ako sa lobby ng hotel. Grabe ang kaba ko, as in. Lakad ako ng lakad ng tila walang direksyon. Bakit ba ako pinapunta ni Diane dito? Anong gusto niyang palabasin? Sobra talaga ang kaba ko. Lakad sa kaliwa, lakad sa kanan. Konting hingang malalim, then lakad na naman. Yan lang ginawa ko. Maya-maya, sa sobrang kaba ko, lumapit ako sa guard.

“Boss, may yosi ka ba? Penge naman” tanong ko. Si manong, bigay naman kaagad sa akin. Hala, bakit ko ‘to ginagawa? I hate cigar, right? Bakit? Bakit? Ay bahala na, kinakabahan kasi talaga ako. Nung sisindihan ko na siya…

Akala ko ba you hate yosi? And smoking can cause bad breath, yellow teeth, breathing problems, heart diseases, cancer sa lungs, and worst, DEATH” sabi ng isang pamilyar na boses na mula sa likod ko.

Pamilyar din ang linyang iyon. Sinabi ko iyon, ha? At sinabi ko iyon sa taong may ari ng pamilyar na boses na iyon. Unti unti long nilungon ang ulo ko sa likod. Nabagsak ko ang yosi at lighter na hawak hawak ko nung nakalingon na ako. Tila tahimik ang buong paligid, para akong nabibingi. Naghahalo halo ang thoughts sa isip ko. Hindi ako makapagsalita. Ang nakikita ko sa harap ko…ay…ay…

Si Darryl…

Wearing his coat and red polo, maayos ang buhok and that amazing smile, nakita ko muli siya. Ang mukha ko ay tila nag iba. Medyo nababasa na ang mata ko. Unti unti akong lumapit sa direksyon niya. Hindi ko napapansin na tumulo na pala ang luha sa kaliwa kong mata. Pabilis ng pabilis ang lakad ko, kasabay ng pabilis na pabilis na kabog ng dibdib ko. Hind ko na kinaya, umiyak na ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit na parang wala ng bukas pa. He also hugged me back, tighter.

“I miss you….so much” sabi ko nalang.

“I miss you too. Akala ko, ayaw mo na” sabi sa akin ni Darryl. Bumitiw ako sa pagyakap ko sa kanya. Nagpaliwanag ako, habang umiiyak parin.

“I tried calling and messaging you, pero wala. Naiwan ko kasi sa parents ko ang cellphone ko, kaya hindi ko nasagot. Pero gusto kitang makita…gusto kong makasama ulit kita” sabi ko, iyak parin ako ng iyak.

“I know. Nagsisisi ako kung bakit ko pa ginawa ang letter na yun sa’yo. Sorry Jino, hindi ko pinakinggan ang side mo. Again, pinangunahan kita” sabi ni Darryl sa akin, naiiyak na rin siya. Niyakap ko ulit siya.

“I don’t care anymore Darryl. Gusto kong makasama ka…ayaw ko ng maghiwalay tayo ulit…hindi ko pala kaya…akala ko dati kaya ko pero ngayon, wala na akong pakialam…gusto kong makasama kita” sabi ko sa kanya. May mga nakatingin na sa amin, pero wala. Wala na talaga akong pakialam sa kanilang lahat.

“Hindi ko rin kaya, Jino. Buti nalang nakinig ako kay Diane…” sabi ni Darryl. Bumitiw ako sa yakap ko at nagtaka.

“Tinawagan niya ako kanina. Sinigawan ako. Sabi niya “if you don’t come and see Jino at the Prom I swear to God susunugin ko ang kotse at bahay mo” yun ang sabi niya sa akin, nakakatakot at nakakatuwa siya” sabi ni Darryl sa akin. Napangiti nalang ako, now I know kung bakit hiniram ni Diane ang phone ko…at kung bakit nginangarag niya ako para pumunta sa prom…

“Pumunta tayo sa Isla Ballroom” sabi ko. So, I hold his hand tightly at sabay kaming pumunta sa place. Pagdating namin dun, sweet music padin ang tugtog. He looked at me at nginitian niya ako.

“Nagsayaw ka na ba?” tanong niya sa akin.

“Hindi pa eh…” sabi ko naman. Maya-maya, lumakad siya papunta sa harapan ko at nagbow sa akin. Inabot niya ang kamay niya sa akin.

“Can I be your first dance, Mr. Brettwood?” sabi ni Darryl sa akin. Napangiti ako. I accepted his hand.

“Of course, Mister” sabi ko. Tapos ayun, ang corny man tignan, pero oo, sinayaw niya ako. Siya ang first dance ko sa prom night. Ang saya, ang taong mahal mo, sya ang first dance mo sa isang unforgettable night.

“You look so handsome tonight, master ko. As always” sabi niya, habang nagsasayaw kami.

“No. Mas gwapo ang soldier ko tonight” sabi ko, tapos nagsasayaw padin kami.

“I love you, master Jino…” he whispered. Then I closed my eyes and hug him again. Sumasayaw parin kami then nagsalita ako…

“I love you too” sabi ko naman…then maya-maya, biglang nag iba ang music. Naging fast song! Nagulat kaming dalawa. Maya-maya, pumunta sa place namin sina Alex at Daphne at nag slaman at nagsayawan kami sa dance floor. I love the prom night…it was intense, fun and yes, unforgettable.

****
Present time…

So yeah, kami pairn ni Darryl hanggang ngayon. Taga UE siya ngayon, ComSci ang course niya duon. As for my parents, well…umamin kami ni Darryl kay daddy mga kalagitnaan na ng 4th year high school nun…and as usual, hindi kaagad natanggap ng buo ni daddy…but then, naging okay naman ang lahat since hindi ko naman napabayaan ang pag-aaral ko. Darryl is doing good, though may pagkatamad parin minsan, tutor ko parin siya sa iba niyang lessons. And right now…hinihintay ko siya ngayon para sunduin ako ngayon dito. Hay, ang tagal niya.

Maya-maya, nakakita ako ng isang lalaking tumatakbo. Hay naku, si Darryl pala iyon.

Ganun padin naman ang hitsura niya, kaso mas lalo siyang tumangkad at mas naging fit. Naka winter bonnett na naman siya, yung uniform niya sa UE eh pinarepair niya kaya semi-fit sa kanya. Hingal na hingal siya ngayon.

“Sorry master ha, medyo late ako” sabi niya sa akin.

“Anong oras na ba? Ano ba yan” sabi ko.

“Eh kasi bumaba na kaagad ako, medyo malayo pa pala, kaya ayun tunakbo ko nalang. Dapat kasi sa may tapat nalang ng oblation eh” sabi niya.

“Hay naku. Magpunas ka ng pawis mo, at pawis na pawis ka na” sabi ko, then ayun, nagpunas na siya.

“Ang dami mo namang dalang books, master. Ganyan ba ang mga nag nag pe-Pre Law? Ano nga ba ulit course mo…Political Science?” sabi ni Darryl sa akin.

“Oo. Ganyan talaga, syempre para matutukan ko ng maigi ang pag aaral ko” sabi ko. Then ngumiti si Darryl at hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko. Tapos maya-maya, nagnakaw siya ng smack sa akin. Ang bilis. Hindi naman ako nagulat, napangiti pa nga ako eh.

“Kaya loves kita master eh. Sige tara, hanap na tayo ng jeep para maihatid na kita sa inyo” sabi ni Darryl sa akin.

Maya-maya, nakakita kami ng jeep, tapos as usual, gentleman si Darryl, nauna akong sumakay. Then all of a sudden, nasingitan siya ng madaming tao hangga’t sa napuno ang jeep.

“Darryl!” sabi ko. Then maya-maya, nakita ko siyang sumabit nalang sa jeep.

“Don’t worry. Ayos lang ako. Manong! Andar na!” sabi ni Darryl bigla. Nakaupo ako malapit duon sa labasan sa may left side, si Darryl ay nakasabit sa may right. Maya-maya ay umandar na si manong.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko. Tumango lang siya habang nakangiti.

Nung medyo mabagal na yung jeep, bigla akong tumayo at sumabit din sa jeep, sa tabi ni Darryl. Nagulat ang mga pasahero kasi medyo gegewang gewang ako.

“Ano ba yan! Gusto mong mahulog?” sabi ni manong driver, tapos huminto siya bigla.

“Okay lang ako! Go lang manong!” sabi ko, then tumawa ako. Umandar ulit si manong.

“Ba’t ka sumabit? Ang bigat ng dala mo!” sabi ni Darryl.

“Kung sasabit ka, sasabit din ako. Kung mahihirapan ka, mahihirapan din ako…okay?” sabi ko nalang kay Darryl. Tapos nagtinginan nalang kami at nagtawanan.

Akala ko talaga, hindi kami magtatagal nitong taong to. Ewan ko ba, siya na ata ang para sa akin. Biruin mo, ang three and a half hours naming pagrereview nuon, magiging 3 and a half years of relationship? At malapit ng mag four years ito. Basta ako, hangga’t kasama ko si Darryl, at hawak ko ang kamay niya, hinding hindi ako matatakot or malulungkot.

At hinding hindi ko na bibitawan ang kamay niya, at hindi ko rin hahayaan na bitawan niya ang kamay ko.

I guess this is the end of this story, but ang sa amin ni Darryl? Naku, nakaka kalahati palang

FIN

28 Comments (+add yours?)

  1. Marc
    Dec 31, 2011 @ 07:46:05

    I like this story very much. It is so touching. Super nakarelate ako. Thanks for sharing

    Reply

  2. Van Ruel Alvear
    Jan 05, 2012 @ 06:41:53

    Super kinilig ako at napaluha m ako sa kwento m na naisip k sana makahanap dn ako ng saya sa puso at di k alam kung hanggang kailan ko pa makikita ang lalaki para saakin

    Reply

  3. Leo
    Jan 05, 2012 @ 08:25:33

    Awwww! If you only knew how the story touched my heart. Two thumbs up!☺

    Reply

  4. MitchelJahn
    Jan 06, 2012 @ 05:42:12

    Hang cute.. Sweet.🙂 Happy ako para sa inyong dalawa.

    Reply

  5. emille
    Jan 06, 2012 @ 17:17:56

    it relates to most of us….

    Reply

  6. alluka
    Jan 12, 2012 @ 09:08:14

    I wana read more!

    Reply

  7. jevin
    Jan 16, 2012 @ 02:30:24

    wew nkakakilig ung stry nyo..may add in fb??im really happy with your story..just pm guys thanks

    Reply

  8. eman
    Jan 17, 2012 @ 06:20:55

    i liked this very much. sana may book version.

    Reply

  9. Emman
    Jan 21, 2012 @ 09:43:56

    can’t wait for the next half…. if there is one! :))

    Reply

  10. Chris
    Jan 22, 2012 @ 16:27:01

    i really need to know who made this post. the author. please😀

    Reply

  11. John Rhyan Parca
    Jan 24, 2012 @ 16:39:12

    Nagtyaga akong magbasa and it’s all worth it! You thought it’s usual but the experience while reading it was unexplainable! I felt the kilig, hurt, sweetness and love! Goodluck for you both!🙂

    Reply

  12. John Paul
    Jan 27, 2012 @ 01:29:17

    very touching indeed!!!

    Reply

  13. Chris
    Jan 28, 2012 @ 02:09:05

    i really like this.🙂 please message me admin🙂

    Reply

  14. glenn
    Feb 09, 2012 @ 14:11:39

    i like the story very much

    Reply

  15. Rodel
    Feb 12, 2012 @ 16:38:12

    The author of this blog deserves a frappuccino… and I am dead serious.. message me please. This page is worth reading!

    Reply

  16. marlon
    Feb 13, 2012 @ 01:33:17

    i love the story, im looking for my master lol

    Reply

  17. krislowie
    Feb 13, 2012 @ 09:02:41

    love the story so much…

    Reply

  18. Michael Dela Cruz
    Feb 16, 2012 @ 17:19:01

    This story is EPIC. That’s all I can say. Whether it is real or not, it was very touching. This story made me realize many things in my life too. A big hands of applause for the author. Looking forward for another Epic stories.🙂

    Reply

  19. adi
    Feb 26, 2012 @ 13:33:14

    Thanks for sharing this kind of story… i do really like for the fact that it touches my heart and i realize that there will always be love

    Reply

  20. ghe
    Mar 07, 2012 @ 05:53:15

    like. same tayo Jino ng childhood game. Lego!tsk

    Reply

  21. Marielle
    Apr 05, 2012 @ 10:32:08

    Awwwww. Super worth reading.🙂 Very atypical yet very inspiring.🙂

    Reply

  22. dscott
    Apr 05, 2012 @ 14:22:57

    cute ng story..haayy..i miss my master🙂

    Reply

  23. Patrick Pablo
    May 26, 2012 @ 07:07:22

    ang sarap magbasa lalo na kung ganito ang mababasa mo,,nakaka inspire di ba…sana maraming ganyang lalaki dito sa mundo yung magmamahal ng katulad nilang kasarian…

    Reply

  24. HRD Guru - (The Go-to Guy for all your HR and Career related concerns!)
    Jul 30, 2012 @ 12:54:21

    Thanks for all your generous comments people!🙂

    Reply

  25. Dustin
    Aug 01, 2012 @ 14:51:29

    Hope to read more! Totally eye-opening. Learning a lot about dating my smarty pants boyfriend. Haha, Keep it up, sir!

    Reply

  26. shinkai
    Aug 02, 2012 @ 23:32:57

    nice story. but totoo ba.?

    Reply

  27. Cyrus
    Sep 01, 2012 @ 02:40:18

    nakakainspire ng sobra yung story… sana mahanap ko na rin ulit yung taong mamahalin ko ng tunay at ganun din sya sakin…. at sana this time ay maalagaan ko na sya ng mabuti para di na sya mawala sakin….. =)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: